Chapter 5

240 9 0
                                    

Chapter 5

Nang tuluyan na akong makapasok sa hall, napaawang agad ang labi ko sa bumungad sa akin. Bukod sa nakakamangha ito, sobra rin dami ng kapwa kong mga babae na nandito. Sa sobrang dami nila, hindi ko alam kung paano ko hahagilapin si Wynnona Snow.

Ang unang ginawa ko ay inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang nag-iisang babae na nakasuot ng itim. Pero nahilo na ako sa kakaikot ng paningin sa kanila pero miski isang naka itom ay wala akong nakita.

Lahat sila ay puro naka white!

Anong gagawin ko?

Baka magalit sa akin si Nikolaus kapag hindi ko nagawa itong pinapagawa niya.

Will I mess up my first big task?

May lumapit sa akin na isang babae. She's beautiful and elegant. Siya 'yung alam mong laki sa yaman, hindi katulad ko na halata mong laki sa hirap.

"Hi, I'm Maxine. Are you alone, too? Do you want to join me?" She's kind and pure. Wala kang masasabi sa kanya.

"I'm Malia. And yes, I'm alone."

"So, let's find a table?" Ngumiti lang ako at tumango. Sa sobrang friendly niya pa nga, humawak pa siya sa braso ko.

Okay na rin siguro ito habang hinihintay na dumating si Wynnona Snow. Hindi pa naman nagsisimula kaya siguro hindi pa siya dumadating dito. May ilang minuto pa naman bago magsimula.

"So, who are you with here today? Is it your husband?" Nakipagchikahan muna itong si Maxine sa akin habang hindi pa nagsisimula.

"Yes, my husband. Ikaw ba?"

"I'm here with my Dad. I'm not married yet." Tumawa siya at nahampas pa ako ng mahina sa braso.

"But you have a boyfriend?" Tanong ko para humaba haba naman itong pag-uusap namin at para hindi lang siya ang nagtatanong sa aming dalawa.

"He's not my boyfriend yet. Pero malapit na!" She giggled and got excited.

"So, have you not given him an answer yet?" Natawa siya sa naging tanong ko.

"No. He's the one who hasn't given me an answer yet." Pagtatama niya.

"Are you the one courting him?" Nagulat ako.

"Yes. It's challenging to win him over, but it's alright. I know one day, he'll be mine." She smiled and took a sip of her wine. Pero wait, ang ganda niya na, ah? Tapos siya pa ang nanliligaw? Nasaan ang hustisya? Sino naman kaya 'yung gagong lalaking 'yon na sinasayang lang ang napakaganda at napakabait na babaeng 'to?

"That guy will be lucky to have you, Maxine. Sino ba 'yan at pinaghihintay ka lang?" Napainom ako ng tubig.

"He's Nikolaus Hiero Cassano." Agad kong nabuga ang kaiinom ko lang na tubig dahil sa gulat.

"What?" Gulat na sabi ko, hindi talaga makapaniwala sa sinabi niya.

Tama ba ang pagkakarinig ko?

Si Nikolaus ang taong gusto niya? O, mali lang talaga ang pagkakarinig ko?

"You seem surprised! Why? Do you know him?" Napatitig siya sa akin, hinihintay ang sagot ko.

Oh, no...

Paano ko sasabihin na asawa ko 'yung lalaking 'yon? Na 'yung lalaking gusto niya at iyong matagal niya ng nililigawan ay may asawa na.

Tsaka... bakit hindi nalang siya ang kinuha ni Nikolaus na maging asawa? Eh, hindi naman mapagkakaila na mas maganda pa siya kesa sa akin. Tapos ay mayaman pa!

Hide and Seek (A Dark Mafia Needs A Wife) - CompletedOn viuen les histories. Descobreix ara