"Ang giliw niyo naman po hehe..."
Ngumiti lang ako.

"Ano ba kayo, magkakatrabaho na tayo kaya wag niyo na akong i-po. Tawagin niyo nalang akong Athena."

"Nakakagulat lang kasi, makakatrabaho namin ang isang magandang dilag."

"Naku, wag naman kayong ganyan sakin. Saka, lahat tayo magaganda at gwapo dito. Walang bias hehehe..."

Nagsimula ang aking first day bilang cashier. Umuwi na din si Astheria dahil papasok pa siya sa trabaho niya.

Naging masaya din ako dahil kahit nakakapagod, nakakasalamuha at naging kaibigan ko lahat ng nagtatrabaho sa café. Maganda at nakakaaliw silang kasama.

Napalis ang ngiti ko nang makita si Daren na pumasok. Nang napatingin siya sakin, bahagyang nanlaki ang mata niya pero agad ding naging seryoso. Ako naman, pinilit kong ngumiti ulit.

"Welcome po, Sir." Maligayang sabi ko. Hindi siya kumibo at nag-order lang.

"Hay, ang gwapo talaga ni Daren." Bulong ni Mika. Isa sa barista ng café.

"Kilala mo siya?" Tanong ko.

"Sino bang hindi makakakilala sa kanya eh palagi siya rito." Nanlaki ang mata ko. Oo nga no? Bakit hindi ko naalala yun? Paano na to?

Compose yourself, Athena. Hindi lang siya ang customer niyo.

"Cash or card, Sir?" Tanong ko sa kanya. Nasagot ang tanong ko nang inabot niya ang cash na 1000 pesos. "Your change, Sir. Thank you po for coming. C-Come again." Come again... argh!

Nakita kong tumango siya saka tumalikod at lumabas.

Natulala pa ako saglit habang inaalala ang itsura niya. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Ayan tuloy, ang hirap mong kalimutan!

Ngumuso ako. "Guys, the owner of the café will visit today. Maghanda tayo sa pagdating niya." OMG! Makikilala ko na ang owner ngayon!

Madalang lang kasi daw pumupunta ang may-ari kaya todo handa kami. Maya-maya pa'y, may pumasok na babae na nasa late 40's na at sobrang ganda parin.

"Good morning, ma'am Lenny." Bati naming lahat saka nag-bow.

Ngumiti si Ma'am Lenny. "Good morning. Pasensya na kung biglaan ang pagbisita ko."

"Naku, hindi po yun problema, ma'am." Napangiti nalang ako dahil sa tingin ko'y mabait ang amo namin. "Ah siya nga po pala ang bagong cashier po."

Nataranta akong ngumiti at nag-bow. "Magandang araw po, I'm so happy to meet you, ma'am Lenny." Nahihiyang ngumiti ako lalo na nang biglang napalis ang ngiti niya pagkakita sakin.

Unti-unting lumapit si Ma'am Lenny habang nakatingin parin sakin. Ganun nalang ang pagkagulat ko nang kurutin niya ako sa pisngi.

"You're real. You're really here."

"P-Po?" Naguguluhan kong sambit.

"Seems like my daughter is right, you're really back." Hindi ko maintindihan ang sinabi ni ma'am Lenny.

"Um..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Pagbubutihan ko po ang trabaho ko." Sabi ko nalang.

Natawa naman si ma'am Lenny. "Ma'am, kilala niyo po si Athena?" Tanong ni Michael, isa sa barista.

Nanatili ang tingin niya sakin. "I understand..." Aniya sakin at naramdaman ko na parang may meaning yung sinasabi niya. "Bakit mo naisipang magtrabaho dito, dear?"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now