CYKAS? - I

8.1K 158 42
                                    

Warning Mature Scenes and Content ahead. ⚠️🔞

Anastasha Rain Trinidad

Kung gaano katamis ang ngiti sa aking mga labi nung ako'y umalis ng bahay ay kabaliktaran naman nun kapag ako'y papauwi na sa bahay.

"I'm home." Mahina kong anunsyo kahit na alam kong walang makakarinig.

Mas mabuti nga kung ganun eh. Yung walang makakarinig or makakaalam na nakauwi na ako.

"Ma'am Anastasha," Pag tawag sa akin ni Manang. ANg kasambahay namin na parang nanay ko nadin. No, not parang nanay. Siya talaga ang tumayong nanay. 

Nginitian ko siya ng bahagya. "Wala pa po ba sila?"

"Wala pa po hija. Solo mo pa po ang bahay." Sagot nito at matamis akong nginitian.

Natuwa ako sa sinabi niyang iyon at lumawak ang aking ngiti.

"Good then. Makakapag pahinga ako ng maayos. Akyat lang po ako Manang." I said and walk towards the stairs that leads to my room. "At malaya din ako ngayon."

Mabilis kong hinubad ang uniporme kong suot at nag palit ng pambahay na damit bago nahiga sa aking kama.

Sana ay palaging ganito. Mapayapa at walang inaalalang problema sa buhay.

Sinulyapan ko ang aking relo at nakitang meron pa akong ilang oras para mag saya. Nag pasya akong bumangon sa aking pag kakahiga bago umupo sa harap ng computer ko at mag laro muna ng online games habang wala pa akong ginagawa.

Pag kabukas ko ay agad na bumungad sa akin ang isang incoming call galing WhatsApp.

'Ulan, arat gimik. Sama ka, ikaw lang ang kulang sa grupo.' Agad na yaya sa akin ng kabarkada kong si Johan.

"Hindi ako nakapag paalam eh. Pwedeng pass?" Alanganin kong sagot dito.

'Pass nanaman? Kahapon at nung isang araw eh nag pass ka din eh. Ayaw mo lang yata talaga kaming kasam--'

"Fine, fine...give me fifteen minutes. Mag bibihis lang ako. Send me the location." Putol ko sa kaniya bago pa siya mag tampo at mag drama.

Sumilay ang ngiti sa kaniya mga labi at agad na tumango sa akin.

'Yey! I'll send you after I hang up. Love you, bye!' She said and hung up the call.

Napailing iling nalang ako at tumayo mula sa pag kakaupo ko para mag tungo sa cabinet ko at mag hanap ng susuotin.

Labag man sa loob ang aking pag alis at pag sama sa kanila pero wala akong magagawa. Ayaw kong mag tampo sila sa akin.

My phone buzzed and I saw Johan message me. She sent me the address with a note that said. 'Wear something salty.'

Salty means hot in her own vocabulary. Nakuha niya daw iyon sa isang movie. 

If I'm not mistaken, Jennifer's body ang title noon. I heard it's a pretty good movie. Hindi ko pa siya napapanuod. Wala kasi akong time din na manuod pa eh. 

Can you keep a secret?Where stories live. Discover now