Nang maiayos ang sarili ay kinuha ko na rin ang binalot na pagkain kanina at saka lumabas ng bahay. Hindi ko na kinandado pa ang pinto dahil ala s'yete ng gabi ang uwi ni tatay. Isang oras lang ang pagitan sa oras ng alis ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang kaba sa aking dibdib habang kasalukuyang binabaybay ang daan patungo sa guard house ng Beverly Heights. Bahala na! Lalakasan ko na lang ang loob mamaya kapag kaharap na siya.

Ilang hakbang bago marating ang guard house na iyon ay namataan ko siyang abala sa pagsusulat doon sa log book niya. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago kinatok ang pinto nito.

Napaangat siya sa akin nang tingin na sinundan niya rin nang pagngiti. Shocks! Napakagwapo naman ng tao na ito!

Tumayo siya at binuksan ang pinto ng guard house.

"Bumalik ka! Hindi ba ikaw 'yong bata kanina? Anong kailangan mo, hijo?" Tanong niya sa akin kaya napangiti ako bigla.

"Maka-bata ka naman po. Bente anyos na ako kaya hindi na ako minor." Sabi ko sa kaniya at nakakatuwa na hindi ako nabulol o nautal sa kaba. "Okay lang po ba na pumasok ako sa loob? Pinagdala ko kayo ng pagkain." Saka ko itinaas ang bitbit na plastic bag.

Tumango-tango siya. "Sige. Pasok ka." At saka niya ako pinatuloy.

Hindi malaki ang guard house dahil nakadiseniyo lang ito para sa mga sekyu ng mga pasilidad na kailangan nilang bantayan. Mabuti na lang at may banyo rito at water dispenser. May computer screen din na CCTV footage lang ang makikita. May compilation ng mga papel sa gilid nito at ilang patong ng mga log book.

Mukha namang maayos ang lagay niya rito kaya pwede na rin sigurong pagtambayan sa tuwing umiiwas ako kay tatay. Mukha naman siyang mabait at hindi masungit. Okay na ako rito.

"Sasabay po sana kong kumain sa inyo." Sabi ko pa sa kaniya nang makaupo sa isang monoblock. Ipinatong ko iyong dala sa ibabaw ng lamesa niya.

"Sakto! Nagugutom na ako! Tara na't kamain. Hinhintay ko na lang mag alas siyete para makauwi. Swerte ko lang at may dala kang pagkain ngayon. Hindi na ako magaabala pa mamaya sa pagluluto pagkauwi." Nakangiti niyang sabi sa akin pero sa loob-loob ko, malungkot ako sa narinig. Alas siyete pala ang uwi niya kasabay ng uwi ni tatay. Hindi bale. Sasamahan ko na lang si Mang Jerry dito hanggang sa masiguro kong tulog na si tatay bago ako umuwi.

Siya na ang nagbukas ng baunan na dala ko. May inilabas din siyang mga plato na provided nila ni Mang Jerry para raw mas masarap ang pagkain. Pinanood ko lang siya na hatiin iyong kanin sa dalawang plato na nasa harap niya.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na." Pag-aya niya sa akin kaya tumango naman ako.

Inilapit ko ang monoblock sa kaniya at saka kami sabay na kumaing dalawa. Pasalamat siya nang pasalamat sa dala ko. Nagustuhan niya rin ang luto ni nanay na ulam.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang tumunog ang cellphone niyang de keypad.

"Saglit. Sagutin ko lang ang tawag." Sabi niya at saka tumayo. Inabot niya ang cellphone niya at saka lumabas ng guard house.

Ilang minuto rin iyon ng bumalik siya, nakasibangot.

"Bakit po ang lungkot niyo?" Takang tanong ko.

"Extend ang duty. Nilalagnat si Mang Jerry." Bagsak ang balikat niyang saad.

"Samahan na lang po kita rito para hindi ka mainip mag-isa." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong niya.

Umiling ako. "May nilakad si nanay. Gagabihin daw siya sa pag-uwi tapos si tatay naman." Nahinto ako saglit at napaisip kung ano ba ang magandang sabihin sa tatay ko. "Si tatay ay paniguradong pagod sa trabaho kaya pagkayari kumain no'n ay matutulog na lang."

SEKYU (BL) Gentlemen Series #1Where stories live. Discover now