£6 - sweetheart, we'll make them pay

Start bij het begin
                                    


"We decided to draw lots to not be unfair," finally, sumingit na rin sa usapan si Maddie, ang fourth year naming kasama. "Ikaw ang nag-suggest nito."


Avery grunted. "Palit tayo! I'm the leader. I can't do this."


"Manipulation," naiiling kong sabi. "Using your position now, huh?"


Dinuro niya ako. "You shut up!"


I stared at the end of her index finger with a long nail extension. Natawa ako at nailing. "Bahala kayo mag-usap d'yan. Kapag natalo tayo, itutulak kita sa lake," banta ko bago sila tinalikuran at nagtungo na pwesto kasama ang buong department namin na naka-brown na damit.


Matapos ang mga paunang selebrasyon para sa Foundation Week na hindi ko naman na-enjoy dahil puro usap lang naman sa mga kliyente, dumating ang Biyernes at ito na ang araw para sa sports event na laging ginagawa sa school. Inaabangan ito ng marami dahil masaya naman talaga ang araw na ito.


At ang pinakahihintay ng lahat ay ang Obstacle Race. Bukod kasi sa masaya itong gawin, ito rin kasi ang ultimate competitions between departments. Ang matatalo kasi ay may parusa.


Matapos mag-usap ng mga kasama ko sa obstacle race, nakisama na sila sa amin sa pwesto ng aming department sa gitna ng malaking stage-setup sa harap ng Creed Museum. Dito ang start at dito rin ang end ng race.


"Good morning, students!" bati ng direktor.


Lagi ng nakasanayan, hindi ako nag-focus sa sinasabi ng direktor at nilibot ang mata sa mga makakalaban namin sa obstacle race. Relay ang gagawin at may sampung stations. Una ang hurdles, pangalawa ay aakyat sa isang wall na may pasan na mabigat na bag, pangatlo ang maglalambitin sa mga ropes na parang nasa gubat, pang-apat ang tatakbo with a partner na magkatali ang paa, pang-lima ang gagapang sa putik. Mahaba ang putikan na gagapangin kaya mas lalo akong natuwa para kay Avery.


Sumunod sa putik ang station ko na langoy sa lawa. Susunod ay ang pagtulay sa lubid, then pang-walo ang biking sa isang rocky na daan. Pangalawa sa huli ang takbo paakyat at pababa ng Lecture Building kung saan kami nagka-klase. At ang huli ay ang dash pabalik sa Museum.


Kasali si Ali at kalaban ko ito sa lake swim. Hinanap ng mata ko ang lalaki sa kumpol ng mga tao ng department nila. Natagpuan ko itong tumatanaw rin sa pwesto ko at nang magtama ang tingin namin, pareho kaming napangiti.


Matapos ang boring na speech ng direktor, binigay na niya ang mic sa head ng Performing Arts Department na siyang may handle ng circus ng school. Siya ang bagay sa role dahil ang department lang naman nila ang active since kaming ibang department ang lugmok sa atelier at puyat sa kakagawa ng art pieces.


"Welcome to the annual Claremont Obstacle Race!" bati ni Mr. Clyde, ang head. "This is our annual reminder to you artists that a healthy, active body will help you a lot in creating more fantastic artworks!"


Walang nagsigawan dahil alam naming lahat na wala namang may pake sa obstacle race na 'to. Ang gumawa lang ng ingay ay ang department niya na siguro ay nasabihang mag-ingay kapag nagsalita ang propesor nila.

sweetheart, where's my reward?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu