Chapter 49

11 0 0
                                    

"H-hon.." Narinig kong Tawag sa akin ni Haia kaya nilingon ko siya, She smiles. "Stand.. And fight."

Tiningnan ko si Haru, May hawak siyang Bakal at nakangising nakatingin sa akin.

"Don't mess with.. With a Mess" sabi ko at tumayo. "Damn this, it's Just a wound." Nakangiti kong saad at patagong pinulot yung baril.

"Isa lang ang pwedeng matira, Reostos!" Sigaw niya at Tangkang hahampasin ako ng bakal na hawak niya ng Barilin ko siya sa Ulo.

"One shot, One kill."

Biglang dumilim yung paningin ko at nawalan ako ng Malay.

Louvelle's POV

Matapos akong tawagan ni Zio para tulungan sila sa Ewan ko ba kung anong nangyari dun basta naabutan ko Lang na Puno ng dugo si Zio don habang karga-karga niya si Mio. Tapos ngayon ako yung pinagbantay niya dito kina Reostos, Pero okay Lang Babantayan ko ang Mahal ko.

I stared at Reostos, Napakagwapo niyang Lalaki, Ideal Man of all. Dapat pala Hindi ko nalang siya Iniwan noon, Edi sana ako yung kasama niyang lumaban ngayon.

Nilingon ko si Haia na nasa kabilang kama, Ayoko sa kaniya, Naiinis ako sa kaniya pero Hindi maitatangging Maganda siya Aish, Pero Hindi sapat yung ganda niya para matumbasan ang ganda ko. I don't know kung Bakit siya yung nagustuhan ni Reostos pero siguro nagiging immature na ako sa kakapanggulo sa kanila.

Sobrang namiss ko lang talaga si Reostos, Kaya ganito ako. Tsch. Siguro Hayaan ko nalang sila at bumalik sa London para pakasalan ang lalaking gusto ni Dad para sa akin.

"Aish, Siguro nga Ganun nalang-"

"Anong Siguro?" Napalingon ako ng marinig ko yung boses ni Zio. Nakahawak sa kaniya si Mio pero agad ding bumitaw at Tumakbo papunta kay Haia.

"Mama, I'm tired." Sabi pa nito kahit tulog si Haia at humiga sa tabi ni Haia.

Napatingin ako Saglit kay Zio na Naupo sa Sofa na Hindi kalayuan sa akin.

"K-Kumusta na yung mga sugat mo?" Tanong ko sa kaniya, I don't know pero naiilang akong tingnan siya pabalik lalo na't nakatitig siya sa akin.

"Okay na rin naman. Sinong kausap mo kanina?" Napakunot noo akong tiningnan siya.

"Ah, may naisip Lang amo kanina." Sagot ko.

"At ano naman iyon?"

"P-pati ba naman 'yon gusto mong alamin? Tsch." Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa akin.

Anong meron sa akin? Bat Titig ma Titig siya?

"Uh, Aalis na ako, Ill go back to london-"

"For?" Nilingon ko siya, Bakit parang nag-aalanganin akong Sabihin sa kaniya na May Papakasalan ako sa london?

"M-magpapakasal-"

"Sige." Nagulat ako ng tumayo siya't lumabas ng walang lingon. At para bang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"Anong problema ng lalaking 'yon?"

-

Zio's Point of View.

"Pake ko ba sa kaniya? Edi umalis siya." Sabi ko sa sarili habang nakatanaw sa baba. Ewan ko, Nainis nalang ako bigla. Para akong g*go rito at itinatangging gusto ko siya.

"Eish, Hindi ko naman talaga siya gusto!" Sigaw ko't napabuga ng hangin. Nababaliw na talaga ata ako.

"Okay lang, Mas gwapo parin Naman kesa sa mga lalaki ro'n sa London." Napasipa ako sa fence ng rooftop ng hospital na'to at napasabunot." Saka isa pa hindi kami bagay, Tsch. Napakagwapo ko naman ata. Saka ayoko sa maldita, Napakasungit niya kala mo naman talaga kagandahan, shape lang naman meron. Pake ko mung Malaki yung hinaharap niya? Nakakainis siya."

-

Haia's POV

Nagising ako sa puting kwarto, May mga nakita akong Hospital equipments kaya Alam kong nasa hospital ako. Napalingon ako sa Gawing kanan ko. Nakita ko si Reostos na tuwang-Tuwang nakikipaglaro Kay Mio. Sinubukan kong Bumangon pero Ang sakit ng buong katawan ko.

"Ouch."

"Hon, Are you Okay? What do you feel right now?" Nag-aalalang tanong ni Reostos. At agad na lumapit sa akin si Mio.

"Mama, You're awake." Sigaw ni Mio at pinatong ang ulo sa tiyan ko."baby, Are you awake too?" Napangiti ako sa ginawa ni Mio pero napalitan din agad ng pag-aalala.

"K-Kumusta si Baby?" Tanong ko.

"Don't worry, Okay lang Daw siya sabi ni Doc." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.

I'm His Wife (mafia Series)Where stories live. Discover now