Napataas ang kilay. "What do you expect me to do?" Ginulo ko ang buhok niya. "She can go back whenever she wants, it's not my business. Hanapin ko muna si mommy." Nilampasan ko si Kaede at napahinto rin nang magsalita ulit siya.

"Hindi niya ako nakikilala." Mahinang aniya. Humarap siya sakin. "We met earlier sa mall. I approached her pero nagulat ako ng sabihin niyang hindi niya ako kilala. Kasama niya ang kakambal niya."

Mas umigting ang panga. Really, huh? Tanggap ko na ang pag-alis at pag-iwan mo sakin pero ang ipagkaila niya ang kapatid ko, hindi ko yun matatanggap!

"Don't ever talk to her. Kung aksidente man kayong magkita, don't talk to her." Madiing sabi ko saka dumiretso paakyat ng hagdan.

Fvck!

Athena

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung babaeng lumapit sakin kanina sa mall. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko matukoy kung saan ko siya nakita. I feel bad dahil na-offend ko ata siya nang sabihin kong hindi ko siya kilala. Maganda pa naman siya.

"Do you know, her?" I asked Amber pero agad siyang umiling. Weird...

Kahapon pala kami nakabalik dito sa Pilipinas kasi namimiss ko na dito. I graduated last year sa Australia pero ayaw pa nila akong pagtrabahuin. Kaya naman nagpumilit ako na dito ako mananatili sa Pilipinas habang hindi pa ako nagtatrabaho. Astheria graduated 3 years ago at nagtatrabaho na siya sa kompanya namin dito. May branch ng kompanya na kasi kami dito sa Pilipinas kaya pinili ni Astheria na dito magtrabaho para narin daw masamahan niya ako.

Nalaman ko na rin ang katotohanan. Na may amnesia ako pero sinasabihan nila ako na hanggat maaari hindi ko na alalahanin yun baka sumakit daw ang ulo ko.

Nalaman ko rin na may naging jowa si Astheria yun nga lang naghiwalay sila. Hindi ko alam ang dahilan kasi hindi pa in-open sakin ni Astheria ang bagay na iyon at naiintindihan ko naman kung hindi pa siya handang sabihin sakin.

"Skier!" Napasigaw ako ng makita si Skier na nakasimangot habang hila-hila ang travelling bag niya.

Sinabi niya kasing susunod siya samin kaya ngayon andito siya. Nalaman kong may naging condo unit ako dito kaya sinabi kong dun na ako mananatili. "Sigurado ka talagang dito ka mananatili?" Pang-ilang tanong na ba ito ni Astheria?

"Oo nga! Why ba?"

She just shrugged. "Maggrocery ako, samahan niyo ako."

"I don't want to. I'm tired."

"Okay, kami nalang ni Athena." Hinila ako ni Astheria papasok ng elevator.

Napasimangot nalang ako ng pinagbitbit niya halos lahat ng pinamili niya sakin. Samantalang ang bitbit niya ay dalawang piraso lang ng coke. Wow! I can't believe this!

Ako, halos magiging sampu na ang kamay ko dahil sa dami ng binitbit ko.

"Sis, mahiya ka, please!" Pagpaparinig ko.

"Nah, kaya mo na yan." Balewalang tugon niya saka nauna.

"I can't believe you. Susumbong kita kay mommy pinapahirapan mo ako." Ngunit ngumisi lamang ang bruha.

"Hey, I can help you with that." Anang boses sa likuran ko at biglang may kamay na kumuha ng ilang bitbit ko. "Athena?" Nanlaki ang may ng lalaki habang nakatingin sakin. "Long time no see. It's been, what? It's been three years. Wow, mas lalo kang gumanda."

"Ah-Ahm, thanks..." Sabi ko nalang dahil ayokong sirain ang magandang ngiti niya. Sino siya? Isa ba siya sa memoryang nakalimutan ko?

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now