Chapter 2: A date with Mr. Nighmare (SAMPLE CHAPTER)

20.1K 448 28
                                    

NANG umagang iyon ay dinalaw ng isang napakagandang panaginip si Louise. Siya at si Beam daw ay nag-date sa isang high class restaurant. Ang gwapo-gwapo raw ni Beam no'ng araw na iyon. Nakatuxedo ito at siya naman ay naka-dress. Romantic din ang ambience ng lugar na kinaroroonan nila. Nag-iisang anak daw si Beam ng isa sa pinakamayamang businessman hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Lahat daw ng gusto niya ay binibigay nito. At ngayon nga ay nasa restaurant daw sila. At kakain ng paborito niyang inihaw na kalapati. Exotic food daw ang menu sa lugar na iyon. Maya-maya ay hinawakan daw ni Beam ang kamay niya sa ibabaw ng table at tinitigan siya ng mariin sa mga mata. Nag-umpisa na raw magsiliparan ang mga butterflies sa tiyan niya dahil sa titig na iyon... "Alam mo ba kung bakit kita iniligtas sa magnanakaw no'ng gabing iyon Louise?" panimula nito. Kinakabahang umiling daw siya. "Iyon ay dahil na-in-love-at-first-sight ako sa 'yo Louise. Sa umpisa pa lang ay nahumaling na agad ako sa 'yong nakakabato-balaning ganda." Kinilig siya ng hard dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay napakahaba ng hair niya sa part na 'yon. Saka ito lumapit sa kanya at lumuhod pa. May kinuha ito sa bulsa nito na nagpasinghap sa kanya. "Louise... Ikaw ang babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko. Will you marry me?" Parang kinakabahan pa si Beam. Maligayang-maligaya naman na tumango siya. At with teary eyes pa na para siyang nanalo sa isang beauty pageant! "Yes Beam! Papakasal ako sa 'yo!" tuwang-tuwa daw na sabi niya saka yumakap dito. Gumanti naman ito ng yakap at ang saya-saya daw nila. Natupad na ang pangarap niya na makita ang lalaking nakatakda para sa kanya. Maya-maya ay umupo na sila. "Bago tayo magpakasal ay may gusto akong aminin sa 'yo Louise." "Huh? Ano naman 'yun?" Nagtaka siya. Hinawakan ulit nito ang kamay niya. "Ipangako mo muna sa akin na kahit ano pang malaman mo ay hinding-hindi ka matatakot sa akin. Na tatanggapin mo kung ano ba talaga ako o kahit ano pa ang tunay kong anyo na makikita mo."

"Ayiieee... Pa-suspense pa. Ano ba 'yun? Hi-hi-hi... Syempre kahit ano pa 'yang madilin mong sikreto ay tatanggapin ko Beam. Magpapakasal na tayo eh." "Kung ganoon ay kailangan mo nang malaman ang totoo..." Magsasalita na sana si Beam nang bigla nang dumating ang waiter para i-serve ang food nila na in-order nito.

Dala ng gutom ay binuksan niya na ang nakatakip na pagkain. Mamaya na niyang pakikinggan ang sinasabi ni Beam dahil kailangan muna niyang lumamon. Pero bigla niyang nabitawan ang takip ng malaking pinggan nang makita kung ano ang nakahain doon! Napasigaw siya sa takot nang makita ang pugot na ulo ni Beam! Wala na ang isang mata nito at tirik ang isa pang mata! Punong-puno ng dugo ang buong mukha nito. Naglalawa sa dugo ang lagayan mula sa sarili nitong ulo! "Ahhhhhh!!!!!" pagtili niya saka nahulog daw siya sa kinauupuan niya. Pati ang ulo raw ni Beam na nasa mesa ay kasabay niyang bumagsak sa sahig! Walang ano-ano ay dumilat daw ang mga mata nitong kanina ay nakatirik. Lalo lang siyang nagtitili lalo na nang ngumisi sa kanya ang pugot na ulo at tumawa iyon nang malakas na malakas!

Napatingin siya sa katawan ni Beam na kasama niyang nakaupo kanina. Wala na ngang ulo ang katawan nito dahil nasa sahig na ang ulo nito! Palapit nang papalapit sa kanya ang katawan nito at nakangisi na nandidilat naman ang nagdudugo nitong mga mata! "Huwag! Utang na loob, huwag kang lalapiiittttt!!!" nahihintakutang pagsigaw niya.

"This is what I am Louise. You said just a while ago that you will accept me no matter what I am. This is the real me, Louise. I'm a ghost. But I could still make you happy. We're going to get married whether you like it or not." Ang pugot na ulo nito sa sahig ang nagsasalita pero nanindik ang balahibo niya nang tuluyang makalapit sa kanya ang katawan nito at hinahaplos na ngayon ang mukha niya!

"Ayaw ko na! Binabawi ko na iyong sinabi ko! Layuan mo ako!" Sa kabila ng takot ay nagawa pa niyang sabihin.

"No! Hindi ako papayag! Umo-o ka nang magpakasal sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo ay akin ka na!" galit daw na sabi ni Beam saka pinulot ng katawan nito ang sariling ulo nito mula sa sahig saka inilapit ng katawan nito ang ulo nito sa kanya para siya ay halikan!

Napaatras at tumakbo siya pero dead end na ang pader sa likuran niya. Wala na siyang kawala. Umikot ang paningin niya sa resto sa pagbabakasakaling may tumulong pero nagbago raw ang anyo maging ng mga taong naroroon kanina. Kahit ang mga waiters ay duguan! Lahat multo! Lahat ng mga ito ay nagtatawanan na parang ikinabibingi nya. Tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang mga tenga niya. "Huwwwaaaaggggg!!!!! Tulungan ninyo ako!" pagtili niya nang palapit na palapit na sa nguso niya ang putok na labi ni Beam.

"GISING! Anak! Gising!" Pagyugyog ni Ericka sa anak. Nang hindi pa rin tinablan si Louise ay malakas na sampal na ang pinadapo nito sa pisngi ng anak. Doon na napabalikwas ng bangon si Louise. "Mama!" Biglang yumakap ang takot na takot na si Louise sa ina. "May multo, Mama! Pugot ang ulo ni Beam!" Umiiyak na si Louise. "Beam? Iyon ba 'yung kinukwento mo noong nakaraang araw na nagligtas sa 'yo?" tanong naman ni Ariel, ang Daddy niya nang medyo mahimasmasan na siya.

Tumango lang siya dahil natatakot pa rin siya kapag naiisip ang napaginipan kanina. "Kung gano'n, anak, huwag mong masyadong seryosohin ang masamang panaginip mo. Hindi naman siguro magagawang makipagsuntukan ng lalaking iyon sa magnanakaw kung totoong multo na siya hindi ba?" nakangiting sabi pa nito. "Oo nga anak. Dahil ang mga taong namatay na ay dumidiretso na sa langit. At dahil iniligtas ka niya, siguradong mabait siya. Hindi multo si Beam, Anak, kaya huwag mo nang isipin pa 'yang panaginip mo." "Tama, Anak. Ikaw naman kasi, masyado mong pinagpapantasyahan iyang Beam na 'yan kaya ayan tuloy kung ano-ano na ang napapaginipan mo." Humagikhik pa si Aling Ericka. Tumango na lang siya at hindi na sinabi sa mga ito na noong nakikipagsuntukan si Beam sa magnanakaw ay parang hindi ito nakikita ng kalaban nito. Umalis na ang mga magulang niya nang makitang okey na siya. Tama sila. There's no way he can be a ghost, sabi ng isip niya kaya tumayo na para makapasok sa banyo at maligo. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya kung sino ang bumulaga sa kanya. Si Beam!

After Life (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon