Kabanata 1

4 0 0
                                    

Laging sinasabi ni tatay na huwag kong ipapaalam na tao ako. Ang mahihiwagang nilalang ay nababaliw kapag nalaman nila na isa kang tao, yung iba sa kanila ay kakainin ka, at ang iba naman ay po-protektahan ka. Pero delikado pa din na ipaalam na isa kang tao sa mundong 90% ng populasyon ay mahiwagang nilalang.

"Ang pangit talaga ng mga duwende! Tignan mo naman si Sino!" Nandidiring sabi ni Yaya, ang matalik kong kaibigang manananggal, kumindat naman sa kanya si Sino ang duwende naming kaklase na may gusto kay Yaya

"Ugh! Yuck! Kadiri! Ampangit! Bakit ba ang mga lalaki dito hindi katulad ni Karlo?" in-love na sabi nya habang ini-imagine si Karlo, ang sikat at gwapong tamawo o engkanto sa kabilang section. Inirapan ko nalang sya sa pagiging lovesick nya kay Karlo

"Maganda siguro maging isang Diwata no? hindi nahahati ang katawan mo at wala kang nakakatakot na mukha" sabi ni Yaya habang naiinis na nakatingin sa katawan nya

"Tignan mo nga! Mukha kang tao" sabi nya habang naka buka ang mga kamay nya sa harap ko na parang pinepresenta ako sa lahat

Pumekeng tawa na lang ako habang pinagpapawisan.

Sana nga totoong Diwata ako. Buti nalang at magkamukha ang Diwata at Tao, kung hindi nila ginagamit ang kapangyarihan nila.

"Mu-mukha ka din namang tao ah? Kung hindi mo hinahati ang katawan mo o pinapakita ang mga pakpak mo, walang duda! Mukha kang tao!" sabi ko sa kanya

"Ta-talaga?" nahihiyang sabi ni Yaya habang namumula ang mga pisngi. Ngumiti ako sa kanya, pumikit sya at iniwas ang tingin sa akin na parang nagtatampo, habang mapupula pa rin ang pisngi

Totoo ang sinabi ko, halos lahat na ng mga nilalang dito ay may anyo ng tao. Siguro dahil nasa modern era na tayo? Ang mga tikbalang, sarangay, serena, shokoy, kapre at ano pa mang nilalang ay kaya ng mag hugis tao at makisalamuha. Kaya siguro umonti ang populasyon ng tao...

Malungkot akong napatingin sa mga kamay ko ng sumagi sa isip ko yun

"Ehem!" napatigil ako sa pag iisip at tumingin muli sa nahihiyang Yaya

"Tara na Taal, kumain na tayo" tumayo na si Yaya sa tabi ko.

"Kumain? Gusto mo lang makita si Karlo eh" nakangisi kong sabi habang nakatingin sakanya ng nakakaloko

Namula na naman ang mga pisngi nito "Hi-hindi no!" nagmamatigas nitong sabi, "ano ngayon kung gusto ko syang makita?" mataray na sabi nya

Nginitian ko lang sya, "tara na nga" nakangiti kong sabi at tumayo na sa upuan

"Huy Yaya! Kain tayo!" sigaw ni Sino sabay hatak kay Yaya palabas, inawan akong nag iisa

"Hays..." napabuntong hininga nalang ako, lagi nalang ina-agaw ni Sino si Yaya sa akin. Bago ako umalis para sundan sila ay inamoy amoy ko muna ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko, agad agad kong kinuha ang maliit na pabango sa bag ko at nagmamadaling tumakbo palabas ng room

Nagmamadali akong tumakbo, kailangan bilisan dahil nawawala na ang amoy ng Diwata sa katawan ko! Kapag nangyari yun maamoy na ako ng mga mahihiwagang nilalang! Lalong lalo na ng mga Sarangay at Tikbalang!

Habang tumatakbo ay naalala ko na naman ang laging sinasabi sa akin ni tatay.

"Tandan mo Taal, huwag na huwag kang lalapit sa kahit kaninong mahihiwagang nilalang" pagbabala ni tatay sa akin habang nakaupo ako sa hita nya

Pakiusap! Huwag mo akong kaininTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon