Chapter 5: Have you missed me? (SAMPLE CHAPTER)

14.7K 368 27
                                    

DAHIL sa takot na rin ng mga magulang ni Louise na baka mabaliw ang anak ay pinatawas ng mga ito ang buong bahay. At akalain mo nga naman na tumatalab kay Beam ang inaakala ng lahat ng tao na pekeng albularyo sa lugar nina Louise? Ubo na nang ubo si Beam at para bang nanghihina na ang kaluluwa niya sa bawat amoy ng mabahong usok na nasa paligid ng buong kabahayan nina Louise. Inis na inis na siya. Ni hindi niya na malapitan ang Prinsesa niya. Nalulungkot siya na hindi ito nakakausap. Para na lang siyang tanga sa taas ng puno na palagi na lang pinagmamasdan si Louise mula sa malayo. Daig pa niya ang tikbalang eh. At sa gwapo niyang iyon? Tsk. "May araw ka ring matandang hukluban ka," inis na sabi niya habang nagpapausok ang matandang panot sa bahay nina Louise. Tuwing hapon kasi ay bumabalik ito. Araw-araw. Kaya naman araw-araw din siyang nga-nga na hindi man lang malanghap ang mabangong amoy ni Louise. Dahil natatabunan ang buong kabahayan ng napakabahong usok. Asar!!!

MATIYAGA namang naghintay si Louise hanggang sa matapos nang magpausok si Mang Tasyo. May mga assignments kasi siyang dapat gawin. Sa totoo lang ay kahit siya ay nababahuan din sa usok. Ewan ba niya kung bakit parang nanghihina ang katawan niya sa pagpapausok na iyon ng matanda at siya lamang ang nakakaamoy ng hindi magandang amoy samantalang ang lahat doon ay nagsasabi na wala naman daw amoy ang usok. Pero hindi na lang niya pinapansin kung bakit nga kaya. Baka nagkataon lang talaga na maselan ang pang-amoy niya. Nagtitiis na rin siya dahil kailangan daw gawin iyon ng apat na magkakasunod na araw para raw hindi na muli pang makapasok doon si Beam at ang iba pang multo na posible raw maakit sa kanya. Magsisilbi raw iyong barrier sa mga multo para hindi makalapit sa kanya. Well, aminado naman siyang napakaganda niya pero wala siyang balak na pati ang mga multo ay payagan niyang maakit sa mala-Diyosa niyang ganda! Ikamamatay niya kapag nagkaroon siya ng multong palaging bubuntot sa kanya na parang pokemon.

Ang sabi pa naman ng albularyo ay unti-unti na raw talagang lumalakas ang third eye niya. Natatakot naman siyang isipin na bukod kay Beam ay makakakita na naman siya ng marami pang mga multo. Akala niya noon ay nawala na ang abilidad niyang iyon noong bata pa siya pero ngayon ay bumalik na naman pala.

ILANG ARAW pa ang lumipas at natapos na rin ang mga pausok-usok ni Mang Tasyo. At katulad ng sinabi nito ay nawala na ngang parang bula si Beam. Hindi na niya ulit ito nakita at pakiramdam niya ay bumalik na naman ulit sa normal ang buhay niya. Kaya kailangan niya na ulit pumasok sa School. Halos isang linggo rin siyang absent dahil sa takot at hilakbot na idinulot ni Beam sa buhay niya. Pagpasok pa lang niya sa Classroom ay sinalubong na agad siya ng yakap ng kaibigan niyang tomboyin na si Jack at ng kaibigang bakla na si Abel. "Ayos na ba ang pakiramdam mo, Louise? Nag-alala kami sa 'yo! Akala namin napa'no ka na eh!" Nangingilid ang luha sa mga mata ng kaibigan niyang tomboy. Napangiti siya dahil hindi ito ang tipo ng tao na iyakin. Madalas kasi ay tinatago nito ang luha na parang sa isang tunay na lalaki. "Oo nga girl! Nabalitaan kasi namin na muntik ka na raw mabiktima ng killer slash pulube slash magnanakaw na gumagala here e! Buti na lang daw ay may nagligtas sa 'yo! Aba, Girl, kahit ako ma-to-trauma ang beauty ko kapag sa akin nangyari iyon! Ni hindi ka na tuloy nakasali sa pag-present ng project na pinaghirapan natin!" maarteng sabi naman ni Abel. Iyong nangyari kasi no'ng gabing muntikan na siyang nanakawan ang idinahilan niya sa School at sa lahat kaya siya lumiban ng halos isang linggo sa klase.

"But don't you worry, Beybe dahil sumuko na raw sa pulis iyong magnanakaw no'ng mismo ring gabi na naka-engkwentro ka niya! Parang takot na takot pa nga raw at mas gusto pa raw pumasok sa loob ng kulungan kaysa magpagala-gala sa labas eh! Nasiraan yata ng bait at ang sabi pa e nakakita raw siya ng mumu!" dugtong pa ni Abel. Doon siya kinilabutan ulit. Naalala niyang bigla ang unang pagkikita nila ni Beam. Kaya pala takot na takot na tumakbo palayo rito ang magnanakaw na iyon noon. Akala niya noon ay natakot ang magnanakaw dahil sa galing at lakas ni Beam. Iyon pala ay dahil nalaman nitong isa itong multo. Nakita nga siguro no'ng magnanakaw na iyon ang totoong anyo ni Beam. Kung nakakatakot na mukha ni Beam ang nakita niya ay baka inatake na siya sa puso kahit wala naman siyang heart disease.

Pero bakit nga kaya ang gwapong mukha ni Beam ang nakikita niya? Bakit maaliwalas na mukha at parang normal na tao lang ang nakikita niya sa tuwing nagpapakita ito sa kanya? "Magpasalamat na nga lang tayo at may nagligtas sa 'yo no'ng gabing iyon, Louise. Kung hindi ay baka nawalan na kami ng kaibigan," sabi ni Punky na bigla nang pumasok din sa classroom. Isa sa mga kaibigan niya na nerdy type. Genious looking ito pero knowing nothing. Wala sa mukha nito pero may pagkamahina ang utak nito at mas laitera pa sa mga campus sweetheart ng School. Late rin palagi sa School at may pagkamataray. Kabaligtaran ni Jack na mukhang maton pero tahimik lang. Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Punky.

Niligtas nga pala siya ni Beam... Multo man ito o hindi ay 'di pa rin mawawala ang kabutihang ginawa nito. Iniligtas siya nito sa magnanakaw na muntik nang pumatay sa kanya. Kung wala ito, patay na sana siya at hindi na niya makakasama pa ang mga kaibigan niya. At siguradong iiyak din ng husto ang mga magulang niya dahil nag-iisang anak lang naman siya. Utang na loob niya ang buhay niya kay Beam pero tinaboy niya ito. Pinamukha niya rito na nawala ang pagkakagusto niya rito dahil lang sa isa itong multo. Doon niya naisip na masakit siguro para rito ang mga nasabi niya. Ano ka ba naman Louise. Huwag kang tanga. Paanong masasaktan ang isang multo eh wala na iyong katawan? Nagawa pa siyang kausapin ng sarili niyang utak. 'Yung totoo? Mas may isip pa sa kanya ang utak niya. Parang ang sama-sama tuloy niya! "Gwapo ba 'yung nagligtas sa 'yo, Friend? Hindi mo ba tinanong man lang ang pangalan niya? Kung pogi, pahingi naman ng number! Gano'n ang mga type ko sa mga boylet, Girl! Iyong mga knight in shining armor ang peg! Ayiiee!" Kerengkeng ni Abel. "Hindi e. 'Di ko natanong at wala na akong alam kung nasaan siya ngayon," sabi na lang niya. Hindi na nga siguro niya makikita ulit si Beam dahil tinaboy na niya ito.

Doon na may pumasok na Teacher sa loob at nag-umpisa nang magturo. Lumulutang lang ang isip niya habang may nagtuturo sa harap. Dapat kalimutan niya na lang si Beam para maging matahimik na ang buhay niya. Nandito siya ngayon sa klase kasama ang mga kaibigan niya. Normal na ulit ang buhay niya. Dapat ay hindi niya hinahayaan ng sarili na magulo ang isip dahil lang sa isang multo na napalayas na ng magaling na albularyong inupahan nila. Bumuntong-hininga siya.

Tama. Dapat lang na kalimutan na niya si Beam.

Pero wala pang isang minuto na sinasabi niya iyon sa sarili ay nakita na agad niya sa labas ng bintana ang nakangiting si Beam!

Nasa third floor sila pero naka-indian seat na nakaupo ito at nakalutang pa sa ere! "Hi Baby. Have you missed me?" mapang-akit na tanong nito. "AAAAHHHHHHHH!!!" Doon na siya kinikilabutan na napatayo at napatili sa buong klase!

After Life (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon