Chapter 10

250 19 0
                                    


I miss you, too.  

Gusto ko sanang isatinig pero mas mabuti ng hindi. 

He sobbed painfully. "I-it..... hurts..." His voice cracked. The pain in his voice sends me to the edge. My tears also fell. I bit my lip to stop from making noise. I breathe unevenly as another wave of pain comes rushing through my veins.

"It's... ha-ard... to be far a-away from you... but, I don't have a cho-iice." He pulled me even more as he kissed me on my ear once again.

I'm so focused on my own pain that I forgot that maybe he is in pain too. Nasa aming dalawa alam kong mas nasasaktan sya. Seeing me, must trigger him to remember the dark past we have. Hindi ko na kailangang tanungin para malaman kong may alam sya. Dahil base sa mga salita at galaw nya. Alam nya..... ang koneksyon ko sa taong sumira sa pamilya nila.

"I'm sorry." he said while inhaling my hair.

Using my left hand I intertwined our fingers. Our hands fit so well, but our world does not. How ironic right.?

kahit ngayon lang pagbibigyan ko ang sarili ko.

"Just... this night, Please.?" tumango ako at humarap sa kanya. I hugged him tightly. I can hear how fast his heartbeat is. Sumasabay iyon sa lakas ng tibok ng puso ko. Our hearts dance in the same rhythm again. 

He cried even more. My tears also fell hard. 

Lord, can we stay like this forever?


After a few hours of just crying and saying sorry to me, Duke suddenly fell asleep. HIndi na din ako makatulog. Duke looks like an angel while sleeping. His steady breathing and a cute sound of his snore made me smile.  Pinagsawa ko na lang ang pagtingin ko sa mukha nya dahil alam kong hindi ko na din ito magagawa ulit, 

"I'm sorry, Duke..... For all the pain my Mother caused you and your family." I touched his cheeks while I kissed him on his lips. 

"Sayang, Duke no..." ngumiti ako ng mapait. "Sayang talaga."

Bumangon na ako. Inayos ko ang kumot ni Duke. Hinalikan ko ulit sya sa labi. "Take care." bulong ko. With a heavy heart I went out of the room.

Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Sumasakit na din ang ulo ko sa antok. 

Nagluto na muna ako ng agahan nila. Gusto ko sanang kumain, pero wala akong gana. 

Kumatok ako sa pinto malapit sa kusina dahil hula ko iyon ang kwarto ni Brix. Tinigil ko lang ang pagkatok ng makarinig ng yabag galing sa loob. 

Pagbukas ng pinto, Brix morning physique came into sight. Namumungay pa ang mata nya. His chinky eyes became chinky even more. Gwapo pala talaga si Brix. Pero syempre di ko sasabihin yun sa kanya at baka tangayin lang ako ng hangin na galing sa kanya.

"Uuwi na ako." napatingin ako sa relong nakasabit sa sala. Ala-singko na din. 

"Where is Duke?" hindi ako sumagot. Namula ako ng maalala na sa kwarto ko pala sya natulog.

His eyes turned to slits. "Ginapang ka?" inirapan ko sya at hindi na sumagot.

"Antayin mo ako sa sala. Magbibihis lang ako." tumango na lang ako at dumiretso na sa sala.

Hanggang sa natapos si Brix magbihis hindi nagising si Duke.


"May alam ka ba?" napatigil sa pagsaksak ng susi ng sasakyan si Brix bago napatingin sa akin.  His lips formed a thin line before answering. 

The Gaps Between Us - La Croix Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon