"Ahm, ayaw pa kasi po akong pagtrabahuin ng mga magulang ko kaya napag-isipan kong mag-part time dito dahil boring po sa bahay." Tumango-tango si ma'am Lenny.

"Nice to see you, Athena. I hope you are okay." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni ma'am Lenny.

"I'm okay po, thank you po!" Nag-bow ulit ako.

She smiled once again bago hinarap ang manager namin. "I have to go. Bye, Athena."

"Ingat po kayo, Ma'am!" Kumaway pa ako.

"Hoy, bakit ganun si ma'am? Parang magkakilala kayo ah!" Usisa ni Mika.

"Naguluhan nga ako eh. Promise, ngayon ko lang nakita si ma'am." Sabay taas ng kamay.

"Ahh! Pero alam mo ba, narinig ako na gwapo daw ang anak ni ma'am. Sayang di pa namin nakita. Di kasi pinakilala ni ma'am eh." Patuloy pa ni Mika. Mas gwapo pa si Daren. Hmp!

"Tumigil na tayo, pag tayo nasita, naku ayokong masesante sa unang araw ko." Pabulong kong turan.

"Hmm, okay! Lika na, magtrabaho na tayo."


Daren

"Your sister's right. Athena's back and she seemed like she doesn't remember me. Kaya hindi ko na rin siya tinanong at inintriga." Sabi agad ni mommy pag-upo ko sa sofa. Andito kasi ako ngayon sa bahay. Napagdesisyonan kong manatili muna dito.

"She's pretending, mom. Don't bite with it." Sabi ko na lang.

"Son, I really want to be mad at her for hurting you pero nung nakita ko ang mukha niya kanina, hindi ko magawang magalit sa kanya. She has her innocent face earlier and the way she smiles, it's such a genuine kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na kumustahin siya."

"Tss!"

"Daren, kung nagpapanggap lang siya bakit iba ang nakikita ko sa mukha niya? Atsaka, siguro naman maiilang siya pag nakikita niya ako pero bakit hindi ganun ang nakikita ko sa kanya?"

"Mom, please, I don't want us to argue about this!"

"Fine, pero sinasabi ko sayo, hindi ganung babae si Athena. And I promise you this, you'll thank me someday." Seryosong sabi ni mommy saka umakyat sa hagdan.

Fvck! Pati kami ni mommy nag-away dahil sa kanya!

"Daren..."

Napalingon ako sa pinto at nakita si Liane na naiiyak. "Hey, what's wrong?" Agad ko siyang pinaupo.

May inilagay siyang picture sa palad ko. Tiningnan ko iyon at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko kung ano yun. "R-Reno..." Aniya at umiiyak pa din.

Hindi mawala ang aking mata sa picture namin ni Tina nung mga bata pa lang kami. "B-Bakit may ganito ka?" Mahinang tanong ko. Halo-halong emotion din ang naramdaman ko.

"It's me, Reno... I'm Thena. Your childhood love."

"H-How?" I thought she was dead? "Is... Is it true?"

Tumango-tango si Liane habang nakatingin sakin na may luha ang mga mata. "I'm alive... Matagal na kitang hinanap."

"Fvck!" Kinabig ko si Liane at niyakap. "Thena, you're alive. I'm so happy, you're alive. And all this time, nakakasama lang pala kita."

"Yeah, maipagpatuloy na natin ang naudlot nating pagmamahalan." Aniya na nakapagparamdam sakin ng hindi tama.

Kumalas ako at tiningnan siya. "I'm happy na nakita na kita, Thena pero... sa tingin ko hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now