Chapter 3

12 1 0
                                    

"Uhm-hi Kleyan. Nakita mo ba si Ezekiel?" kanina ko pa hinahanap si Ezekiel. Hindi siya pumasok buong araw sa klase namin. Hindi naman daw siya absent busy lang sa responsibilities niya as SLSG president, yun ang paliwanag niya when I messaged him kung nasaan siya. Nagpapirma si Kleyan ng excuse letter sa last subject teacher namin para sa araw na ito at saktong nakasalubong ko siya ng pabalik na ako sa room galing sa C.R.

Si Kleyan ang secretary ng SLSG. Member din siya kaya nagbabakasakali akong alam niya kung nasaan si Ezekiel.

"Kakatapos lang namin actually sa pagdedecorate at paghahanda para sa career guidance bukas. Nauna na akong umalis sa court eh kasi nagpa pirma pa ako sa teachers na hindi naka pirma sa excuse letter. Baka nasa court pa si Ezekiel."

"Ah ganon ba. Thank you, Kleyan."

"No problem." ngumiti siya at nagpaalam na may gagawin pa daw kasi siya. Ngumiti nalang din ako pabalik at nagpaalam sa kaniya.

Asan na ba ang Ezekiel na yun tapos naman na pala sila bakit di pa rin nabalik sa room. Akala ko ba sabay kaming uuwi kasi hindi niya ako nasabayan kahapon. Si Daddy pa naman ang susundo samin.

Hindi ko na ito masyadong inisip at bumalik na sa loob ng room para makinig sa huli naming klase. Walang paramdam ni Ezekiel hanggang sa matapos ang huling klase. Siguro busy parin siya.

"Mga bes! Tara dun sa bagong kainan sa labasan? Malapit lang yun dito sa school." panimula ni Nailah matapos niyang magligpit ng mga gamit niya. Nandito na rin si Mikka at Chast. As usual nasa loob nanaman ng room namin, feel at room. Parang kaklase namin dire diretso nalang laging pumapasok sa room, sanay na nga mga kaklase ko eh.

"Ah yung may anime theme cafe ba?" tanong ni Mikka rito. Kakalapit lang niya samin kasama si Chast.

"Masarap nga dun. Nagpunta kami kahapon-"

"Sino kasama mo ha?" pigil ni Mikka kay Chast na nagsalita.

"Si Krystal pinsan ko. May iba pa ba? Wala naman akong boyfriend-"

"Alam namin." magkakapanabay na sambit naming tatlo nina Nailah at Mikka.

"Tss mang-aasar nanaman." nakangusong wika ni Chast. Natawa nalang kaming lahat. Siguro saming apat siya ang atat na atat nang pumasok sa relasyon kaso laging tinatamaan ng malas. Maganda naman siya, matalino, talented. Ewan ko ba, mali nalang lagi ang napipili niyang lalaki para magustuhan. Lagi nalang siyang pinaglalaruan o 'di kaya naman ay sinasayang. Minsan iniisip ko nalang baka hindi talaga nage-exist na mundong ito ang para sa kaniya.

"Hindi ulit ako pwede. Sorry talaga. Susunduin ako ni Daddy." agad napaltan ng lungkot ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko. I feel bad. Gusto ko talagang sumama sa kanila pero sigurado akong hindi ako papayagan ni Daddy. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kaninang madaling araw pagkagising ko. Ayaw nga akong papasukin ni mommy kasi nagaalala siya pero sabi ko ayos lang naman ako baka sisipunin lang ako kaya sumakit ang ulo ko.

"Kasabay mo ba si Ezekiel?" tanong ni Nailah. Hindi ko maiwasang mapansin ang panunukso sa tono niya at sa pagtingin niya sakin habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

"Yeah. Pero hindi ko pa siya nakikita. Hindi rin siya sumasagot sa messages ko."

"Baka busy pa?" sangat ni Mikka.

"Ano bang bago? Lagi namang busy yun diba?" sunod naman ni Chast.

"Tawagan mo kaya?" suhestiyon ni Nailah at isinenyas ang cellphone ko na nakapatong sa desk table namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Designed Hearts [On Going]Where stories live. Discover now