Chapter 11

33 22 0
                                    

Candice's POV:

What the fcking hell is that? I admit, it was hella scary. Nakakawala ng coolness yun ha.

"Hey, what happened? What took you so long?" bungad sa akin ni Sryn. I just shrugged.

"Nothing, c'mon let's go,"

Naglakad na kami at pumasok ng classroom. Good thing wala pa yung panot na profesor na akala mo naman ay ang galing magturo, boring nga eh.

Habang papasok ng classroom ay naririnig na namin ang sigawan at tawanan nila. We didn't mind it and look for available chairs to sit on. Napatigil naman sila at tumingin sa amin. Problema ng mga ito? ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

"Tinitingin tingin niyo jan?" asar na tanong ko. Agad naman akong napairap ng magsiiwas sila ng mga tingin at kunware ay may ginagawa. Mga takot naman pala eh, bwesit.

Tumingin nalang ako sa labas at sa hindi inaasahan ay nakita ko ang isang anino sa di kalayuan. Magkakalapit kasi ang mga building dito sa XU at may mga puno-puno.

here's an example

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

here's an example..
ps. I do not own the picture and crdts to the rightful owner.

Sa bandang dulo kasi ang building namin at napapalibutan ito ng mga puno. Dun ko nakita ang anino na iyon.

Kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya dahil anumang oras ay maari niya akong batuhin nanaman ng dagger. Ewan ba kung aning trip ng taong to, kung nananakot siya well okay I admit, it worked pero sana naman tumigil na siya.

"Okay, we don't have things to do today so you may go home already,"

Nabalik ako sa ulirat nang magsalita ang professor na nakapasok na pala ng classroom.

Tumingin ulit ako sa kinaroroonan ng anino at wala na siya doon. Di ko nalang yun pinansin kahit natatakot na ako at nagayos na ng gamit.

"Ano ba naman yan, kung alam ko lang na walang pasok ay umuwi na sana tayo kanina pa," busangot na sabi ni Sryn.

"Why kase you did not uwi na? We did not sabi na follow mo us, your making sunod pa kasi eh," conyong sagot ni Tiffany.

"Hoy conyo, di ikaw kinakausap ko ha!"

"Alam niyo kayong dalawa, manahimik nalang kayo. Tara uwi na," singit ko.

Sumang-ayon naman sila at naglakad na at habang naglalakad ay lumilipad parin ang utak ko, iniisip ang nangyari kanina sa gym.

"Sino kaya ang maaring gumawa non?" bulong ko at di maintindihan kung ano ba ang nagawa kong mali para gawin niya sa'kin iyon.

Khaiden's POV:

Napailing nalang kami sa nangyari sa tatlong babae, halata naman na may taong may pakana nun eh. Bonak nalang sa di makakahalata.

"Kawawa naman sila," ani ni Adam.

Her Deadly Revenge | On-going Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin