Chapter 12

60 3 0
                                    

Author note: OMG😳 may nagbabasa Pala ng gawa ko. Thank you very much dahil may naghihintay Pala Ng update, Akala ko Kasi walang nag babasa. Super Kong na appreciate na may nag vote at nag comment pa kaya eto na po Yung update.. I love you po😭❤️ pa vote Po para mas mamotivate ako sa pag update Ng mga chapter. Maraming salamat..



Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harap na Pala ako Ng cabin. Sobra ako naging kuryoso sa mga sinabi ni Kendall.

Ramdam ko padin Ang hapdi Ng aking mga mata  dahil sa kakaiyak .

Nakatayo si Nathan sa kanilang cabin na nakangiting kumakaway sa akin. Ano ba Ang tinatago sino si Ayana sa Buhay mo Nathan.

Parang bumagsak Ang puso ko dahil Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba Ang mga ngiting nakakapalambot Ng aking puso.

"Babe saan ka nagpunta Wala ka sa cabin nyo." Malungkot nyang Sabi sa akin Bago ako niyakap.

Ganito din ba sya Kay Ayana.

"I love you" binabanggit ko iyon sa mahinang boses at sigurado akong narinig nya iyon. "Balik na ako, maliligo pa Kasi ako" hindi ko na sya tinignan at nagmamadaling pumunta sa cabin namin.

Tumulo ang luha ko sa aking mga mata "siguro hindi nya lang naintindihan" ngumiti pa ako sa kawalan Bago pagod na humiga sa aking kama.

Dumating Ang tanghalian at kumakain kami ngayon Kasama Ang mga kagroup namin.

"Babe ito pa" sinubuan nya ako at nakangiting pinunasan Ang gilid Ng aking labi Bago sya kumain gamit ang kubyertos na sinubo sa akin.

Ganito din ba sya ka sweet Kay Ayana.

Lumapit ako sa Tenga nya at bumulong
"Mahal kita Nathan" halatang gulat sya dahil sa pagsinghap nya agad akong tumayo dahil ayokong nakita magiging reaksyon nya.

"Mag rerefeal lang ako" kinuha ko Ang tumbler ko Bago mabilis na umalis. Lumingon ako Kay Nathan at Ganon parin Ang ayos nya hindi manlang ako sinundan Ng tingin.

Dumating ang  panibagong Araw Bago matapos Ang heroes camp namin ay parang nagbabago Ang lahat dahil sa inaakto ni Nathan. Minsan kahit na nagkakasalubong kami ay umiiwas sya pero hindi nya naman ako pinapabayaan sa pagkain dahil lahat Ng cravings ko ay pinapadala nya sa mga kaybigan nya.

"Penge ako nyan" turo nya sa hawak Kong gummy. Binigyan ko si kuya Drei Bago sya umalis na parang Bata dahil sa tuwa.

Nang magtanghali ay inayos na namin Ang aming mga gamit dahil aalis na kami. Napapansin ko Ang paglayo sa akin ni ate Kaylee at ni Kendall.

"Tapos kana Isah. Tulungan na kita" hindi pa ako nakakapag salita ay kinuha na ni Lucy Ang bagahe ko at sya na Ang naglabas non.

"Salamat" nakangiti Kong Sabi sa kanya at pinuntahan Ang gamit ko sa labas Ng cabin.

Bubuhatin ko na sana ito Ng may kamay na humawak sa aking kamay.

"Ako na babe" hindi ko alam pero bigla akong nahiya Kay Nathan.

"Salamat" ngumiti ako sa kanya at umiwas ng tingin, nahihiya ako dahil nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko pero Wala syang tugon dito.

Parang nagkakaiwasan kami simula Ng sabihin ko sa kanya na mahal ko sya at nasasaktan ako dahil Don. Hindi ko marinig Ang tugon nya, hindi ko Makita Ang ngiti nya.

Nakaalis Ang bus at nasa byahe na kami. Napaisip ako na May karapatan Naman siguro ako malaman Ang nakaraan nya.

"Nathan" tumingin si Nathan sa akin na parang gulat pa. "Sino si Ayana" nagbago Ang kanyang ekspresyon at parang naalala Ang dating kasintahan kaya agad akong umiwas Ng tingin dahil nasasaktan ako sa aking nakikita.

Say my NameWhere stories live. Discover now