Kabanata 3

2.2K 74 4
                                    

"H-hindi ko alam, tay." Sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung saan nagpunta si nanay.

"Putangina niyo talaga!" At pagkarinig ko ng mura na 'yon ay naramdaman ko na lang ang matinding sakit mula sa pagsuntok ni tatay sa sikmura ko.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Bumagsak na lang ako sa sahig habang iniinda ang matinding kirot sa aking sikmura. Nanlalabo na ang aking mga mata sa patuloy na pag-iyak at nang mag-angat ako nang tingin ay nakita ko pa kung paano ako protektahan ni kuya Damian mula kay tatay.

"Tatawag ako ng baranggay. Hindi tama itong ginawa niyo!" Malumanay na sabi ni kuya Damian nang maitulak niya palabas si tatay. Ni-locked niya ang pinto ng guard house upang hindi na ulit makapasok pa si tatay sa loob.

Pinagdadabog ni tatay ang pinto ng guard house. Sobrang takot na takot akong malapitan niyang muli. Halos magsumiksik na ako sa gilid ng silid para lang maitago ang sarili. Niyakap ko ang sariling tuhod at ibinaon ang mukha rito. Walang tigil sa paglagaslas ang luha mula sa aking mga mata. Sana umuwi na si nanay. Kung nandito siya ay hindi niya hahayaang saktan ako ni tatay.

"Hello, buddy. Pasuyo naman ako rito sa station one. Meron kasing nag-wawalang residente sa katabi nating baryo. Pa-report ako sa baranggay hall nila. ASAP, buddy. Baka kung anong magawa nito sa amin. Salamat." Dinig kong sabi niya sa walkie talkie niya.

Patuloy pa rin sa pagwawala si tatay mula sa labas. Mura rin siya nang mura at wala siyang hinto sa pangmamaliit sa pagkatao ko na tila ba wala akong ginawang mabuti bilang anak niya. Ganoon na ba kaliit ang tingin niya sa mga kagaya ko? Hindi pa siya magpasalamat at disente akong bakla. Hindi naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Hindi nagbibihis ng pambabae at rumarampa sa daan. Hindi naman din halatang bakla ako kung hindi ko pa sabihin sa mga taong nakakaharap ko. Bakit ganoon siya sa akin? Deserve ko ba lahat ng ito?

Naramdaman ko ang paglapit ni kuya Damian sa akin pero hindi ako nag-abalang mag-angat nang tingin sa kaniya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang sinuntok niya? Sabihin mo sa akin nang malapatan natin ng hot compress para kahit papaano ay mabawasan ang kirot." Sobrang lambing ng boses ni kuya Damian kaya hindi ko na napigilan pa ang mapatingin sa kaniya. Nakakahiya na para bang basa akong sisiw ngayon. Magulo ang buhok. Pawisan at basang-basa ang mga pisngi mula sa matinding pag-iyak.

Nahinto ako sa sunod na ginawa ni kuya Damian sa akin.

"Tumahan ka na. Hinding-hindi kita pabayaan hangga't nandito ka sa akin ngayon. 'wag kang mag-alala at safe tayo rito sa loob. Kasama mo ako." Sabi niya habang pinupunasan ang luha mula sa aking mga mata.

Kahit na maingay sa labas dahil sa ginagawa ni tatay ay mas nangingibabaw pa rin ang dugundong ng puso ko. Simple lang ang ginawa ni kuya Damian sa akin pero napakalaki ng epekto nito. Pakiramdam ko ay napawi lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Okay naman na po ako. Salamat kuya." Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti ako para mas makumbinsi ko siyang ayos na ako.

Ilang minuto lang din ang nagtagal nang mahinto si tatay. Narinig ko na rin ang boses ng ilang baranggay tanod sa labas.

"Kumalma po kayo kuya Kristofer. Kung magwawala pa rin po kayo ngayon ay mas mapipilitan kaming ikulong kayo pansamantala sa baranggay jail." Sabi ni kuya Manny, isa sa baranggay tanod. Apat sila ngayon na nakapalibot kay tatay.

"Putangina niyo! Ilabas niyo ang asawa ko!" Sigaw niya sa mga tanod. "H'wag niyo akong hawakan! Uuwi na ako!" Susuray-suray siyang umalis. Hinayaan lang siya ng mga tanod at nang makaalis siya ay kami naman ang kinausap nila.

Pinagbuksan sila ni kuya Damian ng pinto kaya naman inayos ko ang sarili at saka tumayo para lapitan sila.

"Anong nangyari? May nasaktan ba sa inyo?" Tanong ni kuya Manny sa amin.

Magsasalita sana si kuya Damian pero hinawakan ko ang braso niya dahilan para mahinto siya sa tangkang pagpapaliwanag. Saglit na nagpalitan kami nang tingin at saka ko binalingan si kuya Manny para sabihin ang nangyari.

"Nagwala lang po si tatay at okay lang naman po kami. Wala naman pong nasaktan. Pusuyo na lang po kuya Manny kasi baka po bumalik dito ulit si tatay." Salaysay ko sa kanila at nakiusap na rin na antabayanan nila si tatay dahil kilala ko siya. Alam kong gagawin niya ulit 'yon.

"Sige. Babantayan na lang muna namin ang harap ng bahay niyo para masiguro na hindi na aalis ang tatay mo ro'n. Gusto mo bang sa baranggay hall ka muna magpalipas ng gabi? Nakaduty kami ro'n kaya hindi ka mag-iisa." Tanong pa sa akin ni kuya Manny.

Umiling ako at ngumiti. "Dito na lang po muna ako. Makisabihan niyo na lang po ako kung nakatulog na si tatay para po makauwi na rin po ako ng bahay mamaya."

"Sige. Maiwan na namin kayo." Paalam niya at saka sila sabay-sabay na umalis.

Binalingan ko si kuya Damian at doon ko lang napansin na may sugat siya sa kamay. May hiwa siya sa isang daliri at patuloy ang pagragasa ng dugo mula rito. Bakit ngayon ko lang napansin?

"Kuya Damian, may sugat ka. Meron ka bang first aid kit dito?" Tanong ko sa kaniya. Medyo natataranta na ako dahil sa sugat niya. Kailangan kasi nitong malapatan ng paunang lunas para mahinto sa pagdurugo.

Hindi siya sumagot at napansin kong nakangiti lang siya sa akin. "Kuya Damian? 'yong sugat mo, kailangan nating gamutin 'yan."

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil kanina pa siya nakangiti sa akin na para bang natutuwa siya.

"Nasa likod ng mga paper filings." Sagot niya sa akin.

Hinila ko siya para paupoin sa monoblock at saka ko kinuha ang first aid sa likod ng mga paper filings.

Nang makuha ito ay agad kong binuksan para hanapin ang alcohol at bulak. Naglagay ako nang kaunti sa bulak at saka hinarap si kuya Damian.

"Medyo mahapdi lang po ito." Sabi ko sa kaniya.

"Kakayanin." Sabi niya sa akin na medyo nakangiwi.

Dahan-dahan kong dinampi sa sugat niya ang bulak at bahagya pa siyang napaurong. Masakit naman kasi talaga iyon lalo na at sariwa ang sugat niya.

Nang malinis ito ay kumuha ulit ako ng bulak at saka ko nilagyan ng betadine. Inilapat ko ito sa sugat niya at saka tinapalan ng band aid.

"Okay na po. Siguro ay nasugat ka kanina sa hinagis na bote ni tatay. Pasensiya na po talaga sa ginawa ng tatay ko." Hingi kong paumanhin sa kaniya.

Nakangiti pa rin siya sa akin. Ni hindi niya rin nagawang sumagot sa sinabi ko. Para na naman siyang lumulutang.

"Kuya Damian?"

Nang makabalik sa reyalidad ay napailing-iling siya.

"Natutuwa lang kasi ako na ganito ka kaasikaso. Napakabait mong bata, Keifer. Pasensiya na pero sa tingin ko ay hindi mo deserve ang tatay mo. Okay ka na ba talaga? Hindi na masakit ang sinuntok niya sa 'yo?" Paniniguro niya sa akin.

Ngumiti ako. "Okay na po ako."

Nahinto siya saglit at saka napatingin sa labas. Madilim na dahil anong oras na rin.

"Uuwi ka pa ba talaga sa inyo? Dito ka na lang kaya sa akin? Hindi rin kasi ako mapapanatag kung uuwi ka pa ng bahay niyo. Baka kung ano na naman ang gawin ng tatay mo ro'n sa 'yo."

Seryoso ang mukha niya at hindi ko maiwasang hangaan ang kagwapuhan ng lalaki na ito. His face is perfection. Lahat ng parte sa mukha niya ay parang hinulma.

"Sige po. Dito na lang ako magpapalipas ng gabi." Sabi ko sa kaniya.

Sa likod ng isip ko ay may boses na nagdidiktang kung ipagpapatuloy ko ang ginagawa kong ito ay ako lang din ang matatalo sa dulo. Pamilyado na siya. Kung papasukin ko pa ang buhay niya, parang hindi na yata tamang gawin ang bagay na 'yon. Hindi siya mahirap mahalin dahil sa klase ng ugali na pinapakita niya. Hindi naman siguro masama ang magkagusto sa may asawa't anak na. Hindi naman ibig sabihin noon ay kakabit ako sa kaniya kaya ayos lang, mamahalin ko na lang siya sa paraan na alam ko.

SEKYU (BL) Gentlemen Series #1Where stories live. Discover now