"Can you please stop staring? Hindi kami nagkasakitan o ano so please refrain from prying. It's annoying and its rude." malakas na reklamo ko at agad agad namang nag-siiwasan ng tingin ang mga taong nasa paligid.

"Great." pabulong na komento ko dahil alam kong may mang-iintriga na naman ng ginawa ko mamaya sa freedom wall ng school sa social media.

The meeting goes smoothly and rapidly o sadyang hindi lang ako masyadong nakikinig. Hindi naman nila ako masyadong inusisa sa pagpapahayag ni Caspian sa kanila ng kagustuhan nitong magpa-interview kung ako ang gagawa ng column na ilalaan para sa kanya. I am thankful for that dahil ayaw ko ng dadagdag pa sa iisipin ko para ngayong araw.

Nakatulala akong naglalakad papuntang waiting area dahil susunduin ako ni Kuya Ajeer ngayon dahil malapit na rin ang oras ng uwian niya. Masyadong naubos ng mga pangyayari ngayon ang energy ko. Nakarinig ako ng magkakasunod na yapak ng sapatos kaya tumabi ako dahil baka dadaan ito sa gilid ko at nagmamadali.

Napasinghap ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at iniharap ako nito sa likod ko. Nakita kong si Caspian ito at ngayon ay inililibot ang buong mata sa buong katawan ko. Unti-unting kumunot ang noo ko at marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bakit?"

"Are you hurt?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

"No, bakit naman ako masasaktan? Nag-lalakad lang naman ako." naguguluhang reply ko sa kanya.

"Are you sure?"

"Yes, I am, Caspian." madiing sagot ko at saglit na tiningnan ang pang-basketball niyang suot. He looks handsome.

"Are you going home already?"

Tiningnan ko muna siya saglit bago tumango. He loudly sighed and combed his hair back a bit before putting a small distance between us.

"I heard that you and Rei talked." 

"Ah." komento ko at tinaasan naman niya ako ng kilay dahil don. "She just told me something."

"Don't listen to her." utos niya.

Naguguluhan naman ako sa gusto niyang mangyari. Why is he concerning himself with the likes of me? For someone na laging chinichismis ng mga kababaihan na magaling sa pakikipag-usap, malabo siyang tao. Hindi ko alam kung paano babasahin ang mga kinikilos niya dahil kaunti lang naman ang pagkakataon na magkasama kami. Ayaw ko ring bigyan ng kung ano ang ipinapakita niya sa akin dahil ayaw kong magkamali.

This thing that we have should stop. Alam kong kanina ay gusto ko pang patunayan ang sarili ko sa mga taong nag-babala sa akin but now, a rational side of me wins and is telling me to cut ties with him already. It will be a worth it decision.

"Only listen to the words that I am telling y-"

"Bakit ko naman gagawin yon? We're not even friends, Caspian. Why would I listen only to you?" walang kaemo-emosyong tanong ko.

Unti-unting nagbago ang emosyon sa mukha niya. I am feeling guilty aboutwhat I have said but from all the thinking that I've done today. I want to get rid of something that I am starting to get emotionally attach to. Tapos na rin naman ang interview session ko sa kanya. It's time to officially cut ties with him once again. Okay na rin yan, less commitment, less mistakes.

"Ginugulo mo na naman ba ang pinsan ko, Caspian?" narinig ko ang boses ni Kuya Ajeer sa likod ko.

Iniwas ko na ang mata ko kay Caspian at nilingon si Kuya Ajeer. I smiled slightly at him and look back at Caspian.

"Bye." tipid na paalam ko at tumalikod na.

"Ambilis naman non, Corrine. I told you to be patient with me." rinig kong saad niya habang naglalakad kami palayo ni Kuya Ajeer. 

Perfect (Montenegro Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon