"Grabeng level ng pagka delulu iyan," mahinang bulong ko sabay lakad sa isang aisle. 

"Ngayon ka lang pumasok dito, ano?" Pigil niya sakin.

Tinignan ko siya at tumango. "Paano mo nalaman?"

"Seryoso? Sa tatlong–" Tinignan ko siya ng masama. Alam ko na kung anong sasabihin niya. "I-I mean, dito kasi iyong aisle sa nonfiction books," pagpapatuloy niya at tumalikod.

Nakasunod lang ako sa likuran niya. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang library ng school namin, para akong naglalakad sa isang book store. 

Mababaw lang ang mga bookshelves, hindi lalampas ng balikat ko pero iyong mga bookshelves na nasa pader ay halos umabot na ng kisame sa taas. 

Nang makita ko ang sign na nakapatong sa ibabaw ng bookshelf ay nag umpisa na akong maghanap. Hindi ko maalala ang title ng libro na ipinakita ni Lovely pero naalala ko ang kulay.

"Nahanap ko na!" 

Napangiwi ako at nakiramdam sa paligid. Baka kasi biglang mag spawn iyong librarian sa lakas ng sigaw ni Lovely. 

"Ang bilis, ah," manghang saad ko sabay tingin sa libro na hawak niya.

"Don't underestimate my power of observation," mayabang na saad niya habang iwinawasiwas sa ere ang libro.

"Yes po, your highness," pabirong saad. "Okay ka na diyan? Kaya mo na iyan."

"Teka! Hindi mo ako tutulungan magbasa?" Malungkot na aniya.

"Malaki ka na, gusto mo ba basahin ko pa iyan sayo? Hindi ko naman project iyan." I made myself sound annoyed para malaman niya na ayaw ko. 

"Hindi naman kailangan na pareho tayo ng babasahin. Kahit kumuha ka na lang ng ibang book. Sige na stay ka muna dito." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. "Please?" Pilit niya. 

Bumuntong hininga ako. “Fine, sige na. Mauna ka na sa upuan tapos mamimili muna ako ng libro ko.”

“Sumunod ka, ah? I’ll wait for you malapit sa Aisle B.”

Tumango lang ako bilang sagot habang siya ay umalis na may palundag-lundag pa. Ang taas palagi ng energy ni Lovely, hindi ba siya napapagod?

Hindi ako mahilig magbasa kaya bumalik ako sa aisle kung nasaan ang mga history books. Boring ng history but I love learning new things from the past.

“Hmm.” Hinawakan ko ang baba ko habang isa-isang tinitignan ang mga libro na sa harapan ko.

Isang libro ang umagaw ng atensyon ko. Ito na lang ang babasahin ko. 

“Oh-sorry.” Nilingon ko ang nagsalita na nasa gilid ko. “S-Santa? Anong ginagawa mo dito?”

Kumunot ang noo ko dahil sa tinanong niya. Binitawan ko ang librong napili ko dahil nakahawak siya sa kabilang dulo nito pero binitawan niya rin ito na naging dahilan para mahulog ang libro sa sahig.

Kusang kumilos ang katawan ko at lumuhod para kunin ang libro na nasa sahig pero ganun din ang ginawa niya. Hindi sa assuming ako pero parang on purpose niyang hinawakan ang kamay ko imbes na ang libro.

“Bitawan mo, akin ito,” seryosong saad ko dito. Umiwas siya ng tingin bago bitawan ang kamay ko kaya agad kong pinulot ang libro at dumiretso ng tayo.

“Ngayon lang kita nakita dito,” aniya. Sinusubukan alisin ang awkwardness sa pagitan namin.

“I wonder why?” Pamimilosopo ko. “Ikaw? Palagi ka ba dito?” Tanong ko dahil mukhang naubusan na siya ng sasabihin.

“Hindi naman. Nagpapatulong kasi si Lovely sakin para sa project niya.”

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Umiwas siya sakin at nagkunwaring nagtitingin ng mga libro. “Did you two planned this?” 

“H-Ha? Plan what?” Gulat na saad niya habang umiiling.

“You can have this at pasabi kay Lovely na nasa Aisle B ay goodluck sa peke niyang project.” Ipinatong ko sa shelf itong libro at mabilis na naglakad palayo.

“Teka! Santa!” Tawag niya sakin pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Walang lingunan, basta dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng library.

Actually, hindi ako sigurado kung pakana nga ni Lovely ito. Coincidence lang ba na nandon din si Glen para tulungan siya? Did I jump to conclusions?

“Ms. Vontemar? Anong oras na bakit hindi ka pa umuuwi?”

“A-Ahmm-”

Ngumiti siya na nagpabilis ng tibok ng dibdib ko. What is happening? Kanina lang ay naiinis ako tapos ngayon, oh my ghad.

“Are you okay? Have you eaten your lunch? Nevermind, samahan mo na ako sa bagong bukas na kainan malapit lang dito.”

Panaginip ba ito? Please huwag niyo na akong gigisingin.

Teacher's PetWhere stories live. Discover now