Pabalik-balik ang tingin ko sa cell phone at sa kalsada. Napapalatak ako. Kung kailan naman nagmamadali saka naman walang dumadaang jeep na labis kong ikinaiinis.

"Sumagot ka naman, Felix. Please!"

Ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ko nagagawang hingin ang cell phone number noon ni Tito Roque. Muli kong tinawagan si Felix. Kapag hindi niya pa ito sinagot, tatawagan ko na si Mama at itatanong ang number ni Tot Roque.

Pero dalawang ring ay may sumagot doon na ikinahinga ko nang maluwag.

"Felix, nasaan ka? Kumusta ka na?" mabilis kong tanong.

"Asher?"

"Oo, ako nga. Nasaan ka?"

"On my way sa school. Bakit?"

Napatalikod ako dahil eksaktong may dumating na jeep. "Ano? Akala ko masama ang pakiramdam mo?"

"Maayos na ako, Asher. Teka, paano mo nalaman?"

Malalim akong napabuga ng hangin. Nawala ang bigat sa dibdib ko nang malamang okay na siya. "Kina Krissy. Sa kanila ko rin nalaman na absent ka ngayon. Hindi ka kasi nagre-reply sa text ko kagabi kaya nag-alala ako."

"Nako, pasensya na. Hindi ako nakapagload, eh. Kaya rin hindi ako nakapagtext sa kanila."

Natawa ako. "Sabi ko na nga ba, eh. Malapit ka na ba? Narito ako sa labas ng gate. Hihintayin kita."

"Baka mayamaya pa ako, Asher. Medyo traffic, eh."

"Ah, ganoon ba." Pinag-isipan ko kung kakain muna. One-thirty pa naman ang start ng klase ko sa hapon pero mukhang matatagalan si Felix.

"Nag lunch ka na?" tanong bigla ni Felix.

"Hindi pa, eh."

"Ano? Twelve-forty na, ah?"

Pigil ang tawa ko nang marinig ang galit na boses niya. Para talaga siyang si Mama.

"Kakain na muna ako," sabi ko na nag-umpisa nang maglakad patungo sa carenderia. Katapat pa rin naman 'yon ng university pero malayo-layo sa gate. Pwede akong dumaan doon sa kabilang gate kapag papasok pero iikot pa ako sa building ng Tourism kapag pupunta sa building namin.

"Doon ka kina Mang Papoy kakain?"

"Oo, Felix."

"Okay, sige. Doon na lang ako bababa."

"Okay! Ingat, ha?"

"Salamat, Asher."

Nakarating ako sa carenderia. Doon 'yong madalas naming kainan talaga. Mura kasi at marami pang serving. Masarap pa ang luto at malinis ang paligid. Eksaktong palabas sila Joyme nang papasok ako.

"Oh!" Turo sa akin ni Diane. Gulat na gulat.

"Mag-isa ka?" Si Joyme na tumingin pa sa likuran ko. Tumango lang ako.

"Hindi ka sinamahan ni Dion maglunch? Nako nako! Baka ipingapalit ka na no'n."

Napasimangot ako sa sinabi ni Diane. Pabiro ko itong inirapan saka tinalikuran ang mga ito. Nakipila ako sa mga bumibili. Sinundan naman ako ng dalawa.

"Bakit wala ang lalabs mo?" tanong ni Joyme.

"Papasok pa lang siya."

"Di ba may klase sila kanina?"

"Absent siya kanina. Masama ang pakiramdam."

Nakalabing tumango ang dalawa. "Kulang sa alaga 'yon, Tamara."

Natatawa kong inirapan si Diane.

"Kulang 'yon sa sagot mong oo."

"Tumigil nga kayo! Doon na kayo!" natatawa kong pagtataboy na pilit na iniharap pa silang pareho sa gate.

The Unfinished Love Story: Felix and AsherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora