Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko habang tinitignan ko ang mga pictures nila at binabasa ang caption niya.

When we broke up, I wish I can go back to August 8, where we started our love story. And now, it's not August 8, but the kilig feels like the first day.

Habang umiiyak ay nakuha ko pa siya i-message.


  INSTAGRAM
christian.lake

how dare you!

nardzhil
i'm really sorry christian

christian.lake
pansamantala mo lang pala akong pinili habang may hinihintay kang bumalik

ang sama-sama mo, sana inayos niyo nalang yan dati, hindi ka na sana nandamay ng iba kung babalik ka lang pala sa kanya

ako yong talo eh, dahil makailang ulit na kita binigyan ng change, makailang ulit na tayo nag away pero initindi pa rin kita

i just wasted my time on you, well good luck nalang sa inyo, sana hindi kayo mag away at agad maghahanap, dahil ako i will never getting back to you!


Umiiyak ako habang tinatype 'yon, nabasa ko pa ang screen ng cellphone ko dahil napatakan ng luha. Matapos niya mag reply ng sorry ay hindi ko na siya nireplyan and I blocked him.

Binitawan ko na ang cellphone ko at humiga nalang sa kama. Walang tigil ako sa pagluha habang nakatago ang mukha sa unan. Kahit pala sanay ka na sa heartbreak, kapag mangyari ulit, masasaktan ka pa rin.

Nakatulog akong umiiyak.


Pagdating ng gabi ay dahan-dahan akong bumangon at ang hapdi ng mata ko. Naalala kong natulog pala akong lumuluha.

Tumayo ako para lumabas na ng kwarto. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Fril kanina, "itigil mo na ang pagbibigay ng change sa mga taong hindi deserving. Instead give that chance to yourself, to shine better". Unti-unti ako nagkaroon ng lakas.

Gamit ang sarili kong kamay ay inalis ko ang mga luhang dumapo sa pisngi ko. "Tama siya. This time ako naman. Chance ko na 'to, para sarili ko naman ang mahalin ko." Sabi ko sa sarili.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Mama at Papa sa sala at nakaupo sa sofa habang nanunuod ng movie. Napangiti ako habang dahan-dahan na pumunta sa likod nila. Nang makalapit ako ay agad ko silang niyakap. "Good evening po..." saad ko habang nakapagitna ang mukha ko sa braso nilang dalawa.

Nilingon ako ni Papa. "Good evening din anak. Kumain ka na do'n, tapos na kami ng Mama mo. Hindi ka na namin ginising dahil masarap ang tulog mo." Nakangiti siya.


Tumango naman ako at papunta na ako ngayon sa lamisa, pero natigil ako nang tawagin ako ni Papa. "Nga pala Christian, may bago akong dala na libro para sa 'yo..." naging abot tenga ang ngiti ko dahil sa pa-surprise ni Papa.

Dali-dali akong lumapit at dahan-dahan itong tinanggap, tinignan ko ang libro at hindi pa matunog ang name ng author pero hindi ko naman 'yon basehan sa pagpili ng librong babasahin. "Salamat dito Papa..." agad ko siya niyakap.

"Bagong release pa 'yan sa publishing house. Nagustohan ko ang kwento n'yan habang ini-evaluate ko 'yan. Gusto mo spoil kita sa mangyayari?" Nakangiti siya habang ako naman napakamot sa ulo. "Hay naku, ayaw ko." Seryosong sagot ko at nagtawanan naman sila ni Mama.

Editor in chief si Papa Leo sa isang malaking publishing house na located lang sa Hearts City. Kaya karamihan sa mga librong meron ako ay alam niya ang takbo ng kwento dahil bilang editor in chief ay dadaan sa kanya ang manuscript bago i-print.

Kapag nagustohan niya ang kwento ay bibili siya ng copy para sa akin. Sa kanya ko namana ang pagiging bibliophile.

Habang kumakain ako ngayon sa lamisa ay nilingon ko sila Mama at Papa sa sala. "Labas po tayo bukas, total saturday naman. Medyo matagal na rin po kasi tayong hindi naka bonding sa labas." Tugon ko. Isa din sa reason is para makalimutan ko ang sakit na nangyari ngayon.

"Wala ka bang assignments?" Tanong ni Mama. Umiling ako. "Wala naman po." Nilingon ni Mama si Papa at tumango naman siya. "Sige anak, pero sa sunday nalang dahil may trabaho pa bukas." Napangiti ako nang pumayag si Papa.



Pagdating ng sunday, naging masaya ang family bonding namin. Pumunta kami sa Heartstown Mall, naglaro ng arcade. Kumanta sa karaoke ng arcade. Kumain sa mga fast food. Nag pictures sa mga decorations ng mall. Nanuod ng cinema. Bumili ng bagong gamit sa bahay. Nag shopping ng bagong damit.

Laging may ngiti sa mukha namin. Ganito pala kapag wala kang iniisip-isip na kung anong bagay, ang gusto mo lang ay maging masaya ngayong araw kasama ng mga mahal mo sa buhay.


Habang nag grocery sila Mama at Papa ay nandito naman ako sa book store, tumitingin ng libro na wala pa sa akin, kahit marami na akong libro do'n na hindi ko pa nababasa ang iba.

Nakita ko ang Heartstopper Volume 1, at kahit meron na ako nito na paulit-ulit ko pa binabasa, ay talagang na-i-inlove pa rin ako sa tuwing masulyapan ito. Kaya hinawakan ko ito at laking gulat ko nang may nahawakan akong kamay.

Magkasabay pala kami sa paghawak ng libro kaya nagtama ang mga kamay namin. Dahan-dahan ako lumingon para makita kung sino ito at narinig ko na naman ang tibok sa puso ko nang makita siya.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ulit ngayon si Kit. Tulad ko ay bakas din ang gulat sa mukha niya. First time ko siya nakitang hindi naka uniform, at lalo siyang gumagwapo sa plain white polo.

Inalis namin ang kamay sa libro. "Hi..." nagtawanan kami nang muli kami nagkasabay sa pagbati. Napaiwas kami ng tingin, halatang pariho kaming nahihiya pa rin sa isa't isa.




Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Onde histórias criam vida. Descubra agora