"Dun pa rin ba ang unit mo?" Tanong nung lalaki. Tumango nalang ako. Gosh! What is his name?

"Twinnㅡoh! Who's this handsome guy?"

Gulat din ang mata ng lalaki matapos niyang makita si Astheria. "You have a twin?"

"Y-Yeah..."

"Cool. I didn't know that. Walang nabanggit si Pomela na may kakambal ka." Oh, magkakilala sila ni Pomela? He faced my sister. "Hi, I'm Ley, Athena's friend. Nice to meet you." So friend ko siya? Ley? Mabuti nalang nalaman ko ang pangalan niya.

Naalala ko bigla si Pomela. I miss her. Mabuti nalang hindi siya nasama sa mga nakalimutan ko. Dinalaw ko siya sa Singapore nang makahagilap ako ng balita tungkol sa kanya. I miss my best friend...

Napasulyap si Astheria sakin na parang may tinatanong ang mga mata niya bago siya nakipagkilala kay Ley. "Nice to meet you too. I'm Astheria. Your friend's twin sister." At nag shake hands sila. "Um... thank you for helping my sister."

"No problem." Pumasok kaming elevator. May isa pang lalaking pumasok pero hindi ko makita ang mukha niya. Natatakpan kasi ng hoodie na suot niya.

Hindi ko na sana papansinin nang makita ko ang mga kamay niyang nakakuyom. Is he okay?

I want to approach and ask him if he's okay. Pero ayoko namang maging creepy kaya pinabayaan ko nalang. Nang huminto na ang elevator ay lumabas kami except dun sa lalaki. Sinulyapan ko pa siya saglit bago sumarado ulit ang pinto ng elevator.

"Thank you so much, Ley." Mahinang sabi ko. Baka kasi mabuko niya ako na hindi ko siya natatandaan.

"No worries. I'll go ahead now. Lock the door." Ginulo niya pa ang buhok ko. "Astheria, una na ako." Tumango at nagpasalamat lang si Astheria bago pumasok. Si Ley naman bumalik na sa elevator.

"Ah! I'm tired."

"Sus, hindi mo nabanggit sakin na may kaibigan ka palang lalaki." Ani Astheria. I looked at her.

"Honestly, I don't remember him." Napangiwi siya sa naging tugon ko. "Buti nalang nagpakilala siya sayo kaya nalaman ko ang pangalan niya. I wonder kung ilang kaibigan ba ang meron ako dito na nakalimutan ko?" Bahagya akong nalungkot.

"Just look at the bright side. Short-term amnesia lang yan, sis. Babalik din ang memorya mo."

"I hope so. Ayokong iwan sa ere ang mga naging kaibigan ko dahil lang may amnesia ako at nakalimutan ko sila."

My sister hugged at that moment. "Hey!" Napalingon kami kay Skier ng lumabas siya ng nakatapis lang towel ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya. "You don't have shampoo in your bathroom."

"Ew! Don't show your taba-tiyan to us!" Arte ni Astheria.

"What's tabaㅡwhat?" Naguhuluhang ani Skier.

"What she means is you don't have an abs. Yung six-packs abs?"

"Tsk! Meron akong abs, no!" Ngumuso si Skier. Ang cute pa rin ng accent niya. Kaya natawa kami.

Lumapit ako sa mga binili namin at kumuha ng shampoo saka binigay kay Skier. "Here. Ligo ka na."

"K. Hmp!" Inirapan ni Skier si Astheria.

"Wahahaha! Pikon talaga si pinsan."

"Wag mo kasing asarin!" Suway ko sa kambal ko.

"Balik na ako sa unit ko." Aniya at tumayo. "Katok ka lang if you need anything."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now