Simula

3.3K 82 10
                                    

Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako patungo sa waiting shed na malapit sa highway. Ang araw ay nagtatago habang ang mga ulap ang nananaig.

Unang araw ng pasukan at hindi nakakatulong ang klima sa kaba ko. Isa na akong senior highschool student, sa isang community highschool malapit sa amin. Hindi man bago sa akin ang school na iyon pero ngayon pa lamang ako makakatapak rito.

Bagong lugar na papasukin na may mga bagong karanasan na naghihintay, ngunit handa ba ako? Sana oo.

Nang makarating ako sa waiting shed, napansin ko kaagad ang lalaking nakaupo sa kabilang sulok na bahagi nito. Seryoso niyang pinagmasdan ang mga tricycle at sasakyan na dumadaan. Tila hindi niya ako napansin kaya tahimik akong umupo.

Nakasuot siya ng uniform ng school na papasukan ko. Plantsado ang kan’yang damit, maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, at naaamoy ko sa aking pwesto ang kan’yang pabango. Fresh and gentle in my nose, parang amoy bagong ligo lang.

Ilang sandali pa ay may tumigil na tricycle sa tapat ng waiting shed.

“Sasakay po ba?” tanong ng driver.

“Opo,” sabay naming sagot ng kasama ko, dahilan upang mapatingin siya sa gawi ko.

Ngumiti ako sa kan’ya ngunit pinagmasdan niya lang ako ng ilang sandali, bago tuluyang umiwas ng tingin at sumakay ng tricycle. Napawi ang ngiti ko sa naging reaksyon niya at sumakay na rin sa tricycle.

Ganito ba ang mga taong makakasalamuha ko sa bago kong school? Umagang-umaga pero parang buong araw na siyang pagod at galit sa mundo.

“Saan po ang punta natin?” tanong ulit ng driver na diretso ang tingin sa daan habang ito ay nagmamaneho.

“BIS po.”

Nakita ko kung paano ngumiti ang driver nang marinig niyang sabay na naman kaming sumagot ng kasabay kong snobber.

Marahuyo (Published under 8Letters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon