Attempt 8: Katotohanan

19 1 0
                                    

Bakit ngayon pa siya nag-so-sorry?!

"Mauuna na pala 'ko. Bye." Biglang tumalikod si Kei kina Aya at Jin, handa nang tumakbo.

Subalit, hinawakan ni Aya ang balikat niya.
"Wait! Pa'no si Leira?!"

"Hm? ... Ay, absent siya. So, bye-bye, Ayabi!"

Tuluyan nang naglaho sa paningin nila si Kei. Pero, napakaligalig naman ng pamamaalam niya! Hindi na alam ni Aya kung dahil natuwa ba siyang mamagitan sa kanila ni Jin o sadyang gano'n lang talaga siya?

Hindi na niya mabasa 'tong Kei Kairaku na 'to. Maliban pa kasi ro'n, 'yung sorry niya is napaka-sincere! 'Yung conscience level ni Aya, aabot na hanggang Mount Everest! Sinasadya niya ba 'to?!

"Um... Aya?"

"A-ah! Yes, Jin?"

"Nag-text na pala nanay ko. Pinapauwi na agad ako. Bukas ko na lang ikukuwento sa'yo."

"Ah, sige, sige." Okay lang din naman kahit 'wag na. "Ingat ka."

Kumaway si Aya habang papalayo si Jin, ngunit wala siyang natanggap na sagot o kahit anong gestures pabalik. Well, ganiyan naman 'yan siya kapag bad trip---damay buong mundo.

Ilang taon na rin silang magkaibigan ni Saijin Shin. Kahit dapat ay sanay na siya, wala pa rin, eh. May kirot pa rin sa dibdib tuwing mararamdaman niyang side character lang siya na kayang iwan ng lalaking 'to anytime.

Kaya naman, natapos ang araw nang mas nabawasan ang motibasyon niya para umamin.

Kainis.

Kaurat.

Kabanas.

Patuloy na tinatapik ng isang babae ang lamesa, gamit ang ballpen, habang nakakunot ang noo kung kaya't nakatutok sa kaniya ang mga mata sa silid nila. Pero, hindi rin nagtagal, may humawak sa kamay niya na nagpahinto sa kaniya.

"Ate!" Napabalik ni Leira ang lutang na Aya sa reyalidad. "Anong ginagawa mo?"

"Uh... N-Nagprapraktis ng rhythm?"

"Ay. Akala ko, na-mi-miss mo na si Kuya."

Napahampas ng mesa si Aya, sabay tayo. "NO WAY!"

Lumingon na naman ang mga kaklase niya, pero umupo lang siya na parang walang nangyari. Sa wakas, ibinalik na niya ang ballpen sa kaniyang bag, saka tumingin kay Leira.

Napabuntong-hininga siya.
"So, may sasabihin ka ba?"

Marahang tumango si Leira. Sa pagyuko niya, mukhang alam na ni Ayabi kung tungkol saan.

"Tara sa canteen. My treat." Tumayo na muli siya.

"H-Hindi na po! Ako naman manlilibre sa'yo, Ate!"

Napakurap si Aya.
"Edi... let's grrr?"

Tumango muli si Leira, subalit, napakamot din sa ulo, mga ilang saglit.

"Grrr...?" Pagtataka niya. "A-Ah! Wait lang, Ate!"

Sinundan niya agad ang nag-bri-brisk walking na si Ayabi hanggang sa makababa sila. Sa paghinto nila, nakayuko na si Leira, naghahabol ng hininga. Pagtingin kay Aya, napansin niyang panay tingin siya sa cellphone niya. Binabantayan pala niya ang oras. Dito napagtanto ni Leira na kailangan niyang bilisan para 'di mahuli si Aya sa klase.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sa canteen. Agad silang pumila at bumili ng 'buy one, take one' na shake. Pinili rin nilang pumuwesto sa lamesang malapit sa exit para madaling tumakbo kapag hindi nila nabantayan ang oras.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please Let Me Confess!Where stories live. Discover now