Wave 3

0 0 0
                                    


"Yari ka na naman ano" bati saakin ni Ella, ang katrabaho ko.

"Naku! Lagi naman" sagot ko na ikinatawa namin. Bigla namang bumulong si Bebeth.

"Narinig ko pogi raw ang bisita natin. Mga magkakamag-anak tapos mayamang pamilya" chismis niya saamin. Lumapit naman si Ella nang mas malapit saamin at saka bumulong din.

"Kwento pa, matatangkad at yummy raw!"

"Sus! Para 'yon lang! Ganoon talaga kapag mayayaman ano" wala sa sarili kong sinabi. Naalala ko kasi si Daddy, matangkad din siya at ang pinakilala niyang pinsan ko raw na lalaki. Bata pa naman ako noon eh nung pinakilala saakin ni Daddy si Ren. Matangkad na si Ren noon pa man, ano pa kaya ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng pangungulila sakaniya. Madalas kasi niya akong padalhan ng sulat pero hindi ko alam bakit natigil.

"Bakit? Nakakita ka na ba ng matangkad na gwapo at yummy?" kuryosong tanong ni Bebeth na ikinatango ko naman agad na may ngiti. Kinulbit naman ni Ella ang tagiliran ko na may ngiti.

"Sino yan ha? AFAM ba yan?"

"Pinsan ko 'yon, nung binisita kasi nila ako dati eh matangkad na si Ren, paano pa kaya ngayon"

"May pinsan ka pala? Akala ko sila Susan lang ang kamag-anakan mo at yung napunta na lalaki sainyo" tanong ni Ella.

"Sa parte ng Daddy ko 'yon, eh hindi ko pa nga ulit sila nakikita ngayon. Sila Tita Emi naman ay sa part ng Mommy ko, yun ang sabi nila" paliwanag ko.

"Nasaan na pala ang parents mo? Bakit kila Tiya Emi ka nakatira at lumaki?" takang tanong ni Bebeth.

"Eh hindi ko rin alam eh basta ang palaging sinasabi ni Tita Emi ay para naman daw sa kalagayan naming lahat ito"

Bigla naman bumukas ang pintuan at bumungad ang magkasanggang kilay ni Dragon.

"Sinuswelduhan ba kayo para magchismisan?! Naia, doon ka sa swimming pool maglinis! Bilisan mo!" galit na sambit nito at agad ko namang ikinasunod.

Kung saan mainit, doon niya pa talaga ako nilagay. Init talaga ng dugo niya saakin.

Agad ko namang kinuha ang mga kagamitan ko. Dumarami na rin kasi ang mga tao rito sa swimming pool kaya kailangang mapanatili ang kalinisan at p'wede rin naman nila kaming utusan kasi parte ng trabaho.

Kilalang-kilala ang resort na ito rito sa Isla. Maraming mga kilalang artista na ang nakita ko rito kaya hindi na bago saakin ang makakita pa ng mga mukhang nakikita sa TV.

Nasanay na rin naman kasi ako, hindi kagaya nila Bebeth na sobrang baliw na baliw sa bawat mga artistang nakikita nila kahit pa masusungit yung iba. Naiinis nga ako sa iba na mas'yado silang matapobre kung tignan-tignan kami. Oo, mayayaman sila pero hindi naman sapat na dahilan iyon para maliitin nila kami.

"Excuse me Miss, p'wede ba ang bata rito?" tanong ng isang maputing babae na may mahaba at makintab na buhok. Napatigil pa muna ako bago ibinalik ang sarili sa ulirat. Napakaganda niya kasi. Ibang-iba sa mga gandang nakikita mo sa billboards at TV.

"Ay, opo. Kailangan lang po may kasama kasi sa parteng padulo ay may kalaliman na po talaga" sagot ko sakaniya na ikinangiti niya at lumabas ang mapuputi niyang ngipin at dimples niya. Ang ganda niya! Para akong nakakita ng anghel sa harapan ko.

"Thank you! Let's go Ismael" napatingin naman ako sa batang kasama niya na may dalang laruang pantubig. Maputi rin ang bata at kahit maliit pa ito ay may katangkaran. May itsura rin ang bata, siguro anak niya? Pero parang malabo eh kasi mukha pa siyang bata. Mga 20s siguro, ganoon.

Tumuloy naman sila sa paglalakad at naupo sa malapit na table.

Maya-maya ay may naaninag akong matangkad na lalaki. Moreno ito at malalaki ang muscles. Naka-beach shorts lang siya at naka-tsinelas na hindi ko malaman ang itsura. Matipuno ang katawan at matangos ang ilong, hindi ko magawang makita ang mata niya dahil sa salamin na suot nito. Nakapamulsa lang siyang naglalakad. Tumigil siya sa table nung babaeng maganda at bata. Tumaas ang kilay ko. Baka mag-asawa. Parehas maganda ang lahi, pati ang anak.

"Don't you want to have breakfast first? You can leave us here, gusto lang ni Ismael maglaro and we already ate. Ikaw lang itong late palaging gumising" dinig kong sambit ng magandang babae.

"I can have breakfast later. I just have to finish some business matters" sagot ng lalaki na ikinatango ng babae. Napatingin naman saakin ang lalaki kaya agad naman akong umiwas ng tingin.

"Excuse me" tawag nito saakin. Lumapit naman ako sakanila ngunit iniwan ko muna ang panlinis ko.

"Goodmorning po Ma'am, Sir"

"Can we get two glasses of mango shake and what's for you Isma?" baling nito sa bata.

"I want pool!" natawa naman ang babae sa sinagot ng bata at lumingon saakin.

"Have it three, and you are?" medyo nagulat pa ako sa pagtanong niya saakin.

"Ah Naia po Ma'am, I'll have it right away po" magalang kong sagot saka tumango na ikinatango rin ng babae.

Agad akong pumunta sa bar at inorder ang tatlong mango shake. Pagka-abot nito saakin ay may kasama nang bill.

Maingat kong ipinatong sa lamesa ang mango shake nila.

"Thank you Naia, I am Jill and this is Ismael. Say hi, Ismael" kumaway naman ang bata saakin saka sumipsip sa mango juice niya.

"And this is Dario" pagpapatuloy niya. Hindi naman tumingin ang lalaki. Tama lang naman na hindi at dahil may asawa at anak na sila.

"Nice to meet you po and welcome po sa Mercédes Resort" nakangiti kong sambit.

"Staff ka ba talaga rito?"

"Opo, mga isang taon na rin po mula nung nakapasok ako rito"

"You're a beauty kasi and honestly, I was intimidated nung una kita nakita pagpasok ko rito sa pool area. Do you do modeling?" nakangiti naman akong umiling.

"Naku! Salamat po Ma'am, pero hindi po. Sainyo pa po nanggaling eh ako nga po ang nastunned sa ganda niyo. Mas maganda pa po kayo sa mga artistang nakikita ko rito at mabait" mahabang litanya ko sakaniya na ikinatawa niya.

"I'll see you up there, take care" paalam ng lalaki saka nag-iwan ng pera sa lagayan ng bill. Baka nabored na siya.

Nang makalayo naman ang lalaki ay muling nagsalita si Ma'am Jill.

"Jill nalang, don't call me Ma'am na at mas'yado namang pormal. Pasens'ya ka na sa kapatid ko ha? Mabilis kasing mabored ang isang 'yon"

"Kapatid niyo po siya? Hindi niyo po asawa!" medyo nagulat pa ang itsura niya pero kalaunan ay tumawa siya nang malakas habang ang kanang kamay niya ay nakatakip sa bibig niya.

"No no! He's my brother. But yes, this is my son pero hindi siya ang father" natatawa niyang sagot saakin.

"Naku! Sorry po! Akala ko po kasi asawa niyo. Parehas po kasi kayong may magandang lahi tapos may bata pa kayong kasama. Pasens'ya na po"

"It's okay! Marami na rin naman ang nagsabi niyan saamin. You're funny ha"








kissyloves

Love WavesWhere stories live. Discover now