Free

1.7K 72 19
                                    

Wherein Narda Custodio fell for Regina Vanguardia at the wrong time.

or Regina being afraid of her father's judgement and so chose not to confess.

But life seems to have another plan.

-----

*alarm ringing*

Regina groaned to the sound of her alarm, mas gusto niya pang matulog, ang ganda-ganda na ng panaginip niya eh. Pero ano pa nga ba, she's a student and meron siyang responsibility.

So she opened her eyes to try and find where she put her phone bago siya natulog. And when she found it on top of her bedside table, kinuha na niya ito at sinubukang patayin ang alarm.

Pero dahil sa antok na antok pa din siya, hinawakan niya lang ang phone niya at natulog ulit. Not until tumunog ulit ito making her groan once again, kung pwede lang itapon yung phone niya para matagil na kakatunog ginawa niya na. But no, sayang ang pera, mayaman naman sila at kaya niya bumili ng bago pero she knows na hindi tama ang iniisip niyang gawin.

So once again, she opened her eyes at pinatay ang alarm.

But kung alam niyang may message pala galing sa isang espesyal na tao, edi sana kanina pa siya gising eh noh?

Gising na gising na ang diwa niya ngayon sabay umupo na siya sa kama at binasa ang message na natanggap niya.

From: Narda

Good morning Regina! See you sa school, ingat ka ha? mamahalin mo pa ako :)

She instantly smiled when she read the message. Halos araw-araw ganito na naman ang message sa kanya ni Narda pero it always feels like the first time.

Napapangiti pa din siya ng simpleng message nito na para bang ngayon lang ito nag message sa kanya ng ganun.

To: Narda

Good morning , mahal na naman kita matagal na :)

send              cancel x

Her smile faded when she remembers kung bakit hindi niya pwedeng sabihin yung mga salitang yun kay Narda.

To: Narda

Morning. Thank you.

She knows she should not engage in a conversation with the girl. Mas lalo lang itong aasa, pero kahit na selfish pakinggan, ayaw niya din itong sumuko sa kanya.

Kailangan niya lang naman ng lakas ng loob. Lakas ng loob para sabihin sa dad niya ang nararamdaman niya. Ayaw niyang maging sila ni Narda tapos magiging magulo lang ang sitwasyon. She needs her dad's approval.

Pero kung mapagod man si Narda, hindi niya ito masisisi. She treats the girl the way on how she treats her friends. Silang dalawa nga lang may alam na nanliligaw ito sa kanya eh. For 2 years now, ganun ang set-up nila.

She took a deep breath at binitawan na ang phone, hindi na niya binasa ang kung ano mang message na sinend ni Narda sa kanya.

She knows she can't commit yet. Hindi niya din alam kung kailan na niya kaya at kung kailan na pwede.

+++++

"morning dad." bati niya sa dad niyang nakaupo na para kumain.

Hindi siya nito sinagot instead tinignan lang siya nito habang nakahawak sa newspaper.

"good morning ma'am Regina." bati ng maid nila sa kanya na tinanguan niya sabay sabing "good morning ate." bago siya umupo sa sarili niyang upuan.

Umalis na ang katulong nila at naiwan sila ng dad niya, walang umiimik sa kanila ng magsimula na silang kumain.

DarLentina One Shots (Reginarda)Where stories live. Discover now