Chapter seven

242 13 0
                                    


*Clair POV

Two weeks na ang lumipas simula nang mapadpad ako sa mundong ito. Exactly two pm nag dismiss yung buong klase. Maaga pa kaya may naisip ako.

"Pssstt"

Napalingon si Haron at laking gulat nanaman niya ng makita ako.

Bakit ba palagi nalang siyang nagugulat tuwing nakikita ako?

"A-anong ginagawa mo jan?! "  saad niya habang pulang-pula yung mukha sabay takip ng kanyang katawan sa school uniform niya.

Oo nga pala nandito kasi ako sa itaas ng puno. Katapat ng bintana ng kwarto niya yung puno na inakyatan ko. sekreto lang kasi yung gagawin namin ngayon, kaya hindi dapat Malaman ng iba lalong-lalo nayong unggoy na prinsipe nayon. But accidentally ko nadatnan na nagbibihis si Haron.

Hayyyss.....ang OA

" wag kang mag-alala hindi kita pagnanasaan" sabi ko

" H-hindi pagnanasaan? I-Ibig s-sabihin, h-hindi ako...K-kaakit-akit?"

Hayyysss....ang daming sinasabi

" ANO BA?! Bilisan mo na jan! May pupuntahan pa tayo!." Pagmamadali kong saad sa kanya

" h-ha?! Saan?!"

" Basta ! Bilisan mo na jan at hihintayin kita sa back door ng Mansion." sabi ko then bumaba na sa puno

***

Nasa down town kami ngayon ng Orandron. May kailangan lang akong bilhin na gamit para sa gagawin kong make over sa kanya. Hindi ko alam kong mahahanap ko ba ito sa lugar nato.....pero susubukan ko. Kailangan ko din pala ng mga chemicals para sa pangkulay ng buhok at for contact lens.

Three hours lang ang byahe if mabilis yung karwahe. Pinasadya talaga naming pabilisan para maka-abot kami sa dinner. lagot kami kapag nalaman na lumabas kami ng Academy. Nakasuot ako ngayon ng baby blue gown with white lace.

***

" Ano ba bilisan mo, may ilang Oras lang tayo para bumili. We need to get back before dinner."

Saad ko kay Haron habang siya nakasunod saakin at dala-dala yung mga box na binili ko.

" S-sandali lang! "

***

" oh no! Lampas tayo ng 30 mins."

" alam ko na " sabi ni Haron

Hindi na ako nagtanong kung ano man yung naisip niya. Sumunod lang ako sa kanya at 'yon, naisip niyang e padeliver nalang yung binili namin sa school at ipinangalanang sa ibang pangalan. Nagpanggap kami na kaibigan ni Princess Clair..hashtag ako... Buti nalang hindi Nila ako nakilala. Hindi kasi mala-clown yung make up ko ngayon.

So ano na paano kami?

???

Wait nga lang?

Anong kaibahan?

Malalate parin kami

" tara na! Mas mabilis kapag ganito"

Napalingon ako sa likod ng marinig ko yung boses ni Haron. Nakita ko siyang nakasakay na sa kulay puti na kabayo, while lending his right hand to me.

Napa smirk ako sabay abot sa kamay niya.

" Nice one " Sabi ko

Napangiti lang siya then hinila niya ako pataas hanggang sa makasakay na ako sa kabayo.

Wake Up as a Villain PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon