Attempt 2: Pag-iingat

43 2 0
                                    

Lagot.

Nakikita na ni Ayabi Ayano ang sarili niyang tatalon sa umuusok na kaloob-looban ng bulkan kapag natapos ang insidenteng ito.

Umiling si Aya.
That's not not not good!

Huwag tularan, kids.

Pero, kasi, nasa harap niya ngayon ang not 3-year old but 3 years crush na si Saijin Shin. Nasa likod naman ang stranger na na-uppercut ng ulo ni Aya...

... at alam ang sikreto niya.

Nagsimula ang lahat sa pagmamadali niya kung kaya't hindi napansing may iba nang nakabasa ng kaniyang research pape--- love letter para kay Jin.

Simula ngayon, kailangan na niyang mag-ingat.

"J-Jin, 'di ka pa pala umuuwi!" sabi ni Aya habang tinutupi ang letter sa likod niya.

"Ako dapat nagsasabi sa'yo niyan, kanina ka pa rito sa baba," sagot naman ni Jin, hawak-hawak ang batok niya habang nakatingin sa lalaking nasa likod ni Aya.

Kumaway ang lalaki at ngumiti.
"Hi."

"Um... Hello..?"

Nililipat-lipat ni Aya ang tingin sa dalawang lalaki. Natataranta na siya, baka kung anong sabihin ng isang 'to kay Jin!

"Aya, sabay na tayo palabas sa gate?"

"Hindi muna. Haha... Sasabay na 'ko sa kaniya." She glared at the stranger.

Natahimik ang lalaki, saka nagsimulang magpigil ng tawa.
"Yes... pff... Maghihintay pa kami sa kapatid kong grade 7."

"Okay..." Tiningnan ni Jin sa mata ang dalawa. "Bye...?"

"Bye!" sabay na pamamaalam nina Aya at ng lalaki.

Nang makalayo si Jin, nakahinga na nang maluwag si Aya. Pagkatapos ay humarap siya agad sa lalaki. Tinutok niya ang nakatuping papel sa mukha ng taong 'yon.

"Anong nabasa mo?" madiing tanong, parang may pambabanta.

"Uh... Introduction, the problem and its background...?" Nagkipitbalikat siya na parang medyo natatawa.

Naningkit ang mga mata ni Aya.
Kailangan kong mag-ingat sa taong 'to.

Nalaman niya ang sikretong tatlong taon nang tinatago ni Aya. Ang malala, ngayon lang sila nagkakilala. Kahit pangalan nga nung lalaki, 'di pa niya alam at wala siyang balak alamin.

... Iiwasan na niya ang taong 'to!

Tumayo siya nang tuwid at inayos ang pagsuot sa backpack. Saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Adieu."

Huminto si Aya sabay lingon muli. Tinutok niya sa sariling mata ang naka-V-sign niyang kamay, saka tinutok ang V-sign sa gintong mata ng lalaki. Ginawa niya muna ang eye-to-eye gesture na 'to bago umalis. Kasi kahit mukhang 'di na muli sila magkakausap, feel niyang kailangan pa ring pagbantaan.

Ilang oras ang nagugol niya sa tapat ng school building. Kaya naman, agad nang tumakbo si Aya palabas ng campus.

Buwisit na kapalaran ba naman.

Pagkarating sa gate, manganganib pa si Aya. Kakainin siya nang buhay kasama ang love letter na naka-crumpled sa kamay niya. Good luck na lang kapag absent siya bukas. Kasi ba naman...

Ilang oras nang naghihintay sa labas si Kuya.

Buhay pa naman ako.

Please Let Me Confess!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora