10

16 0 0
                                    

Magaling siyang makipaglaban ngunit mukhang baguhan palang sa ganito. Inaral ko muna ang kaniyang mga galaw habang nilalabanan ako sa pammagitan ng mga suntok at kutsilyo.

Kinuha ko ang aking knife pocket at isininta ko sa kaniyang kaliwang paa. Napahiga siya sa damuhan kaya Kinuha ko na ang aking posas at pinosasan siya.

Nagpupumiglas pa siya ngunit pinatulog ko siya sa pamamagitan ng suntok.

Noong dumating na ang squad ko, kinuha nila ang mga ibang rebelde na nagtatago sa malapit at hinuli sila.

"Congrats on your successful mission.",pagbati sa akin ni General Rowee at Sergeant Major pagdating ko sa camp.

"Thanks.",pagsasalamat ko sa kanila at nagsaludo sa kanila.

"Nagpadala na kami ng mga tao para ipakuha ang mga bangkay ng ating mga kasamahan.",pagimporma sa akin ni General Rowee.

"Sabihan niyo na din ang kanilang mga naiwan na pamilya. Bumigay tayo sa kanila ng tulong kung kinakailangan. Binuwis nila ang kanilang buhay,bigyan natin sila ng tulong.",pagsasabi ko kina General Rowee at Sergeant Major. Mga bayani sila,ang totoong bayani.

"Makakarating sa kanila, lieutenant.",pagpapayag ni General Rowee.

"Iyong mga nahuling rebelde hindi pa din nagsasalita kaya babantayan pa din namin ang kanilang kuta. Nagpadala na kami ng mga kasamahan doon at magbantay sa kanilang susunod na galaw. Ipapatawag ka nalang namin ulit, lieutenant. Salamat sa serbisyo."

Tumango ako kay General Rowee bago ako nagsaludo at dumiretso sa helicopter papuntang airport.

Paglapag palang ng aking sinasakyan na eroplano, nakakuha ako ng tawag mula sa kampo.

"Lieutenant General,nagpakamatay po ang rebeldeng nakalaban ninyo kanina.",pagimporma sa akin ng isa kong tauhan.

"Ano!? paano nangyari? Wala bang nagbabantay!?",hindi pwede!isa siyang asset sa kuta nila mukhang maraming nalalaman ngunit nagpakamatay nalang para wala siyang masabi.

"Meron po ngunit ayon sa nagbabantay, hindi nila nalaman kung paano, iyong cctv naman nawala ang record.",mukhang may traydor sa aming kampo.

"Anong nangyari doon sa mga nagbabantay?",dapat mapatalsik sila hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho!

"Nasa meeting po sila Chief at Sergeant pati si General."

"Okay. Adios."

Binaba ko ang tawag. Sumakay na ako sa van na naghihintay sa akin. Tatawagan ko sila mamaya kung ano ang nangyari.

Pag-uwi ko sa bahay,kumain lang ako at naligo. Gabi na ng makauwi ako sa Manila.

Habang gumagawa ako ng report para sa aking misyon na ilang araw ko lang natrabaho ay nakakuha ako ng tawag mula kay Professor Jean,siya ang kasalukuyang teacher ng last section.

"Good evening,prof. Tatanong lang kung nandito kana ba sa Manila?",mukhang nag-aalala ang kaniyang boses at hindi mapakali.

"Bakit?ano ang nangyari sa iyo?kakauwi ko lang,bukas na ako papasok. Salamat sa tulong mo, prof.",siya ang last teacher ng section L ngunit pinalitan siya dahil bugbog sarado minsan ang mukha niya.

"Iyong si mister Vera na iyong estudyante,nawawala ho. Dalawang araw na siyang nawawala."

"Nakidnap?"

"Hindi ho nagbibigay ng impormasyon ang kaniyang ama."

Naalala ko siya sa first day palang. Anak ng isang politician.

"Salamat sa impormasyon."

Binaba ko ang tawag matapos magpasalamat sa kaniya at humingi ng mga detalye noong araw na huli siyang nakita.

"Good evening.",pagsagot palang ng tawag ng aking isang tauhan na hindi parte ng army ngunit parte ng aking samahan.

"Good evening, boss. What can I do for you?"

"Track the location of Mhike Vera.Find him."

"On it!"

Binaba na niya ang tawag at nagsimula na sa kaniyang trabaho.

-+-+-

August 23,2023

The Warrior Professor Where stories live. Discover now