Attempt 5: Isyu

41 2 0
                                    

"Magkapatid kayo--?!"

Napatakip agad ng bibig si Ayabi nang makitang nakatingin na sa kaniya ang mga tao sa canteen. Sa dami kasi ng coincidences na pagtatagpo nila, ito ang pinaka-gumulat sa kaniya. 

Huminga muna siya nang malalim, saka nagsalita muli.
"Leira, sure ka bang kapatid mo 'yan?"

"Eh?"

"Ouch. Mukha ba 'kong impostor?" singit ng lalaki. "Look." Nilabas niya ang kaniyang ID at tinutok ito sa pagmumukha ni Ayabi.

Hm... Although nakasimangot, it's the same golden eyes. The uniform matches with what he's wearing right now, and more importantly, ang apilyido... Kairaku. Pareho sila ni Leira.

Sumuko na si Aya, tinanggap na niyang nasa harap muli niya ang lalaking nakakaalam ng sikreto niya. Still, nakakuha siya ng isang mahalagang info: his name. Hindi naman puwedeng hangover siya sa nickname na 'golden eyes dude'.

"Kei Kairaku pala pangalan mo eh." Hinawakan ni Aya ang ID.

"Yep."

"Edi... Nice name?"

... Natahimik sila. Kaya naman, binitawan na niya ang ID at napaisip.

Wala naman sigurong mali sa sinabi niya? Compliment pa nga sa pangalan ni Kei Kairaku 'yon. Although, ba't parang nakakabulol?

Napabuntong-hininga na lang si Aya.
"Anyways, wala na 'kong pera, so 'di na kita malilibre."

"Ahahah, sige, sige." That laugh probably meant na 'di na niya kailangang malibre. Kaasar.

Lumingon si Ayabi kay Leira. Simot na ang plato ng pinagkainan niya kung kaya't tumayo siya at paalis na sana para ibalik ito sa canteen staff. Pero, pinigilan siya ni Aya.

"Teka, Leira. Ako na magbabalik niyan, maupo ka muna dyan, kasama ang iyong precious brother."

"Precious wha--?" Inagawan siya bigla ni Aya ng plato.

"I shall return!"

Naglakad na siya papalayo, bitbit ang pinagkainan ni Leira. Awkward kasi 'pag silang dalawa lang ni Kei. Magkaano-ano ba sila? They're just literally like strangers.

Still, goods lang naman kahit maiwan do'n ang magkapatid. Pag-uusapan nila ang issue ni Leira sa mga Grade 9.

Bakit ba naman kasi siya pinagtulungan ng mga 'yon? Isa pa... pa'no nila nakuha agad 'yung CCTV footage?

Ilalapag na sana ni Aya ang plato sa palanggana nang sumanggi ito sa isa pang plato.

"Ah, sorry--" Napahinto siya pagkalingon sa may-ari ng plato. "Jin!"

"Lutang ka ngayon, Aya."

"... Lagi naman?"

"At bakit naman?"

"Uh..."

Lumingon siya sa likod at natanaw na nag-uusap na ang magkapatid. Dahil doon, napagdesisyunan niyang kausapin na lang muna si Saijin.

Nilapag muna ni Aya ang pinagkainan sa palanggana, saka sumagot sa kaniya.
"Upo muna tayo, may itatanong ako."

Kinaladkad niya si Saijin kahit may hawak-hawak pang plato. Siyempre, wala na siyang nagawa kaya nilapag na lang muna niya sa mesa.

"So, ano nang tanong?" Sinimulan ni Jin.

"Kapag humingi ba 'ko ng CCTV footage ng school, maibibigay agad?"

"Hm... Hindi? Nung nawawala cellphone ko dati..."

Wow, ang daming nangyayari sa cellphone nito.

Please Let Me Confess!Where stories live. Discover now