Chapter 58

31 4 6
                                    

"JUST don't let anyone know about the accident. Ako na ang bahala sa scholarship ng kakambal ni Cassy."

Napapaisip pa rin si Eli sa sinabi ng ama matapos silang mag-usap sa opisina nito. Seryoso ba talaga siya? Nakipagtalo pa siya noong una kay Iñigo subalit sa huli ay wala siyang nagawa. Kasalanan din naman daw niya kung bakit nangyari ang bagay na iyon.

Kasalukuyan siyang nasa bench kung saan madalas silang tumatambay na magkakaibigan. Hininihintay niyang dumating sina Ariston at Beaumont dahil nag-message sa kanya ang dalawa na makipagkita daw siya sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nadadamay sa mga nangyayaring kaguluhan sa kanyang buhay. Ito ang pakiramdam na ayaw niyang mangyari; kapag may matinding problema siyang pinagdaraanan, palaging may mga taong malalapit sa kanya ang nadadamay. Ang masakit pa nito, ang taong pinakamahalaga sa kanya ang higit na nagdurusa dahil sa kagagawan niya.

"Paps, kumusta na?" Marahas na tinapik ni Ariston si Eli sa likod. Kasama nito si Beaumont na hindi maipinta ang mukha. Halatang nagtatampo pa rin dahil sa paninigaw niya rito nitong nakaraan lamang.

Ngumiti lang si Eli kay Ariston pagkatapos ay tiningnan si Beaumont. "Paps, sorry. . ."

Siniko naman ni Ariston si Beaumont na parang sinasabi nito na huwag nang magtampo sa kanya. Napabuga na lang ng hangin si Beaumont at sinabing, "Oo na. Pero next time, uupakan na kita!" Mahina nitong sinuntok ang balikat ni Eli.

"Pero, Paps, may problema ka ba? Napapansin kasi naming bihira kang magpakita sa amin ngayon, eh," sita ni Ariston.

Napayuko si Eli. Paano ba niya sasabihin ang totoo sa mga kaibigan? They are the only person who could understand his situation right now but how could he even tell them the truth? Gustuhin man niyang sabihin ang totoo, hindi niya magawa dahil na rin sa bilin ng ama.

"Sorry, mga Paps. Masyado lang akong nawalan ng gana pumasok these past few days. Pero okay na ako," pagsisinungaling niya sa mga kaibigan.

"Dahil diyan, ilibre mo kami ngayon sa cafeteria," wika ni Beaumont.

Napangisi na lang si Eli sa sinabi ng kaibigan. "Kahit kailan ka talaga, Beau. . . sige na nga!"

"'Yon, oh!" Agad na tumayo ang tatlo sa bench at tinungo ang cafeteria. The usual scenario, daig pa nila ang superstar kapag papasok sila sa loob nang sabay-sabay sa kahit anong establishments ng Montecillo University. Parang mga celebrity kung pagtinginan ng mga estudyante roon ang BEA Boys. Nakatutok din sa kanila ang mga phone camera ng mga estudyante at kinukuhanan ng video o retrato ang bawat kilos nila. Pero hindi sa camera nakatutok ang paningin ni Eli noong mga oras na iyon kundi sa isang tao na nakataupo sa isa sa mga mesa ng cafeteria.

Cassy. Gustong-gusto niyang lapitan ang dalaga pero hindi niya magawa. Ang dating kasintahan agad ang napansin niya nang pumasok siya sa loob. Mabilis din niyang binawi ang tingin nang makaupo silang tatlo hindi kalayuan sa mesang kinaroroonan ni Cassy.

"Paps, okay ka lang?" tanong ni Ariston nang mapansin ang pagkabalisa niya.

"Ha? Ah, oo! Sige na, order na kayo. Treat ko," wika niya sa dalawa.

Nang lingunin niyang muli ang kinaroroonan ni Cassy ay wala na ito roon. Mukhang umalis na agad ito nang makita ang pagpasok nila.

***

"OH, MY GOD! Kumpleto na ulit ang BEA Boys!" Sabay-sabay na nagtilian ang mga babaeng estudyante sa loob ng cafeteria nang pumasok sina Beaumont, Eli, at Ariston. Hindi natinag ang karamihan na ilabas ang cell phone nila at kuhanan ang bawat detalye ng pagpasok nila na daig pa ang mga celebrity na bibigyan ng award. Kulang na nga lang ay latagan ang tatlo ng red carpet papasok ng building.

Pero si Cassy, pormal lang na nakatingin sa isang miyembro nila, sa lalaking dahilan kung bakit bigla na lang siyang nawalan ng gana kumain.

"Girl, okay ka lang?" may pag-aalalang sita ni Trixie sa kanya. Obvious naman kasi na bigla siyang nadismaya nang makita si Eli. Saglit silang nagkatitigan noong mga oras na iyon pero halatang iwas sa kanya ang binata dahil mabilis nitong binawi ang tingin sa kanya.

"Nawalan na 'ko ng gana. Tara na." Padabog na binitawan ni Cassy ang hawak niyang kubyertos ang isinukbit ang bag.

"Huy, wait!" Hindi na nagawa pang maubos ni Trixie ang pagkain niya nang maunang umalis si Cassy.

Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Eli sa kahit saang parte ng school pero wala siyang magagawa. Mukhang kahit saang sulok siya magtago, magkikita at magkikita sila.

Hingal na hingal si Trixie nang makalapit sa kanya. "Grabe! Mauubusan yata ako ng hininga. Bakit ka ba kasi nagmamadali?"

"Ayoko siyang makita." Gusto ni Cassy na mawala na ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Pero hindi niya alam kung sa paanong paraan maiibsan iyon. "Girl, gusto ko munang mapag-isa."

"Pero-" Hindi na nagawa pang makakibo ni Trixie sa sinabi ni Cassy nang mabilis siyang maglakad papalayo.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta. The only thing that she wanted was to leave that place. Kung puwede lang sanang huwag na siyang pumasok sa university ay nag-drop out na siya. Pero hindi niya iyon magagawa dahil sa kakambal niya. Hangga't kaya niyang magpanggap para kay Cole ay gagawin niya.

Habang mabilis na naglalakad palayo, hindi niya napansin ang tatlong babae sa harap niya. Hindi sinasadyang mabangga niya ang isa sa mga ito at tumilapon ang cell phone na hawak.

"Oh, my God! Look what you've done to my phone!" Kaagad niyang pinulot ang phone ng babae. Akmang aalis na siya nang bigla hawakan ng babae ang braso niya.

"Wait! Gano'n na lang ba 'yon? Do you even know how much this phone is? Baka kulang pa ang tuition fee mo pambili ng phone na ito," mataray na wika ng babae sa kanya. Pero hindi siya dapat pumatol dito dahil baka mahuli siya at madiskobre ang matagal na niyang itinatago.

"S-Sorry, miss. Hindi ko talaga sinasadya."

"No! You have to pay for this!" May pagbabanta sa mga mata ng babaeng kaharap niya. Hindi niya tuloy alam ang gagawin ngayon dahil mukhang hindi siya pakakawalan ng babaeng nakababgga niya.

"Bitawan mo siya." Isang pamilyar na tinig ang bigla na lang sumulpot habang nasa ganoong sitwasyon siya. Nang ibaling niya ang sarili sa nagmamay-ari ng boses ay ganoon na lang ang pagkagulat niya sa nakita.

"Eli?"

MU Series: The Gentle BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon