"Sorry na. Ang aga-aga kasi nanga-asar ka. Libre mo?" Ngumiti ako na parang walang nangyari.

"Sige na. Pasalamat ka bestfriend kita," mahinang saad niya at umirap.

Lalo tuloy akong napangiti dahil hindi ko inaasahan na magiging bestfriend ko itong babaeng ito.

Habang tumatagal kami rito ay parami ng parami ang mga tao na pumapasok at kada papasok ay binabati ng asawa ni Tita Eva.

"Ito na ang order niyo mga anak. At ito, libreng kape. Kumain kayo ng maayos." Isa-isang inilapag ni Tita Eva ang mga paglain sa lamesa namin.

"Salamat po," pagpapasalamat ko.

"Huy! Infairness ang sarap, hindi tinipid sa seasonings," hindi makapaniwalang saad ni Sab.

Hinalo ko ang lugaw at hinipan bago tikman. Napatango-tango ako dahil tama nga si Sab, masarap siya. Pero parang pamilyar ang lasa niya, parang natikman ko na ito noon.

Saglit lang ay naubos na namin ang pagkain namin, sakto naman at may oras pa kami para maglakad papunta sa mga classrooms namin.

Kahit itong kape ay ang sarap. Ngayon panlang ako nakatikim ng ganitong klase ng kape.

Inayos namin ni Sab ang mga pinggan sa lamesa at pinunasan ang mga natapon na kalat gamit ang tissue bago umalis.

"Aral ng mabuti," saad ni Kuya Ant nang makasalubong namin siya sa pinto.

"Siyempre naman po," ani Sab.

"Goodluck po sa karinderya, tito," saad ko.

Nginitian ako ni Kuya Ant. Habang naglalakad kami ay napansin kong ang laki ng ngiti ni Sab.

"Anong ngiti iyan?" Tanong ko dito.

"Gaga! Tinawag mong tito si kuya," aniya.

Ngayon lang ako natauhan. "Tinawag ko ba?" Parang hindi naman.

"Oo pero okay lang iyan. Ang bait nila, ano? Araw-araw na akong kakain don. Imbes na mabusog ka sa pagkain ay magugutom ka lalo. Pero nabusog ako ng bongga, may free rice nga, eh. Hihingi sana ako kaya lang anong oras na baka hindi ko ma-enjoy ang pagkain kapag nagmadali, mabilaukan pa ako," mahabang alintana ni Sab.

Nagmadali na kaming maglakad dahil ilang minuto na lang ay tutunog na ang bell ng school, kapag naabutan kami non at nasa labas kami ay lagot.

Hindi naman lagot, nakakahiya lang ma-late.

"Hello!"

"Ay lugaw!"

"Hahaha sorry, Krisan," ani Lovely habang tumatawa. Ano bang problema ng mga tao ngayon at ang hilig manggulat? "Nakita ko kasi kayo ni Sab sa bagong bukas na karinderya."

Sinasabayan niya na akong maglakad papunta sa building ko. "Oh? Bakit hindi mo kami nilapitan?"

"Nandon kasi ako sa kusina naga-ayos."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Seryoso?! Nagt-trabaho ka don?" Magkasunod na tanong ko dahil sa gulat.

"Parang ganon na rin. Kina mama at papa naman iyon, so..." aniya at ngumiti. Halos mawala tuloy ang mga mata niya dahil singkit siya.

"Parents mo iyon? Huy ang bait nila!" Saad ko habang mahina siyang tinulak. Natutuwa kasi ako.

"Si Glen ang nag-suggest nitong lugar. Loyal costumer kasi siya dati pa," natatawang saad ni Lovely. Everytime na nagsasalita siya ay may halong giggle.

"Kaya pala pamilyar ang lasa," mahinang saad ko habang nakatingin sa nilalakaran namin.

"Oo. Sa amin kasi siya bumibili ng binibigay niya sayo before. Naalala ko nga nong nag-confess siya sayo iyon na rin ang huling beses na bumisita siya sa karinderya namin," kwento ni Lovely. Naka-ngiti pa rin siya hanggang ngayon at halatang masaya.

"Nawalan tuloy kayo ng loyal costumer," pabirong saad ko na ikinatawa niya. "But don't worry, babalik-balikan ko ang karinderya niyo. Ang sarap kaya ng luto lalo na iyong. . .lugaw." Nagkatinginan kami ni Lovely ng tumunog ang bell.

"Takbo na Krisan!" Sigaw ni Lovely sabay takbo papunta sa building niya habang mahinang tumatawa. Anong nangyari don? Sobrang saya niya naman yata today.

"Ms. Vontemar?"

Huminto ako sa paglalakas ng marinig kung sino ang tumawag sa akin. Tumalikod ako para harapin siya at ngumiti. "Good morning Sir. Sander," bati ko rito.

"Good morning," aniya at ngumiti. "Bakit late ka?"

Parang may iba kay Sopas ngayon, mukhang ang fresh niya or maybe kasi hindi pa siya nai-stress sa mga klase niya. "Ano," saad ko at yumuko para mag-isip ng matinong idadahilan ko.

"Hatid na kita sa klase mo. Let's go," tinapik niya ako sa balikat at naunang maglakad.

Sinabayan ko naman siya kaya ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad. Infairness ang bango ng pabango ni Sopas. May hitsura siya, matangos ang ilong, moreno, may katangkaran rin. No wonder maraming nagkakagusto sa kaniya dito sa school.

Puwede siya mag artista. Ay ano ba itong nasa utak ko.

Narinig kong tumatawa si Sir. Sopas kaya tinignan ko siya. "Anong meron, Sir?" Nahawa na ako sa tawa niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Natatawa lang ako sa estudyante ko kahapon na umiyak after ng defense nila," aniya habang pinipigilang tumawa.

"Huy Sir grabe ka!" Pinipilit kong huwag maalala ang nangyari kahapon habang pinipigilang matawa.

"Ikaw mga tumatawa ka rin," aniya.

"Nakita ko rin kasi iyon kahapon HAHAHA!"

Hindi na namin napigilang humalakhak sa hallway habang naglalakad pa rin. Buti na lang at sound proof ang mga kuwarto dito pero halata pa rin na tumatawa kami.

Tinakpan ko pa ang bibig ko at nilalabanan ang urge na hampasin si Sir. Sander but my impulsive thoughts win kaya imbes na hampasin ko siya ay napakapit ako sa braso niya habang tumatawa ng mahina.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa classroom na nadaanan namin. Agad kong inalis ang pagkaka kapit kay Sir. Sopas at umayos ng tayo. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko dahil sa kakatawa.

"Dito na ako, Sir." Paalam ko sa kaniya at mabilis na naglakad sa classroom ko.

Nakita niya kaya?

Teacher's PetWhere stories live. Discover now