"I also cooked you some. Kumain ka na at 'wag mag mukmok. Ilang linggo na lang makakauwi naman na tayo." Marco said before going outside of the tent.

I sighed before I continued my writing. I won't let myself get distracted by that type of news.

When I said that I will lose contact with anyone from home, I meant what I said. I only contact my family and friends from time to time because it's so freaking hard to find a signal in this place. We're near the mountains and the small village near it only deals with everything traditionally. Meaning, no use of gadgets or any kind of technology.

Nakakakuha lang ako ng signal for internet kapag nalalayo sa area na ito. Which happens at least once every two months! Iniisip ko na talaga na parang itinakwil na ako nila mommy dahil parang hindi nila ako namimiss!

Dahil sa limited signal na mayroon, saglit lang ako makipag usap kila mommy at daddy. Noong una ay kaya pang makipag usap sa dalawa kong kaibigan. Pero dahil nga sa onting oras lang namin magkaroon ng signal, ang mga magulang ko na lang ang tinatawagan ko at sinasabi na lang na sabihin kila Misha at Crim na okay lang ako.

I lost contact with Ryder. Aside from his management regulating the team's players' focus, I don't want to distract him any further on his way to every championship. Ilang beses na rin siya naging MVP kaya mas mabuting tumigil na muna. Wala rin naman kaming relasyon para ipagpatuloy.

Babawi ka naman pag uwi mo, Bella, 'diba?

Pumikit ako nang mariin dahil sa maliit na boses na nagsalita. Ugh! Nahirapan na nga ako sa ginagawa ko dahil sa nakita kanina, pagkatapos ay may gana pa ako isipin ang lalaking 'yon!

Mukhang wala ka nang babawian, Bella. May iba na, eh.

I groaned as I stopped writing. I rested my head on my desk and didn't realize I'd fallen asleep until I saw darkness outside our tent.

Pumasok sila Olivia and Marco sa loob ng tent. I stared blankly at them as I also pouted at their sweetness. Ilang buwan ko na rin gusto masuka dahil sa nakikita!

We share a tent. Malaking tent at may dividers per bed area namin. Sa labas ng bed area namin ay living and dining area. Ang lutuan namin ay single burner na gumagamit ng butane gas. We're literally camping as this conference proceeds. Ilang taon na namin ginagawa ito!

"Hey, Bella. Have you eaten?" Olivia greeted me as she also pinched my cheeks. I pouted more. Ilang taon na niya akong nakikita na parang bata! Bakit ba kasi ang tatangkad ng mga tao na kilala ako?!

I nodded.

Olivia frowned. "Why are you so tahimik?" I slowly smiled at her slang.

"Lagi naman tahimik 'yan. Kailangan mo pa nga hulugan ng piso para magsalita." Sabat ni Marco sa usapan namin. I frowned at him and rolled my eyes.

"Ay, attitude ka na, ah!"

Olivia giggled. "Marco said that your guy was seen with someone else. Is it true?"

I sighed and only shrugged. When you deal with a couple, your single life will be the highlight of their topics.

Olivia smiled at me before draping her arms over my shoulders. "The media says a lot to feed their hunger for news. Don't believe it. I'm sure they twisted something about that article."

"Oo, tama! Galing talaga ng bebe ko, 'no?!" Marco said proudly as he stared adoringly at his girlfriend.

Ilang taon na rin tinuturuan ni Marco mag Tagalog si Olivia. Somehow, he's not failing. Nakakaintindi na rin si Olivia ng Tagalog. Nagtampo pa nga ang mama ni Olivia dahil ang bilis matuto ng babae pero sa nanay ay nahihirapan.

P.S Always and ForeverWhere stories live. Discover now