U-Shaped Space

296 14 0
                                    

In which Regina and Narda are best friends only for them to fall apart with no idea as to why.

Or, Regina and Narda are unknowingly in love with each other yet still caused their friendship to drift apart.

~~~

Song played on repeat while writing this:

U Shaped Space - Camila Cabello

(It's an unreleased song soooo it's on YT. And yes, I love that woman. All five of them actually if you know what I mean)

+++++

"ate, ano ba kasi nangyari sa inyo ni ate Regina, ba't d na kayo gumagala?" tanong ni Ding sabay upo sa tabi ng ate niya.

"ha? walang nangyari Ding." sagot nito.

Walang nangyari, kung umamin ako edi sana may nangyari, sana kahit papaano may point kung bakit naging ganito kami ngayon. Pero wala, walang nangyari.

She thinks sabay nilakasan ang volume ng tv nila.

"ate naman, kung walang nangyari, eh bakit hanggang ngayon d pa kayo nag-uusap ni ate Regina? Ang tagal na ate eh. D na nga bumibisita dito sa bahay yun eh." mausisang tanong naman ng kapatid niya.

Taking a deep breath, tinignan niya ang kapatid niya, "Ding, mag-iisang buwan palang naman kaming hindi nag-uusap ni Regina, things like that just happens, people grow apart. Hindi naman habang-buhay magkadikit kami nun. Tsaka, pwede namang ikaw yung bumisita dun sa kanila kung d siya busy eh, tawagan mo lang siya." sabi niya naman dito, also convincing herself with her reason.

People grow apart? Tsk, nangako pa nga kami ni Regina na kahit matanda at puro puti na yung buhok namin, kahit nakapustiso at uugod-ugod na kami, walang magbabago, mag best friends pa din kami. Ano na?

"sige ate, tawagan ko nalang si ate Regina." rinig naman niyang sabi ni Ding sabay tumayo ito at umalis.

Almost a month. Almost a month na simula nung bigla nalang silang hindi nag-usap ni Regina.

Pero bago nangyari 'yun, masaya pa sila.

Flashback

Naglalakad si Narda papunta sa classroom ni Regina, usapan kasi nila, susunduin niya ito para sa Friday nights date nila.

Simula kasi bata pa sila, nag e-sleepover na sa bahay nila si Regina, minsan siya yung andun sa bahay nila tuwing Biyernes. Buong weekend magkasama sila, naglalaro, nanunuod ng cartoons, nagbabasa o d kaya nakahiga lang, whatever their 6 years old self can possibly do, ginagawa nila.

Hanggang sa unti-unting lumalaki na sila, d pa din nawawala ang weekend bonding na meron sila kahit na araw-araw na naman silang nagkikita dahil sa magkaklase sila.

They are for real inseparable.

Until High School came, dahil sa may mga responsibilidad na din sila at kanya-kanyang gustong gawin, their weekend sleepovers turned into just Friday sleepovers.

Nang maghigh school kasi sila, mas naging klaro ang differences nila. Regina started joining debate and theater clubs while si Narda naman sumali sa basketball and volleyball for girls. Since magkaiba ang schedules ng practices and meetings na meron sila, tapos hindi pa sila magkaklase they were only able to spend just their lunch time together. And so, they made their Friday nights available for each other to bond and sleepover since kahit nga Sabado may practice si Narda.

Things completely changed simula nang mag College sila.

This time, magkaiba ang courses na meron sila with Regina choosing to pursue law while si Narda naman chose to pursue being a doctor.

DarLentina One Shots (Reginarda)Место, где живут истории. Откройте их для себя