C a p i t o l o 1 3

Start from the beginning
                                    

"Druina is right. Come to think of it, he may be a Capo, pero siya pa rin ang anak ni Salvatore Luciano, ang Don ng Luciano Famiglia. Kaya sasaktan lang namin ang sarili namin kung papangarapin namin ang isang Ludovic Luciano," dagdag pa ni Fiorella.

Sinang-ayunan naman ni Druina ang sinabi nito, "Tama, at isa pa, mukha namang walang interes sa babae iyong si Capo." Walang interes? What does it mean?

"True! Simula no'ng mag-break sila n'ong ex niyang si Milana..." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Fiorella. Milana? Sino naman iyong babaeng iyon? At wait, did she just say na ex iyon ni Ludovic Luciano?

"Moved on na ba siya roon?" tanong ni Druina.

Pinagmasdan ko nang maigi ang dalawa. Parang nawala na sa isip nila nandito akong future girlfriend at asawa ni Ludovic Luciano na nakikinig sa usapan nila. Ano 'to bastusan?

"Not sure, pero sa tingin ko hindi pa," sagot ni Fiorella.

Thoughts of asking them about what happened to Ludovic Luciano and his ex-girlfriend Milana keep crossing my mind. But there's a part of me that doesn't want to find out. Wala na rin namang dahilan para alamin pa, ex na nga, eh.

Inalis ko na ang tingin sa kanila at bumalik sa pagkain bago pa sila makahalatang interesado ako sa pinag-uusapan nila.

"So, bakit n'yo pinu-push sa akin si Ludovic Luciano? Ano'ng trippings n'yo?" diretsong tanong ko sa kanila. Kung hindi pa naman pala moved on si Ludovic sa ex niya, e, bakit tanong sila ng tanong sa akin tungkol sa kanya? Ano 'yon gusto nilang masaktan ako? Puta! Mga gago rin, eh.

I glared at them evilly when I heard them both giggling. "Bagay kasi kayong dalawa," nakangiting sagot ni Fiorella. Hindi naman na bago sa akin ang ganito, dahil kapag maganda ka, bagay ka naman talaga sa lahat.

"Well," proud na sabi ko at saka nagpaypay gamit ang kamay.

"I agree. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa inyong dalawa, pero may something sa inyo," dagdag pa ni Druina na lalo namang nakapagpataas ng self-confidence ko.

Luh! Pereng mge shere nemen. Ako lang 'to girls!

"Totoo naman," pagsang-ayon ko. "Mukha naman talagang may future kami." Narinig ko pa silang nagtawanan pero pinabayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. Parang gusto ko pa tuloy bumulos ng kanin dahil sa mga sinabi nila.

The doorbell rang just as I was about to swallow the last of my food. Fiorella hurried to the door and opened it, and the three of us were taken aback by the sight that greeted us on the other side.

Si Agnello... kasama si... "Ludovic?" takang sabi ko. "What the fuck? Ano ang ginagawa mo rito?" Puno pa nang kanin at hotdog ang bibig ko kaya para akong tanga.

"Capo," pagbati n'ong dalawa. Bahagya rin silang tumungo kaya hindi ko alam kung tatayo ba ako para gayahin sila or itutuloy ko ang pagkain. Siguro naman walang masama kung ituloy ko na lang ang pagkain 'no?

Ludovic Luciano avoided looking at me when I asked him a question and instead looked around the room. Feeling ko palihim niyang nilalait dahil hindi naman ito ganoong kalakihan, compared siguro sa nakasanayan niya dahil mayaman siya.

And as usual, iyong manyak na si Agnello ang sumagot ng tanong ko. "Ikaw talaga ang pakay namin dito, Constance Grace." As he answered and strode toward me, a smile spread across his face that made me furrow my brow.

Ako? "Bakit?" tanong ko. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang 'tsk' ni Ludovic. Ano'ng attitude 'yan?

"Constance, you know you belong to the Tredicesimo, so stop asking such questions." bulong ni Fiorella na bahagyang lumapit pa sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

C A P O D E C I N AWhere stories live. Discover now