Chapter 1

5.5K 184 12
                                    

Amber POV

Ang sarap ng hangin dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko. It feels good to be back.

''Finally Amber you're free!'' Sa wakas nakalaya na ako. I will start a new life again. Kumusta na kaya sila? Siya?

Maybe they all hate me specially HIM.

Napangiti ako nang mapait. ''I miss you Sky," bulong ko sa hangin. Na parang maririnig niya ako sa paraang iyon.

''You need to be strong Amber. Ngayon pa na nakalaya ka na kay Tanda." Aja!

You can do this!

Hinatak ko na ang maleta ko at pumara na ng taxi. Kailangan ko pang maghanap ng apartment na titirhan ko.

Swerte naman akong nakahanap agad ng apartment na sakto lang sa budget ko. Medyo may kalayuan lang sa Johnson University, na kung saan ako mag-aaral pero okay na rin. Kaya ko naman maglakad.

"Hija, oh paano? Alis na ako. Basta kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa itaas." Inaamoy-amoy niya pa ang makapal na dalawang libo na paunang ibinayad ko.

"Sige po, salamat." Mabuti na lang at hindi naman niya inusisa ang kasuotan ko at sa pera lang talaga nakatuon ang atensyon niya. Balut na balut kasi ako para walang makakilala sa akin. Nakasuot na nga nang makapal na face mask pero nakasombrero pa.

Inilibot ko ang paningin ko sa apartment. Maliit lang ito, talagang para lang sa isang tao kung ikukumpara ko sa mansion parang mas malaki pa ang comfort room namin pero hindi na dapat ako mag-inarte. Ginusto ko ito.

I will be starting a new life here. A new Amber Starlet Swendy.

Kinuha ko ang envelop na naglalaman ng bagong ako.

Name: Amber Cruz
Age: 17
Mother: Decease
Father: Decease

I'm now Amber Cruz a simple girl who lives alone. A girl who doesn't have a family. This is now my identity.

Lumapit ako sa isang lumang salamin na nakasabit. May kaonti lang itong basag sa gilid. Mukhang iniwan na ng dating nakatira rito. Tinanggal ko ang facemask at sombrero ko. Hinaplos ko ang mukha ko, isang maamong mukha na kailangan kong itago para maipagpatuloy ang buhay na ito.

I know to be Amber Cruz I must hide Amber Starlet Swendy.

Binuksan ko ang maleta ko upang kunin ang mga bagay na gagamitin ko upang maitago ang dating hitsura ko. Una kong pinagdiskitahan ang buhok ko, kinuha ko ang gunting para gupitin ito at lagyan ng bags na parang si Dora saka ko sinunod ang kilay ko pinakapal ko ito. Naglagay din ako ng nunal sa ilong. Pagtingin ko sa salamin, ibang-iba na ang mukha ko pero there's more pa kinuha ko ang isang makapal na nerdy glasses.

Naging advantage ko rin pala ang pagkulong sa akin sa Isla dahil naging kayumanggi ang kutis ko. Siguro naman sa disguise ko na ito hindi na nila ako makikilala.

Humarap ako sa salamin at napangiti. "Perfect! Hi Amber Cruz!" parang baliw akong kumaway dito. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka isang oras pang nagpahinga bago ako lumabas para bumili ng ilang gamit na kakailangan ko.

Maghahanap rin ako ng extra income. Kailangan kong makakuha ng trabaho para hindi mabilis maubos ang pera ko. Mabuti na lang natulungan ako ni Butler Mike sa Johnson University kaya hindi ko na problema ang babayaran sa University.

Sumakay na ako sa jeep. Ngayon na lang ulit ako nakasakay nito pagkatapos ng ilang taon. Nakakamiss din pala.

''You need to find a job Amber. Aja!" Nagtingin-tingin lang ako sa mga may hiring. Pero dahil wala akong experience at dahil na rin ata sa disguise ko hindi ako nakukuha. Mukhang maghahanap na lang ako sa susunod na araw. Bili muna ako ng mga school supplies. Didiretso na sana ako sa national bookstore nang makita ko may pa free taste ng kape. Pumunta muna ako doon para matikman ito.

"Thank you!" nakangiting sabi ko nang sa wakas ay nabigyan ako. Hmm, ang bango. Masarap nga. Inilibot ko ang tingin sa mall para makita ko kung saan ang national bookstore.

Napangiti ako nang sa wakas ay makita ito. Pero nabura ang ngiti ko nang bago pa ako makapasok ay may nabangga ako.

May kaonti pang laman ang hawak kong kape kaya naibuhos ko iyon sa kanya.

"Halla! Sorry po!" Hindi ko alam kung paano pupunasan iyon dahil wala naman akong panyo.

''What the!" Natigilan ako. That voice...

''Hindi ko sinasadya!" Nanlamig ako nang makita kung sino ang taong kaharap ko.

"Idiot! You ruined my clothes!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Sky is that you? What happened?

"What a worst day!" sigaw niya sabay tulak sa akin. Nakatulala lang akong bumagsak sa sahig. Hindi ako makapaniwala.

Is he really the Skyler Jayden Mendez I know?

''Miss, okay ka lang?" Napa-angat ako ng tingin. Nakalahad ang kamay niya sa akin at mabilis na tinulungang tumayo.

"Pasensya ka na sa kaibigan ko. Badtrip kasi.'' Marco, my best friend. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pa pwede.

"Thank you." Nginitian niya lang ako at mabilis ding hinabol si Sky. 

Is this really happening? What happened to my SKY? He changed a lot. Wala pa rin ako sa sarili hanggang makarating ako sa Apartment.

Bukas pala ang first day ko as a college student. I'm taking up Engineering. Alam kong kakaiba ito para isang babae ang kumuha sa course na ito. But I like this course. Pilit kong inaalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Maybe he's just had a bad day. That he really has not changed, right? Maybe he's still my SKY...

''Think positive Amber. He is still the same." 

***

Shels<3

Why So Cold? (AVAILABLE ON DREAME)Where stories live. Discover now