I smiled dahil na-touch ako sa sinabi niya. "Sure! Sure, Kaede." Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik ako sa counter.


Biglang naging masaya ang puso ko bigla. Siguro dahil kahit hindi ko maalala si Kaede na siguro isa sa mga kaibigan ko dito na nakalimutan ko, she still accepts and understands me.


Dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan ang lalaking pumasok ng Café. Natauhan nalang ako ng may nagsalita sa harap ko gamit ang malalim na tono.


"Daydreaming while working, huh!" Anang baritonong boses sa harap ko.


"H-Huh?" Napakurap-kurap ako saka ko napagtantong si Daren pala ang nasa harapan ko na may malamig na ekspresyon. "Um, sorry e-engineer, magbabayad po ba kayo?" Pinilit kong maging stable ang tono ko.


"I'm paying for my sister's order." Napataas ang kilay ko. May kapatid siya? Babae?


"Um, o-okay po." Bumuntong-hininga ako ng malalim. Ngunit aabutin ko na sana ang pera niya ng mahilo ako bigla at sumakit ang ulo ko.


"Athena! Are you okay?" Alam kong boses yun ni Kaede kahit hindi ko nakita. Nakayuko at nakahawak kasi ako sa ulo ko habang nakapikit. Shit! I forgot to drink my meds. "Kuya, kunan mo siya ng tubig!" Natarantang sigaw ni Kaede. K-Kuya?


"What?" Daren snapped.


"Bilis!" Kaede shouted at whoever it was.

"Tss!"


"Hey, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kaede.


"My meds, I forgot to d-drink my meds." Mahinang sabi ko.


May naglapag ng isang baso ng tubig sa harap ko.


"M-Meds? What do you mean? May sakit ka?"


"No, just for my headaches." Simpleng sabi ko dahil ayokong malaman nila ang totoo.


"Here, drink this water." Ininom ko ang tubig saka ako pinaupo ni Kaede.


"Mika, pakipalitan muna si Athena dahil iuuwi muna namin siya."


"N-No! No, I'm okay. Thank you sa concern Kaede but I'm okay." Tarantang sabi ko.

"No and that's final. Don't worry, I'll tell mom about this matter. Siguro naman pag nalaman niya to ayaw ka din niyang pagtrabahuin muna." Napatingin ako kay Kaede nang seryoso siya sa sinasabi niya.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now