Kabanata 10_MISUNDERSTANDING

6 2 0
                                    

NICOLE POV

HALOS Kalahating araw rin kaming nagkwentuhan ni Zainy hanggang sa dumilim na nga sa labas. Nag message si Tito Leigh kay Zainy, pinapapunta ako sa kusina kaya lumabas ako ng room, bigla namang sumama itong si Winter na hinayaan na lamang ng kanyang mommy since kasalukuyan pa nitong kausap ang kanyang hubby sa kabilang linya.

"Hali ka, baby." Magkahawak kamay kaming pumasok sa elevator pababa. Habang naglalakad papalapit sa receptionist upang sana magtanong ng direksiyon ng kusina, ay nakasalubong ko si Ryle kasama si Crystal.

"Nicole, 'di mo sinabing may anak ka na pala, kaso 'di nagmana sa'yo." Natatawang biro ni Crystal sabay yuko, aakmang hihilahin ang pisngi ni Winter dahil naku-kyutan ito, ngunit agad ko namang iniwas si Winter sa kanya. Lagot ako kapag nakalmot ng mahabang kuko ni Crystal ang makinis na pisngi ng bata. Nagiingat lang naman, alam ko kasi kung gaano ka-nakakatakot ang Daddy ni Winter.

"Hindi basta-basta pinapahawakan ng mga magulang ng bata ang kanyang mukha, kaya huwag mo akong tingnan ng ganyan." Sabi ko matapos makita kung gaano katalas ang titig niya sa akin. Naiirita sa ginawa ko. Napabuntong hininga naman siya at tumayo na ng maayos.

"Saan ka pupunta?" Sa wakas ay dumating narin ang hinihintay kong tanong mula kay Daddy Ryle, hahaha, joke lang.

"Pupunta akong kusina kaso 'di ko alam saan 'yon, kayo ba, alam nyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Dumiritsu ka lang doon, lumiko ka pa-kanan at 'yon na. Malalaman mong kitchen na iyon dahil maraming mga waiters at assistant chefs na lumalabas at pumapasok." Ani Crystal at itinuro ang isang direksiyon. Tumango naman ako at nagpaalam ng mauuna na, napapabuntong hininga, nanghihinayang sa pagkakataong pinalagpas ko na mas makausap pa ng mas matagal si Ryle. Sigh..

Nang makarating sa direksiyong tinuro ni Crystal ay wala akong nakitang mga staff ng kusina na lumalabas sa kusina, ang tanging bumungad sa akin ay ang mga staff ng kusina na maayos na nakatayo sa gilid na tila ba ay may hinihintay ang mga ito o kung ano.

"Uhm, excuse me, can I ask kung anong meron?" Tanong ko, hindi naman kasi pwedeng basta-basta akong pumasok sa kusina, baka kasi may mga important guests na nandoon sa kusina, mapahiya pa ang beauty ko.

"Kasalukuyang ginagamit ni Mr Leigh Clifford ang buong Kitchen, Ma'am." Wika ng isa sa mga kitchen staff, umangat naman ang isa kong kilay dahil sa pagkamangha.

"Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Nakakahanga ma'am 'no?" Wika ng isang babaeng staff na naiinggit talaga. Naki-chika pa ang luka.

"Son in Law daw kasi ni Mr Clifford ang may-ari ng hotel."

Ah kaya Pala, ang powerful nga talaga ng husband ni Zainy. Nakakainggit ang beshie ko, but nevermind, makakahanap rin ako ng akin.

Sa Ganda kong 'to!

"Ahy!" Marahan kong sigaw sa gulat nang biglang bumitaw si Winter mula sa pagkakahawak sa akin sabay takbo Papunta sa pintuan ng kusina. Nagmadali akong sumunod sa kanya na ngayon ay hinarangan na ng ibang staff.

"Baby, bawal ang mga bata 'dito."

"By the way, Ma'am, ano nga po palang ginagawa ninyo dito?" Tanong ng isa sa mga staff matapos mapagtantong walang guest ng hotel na napapadpad sa area na ito, maliban na lang siguro kay Tito.

Napalingon ako sa likuran ng marinig ang marahang tono na boses ni Zainy. "Winter, didn't I tell you not to run?"

Kasalukuyan parin itong may kausap sa ibang linya, nakatapat parin kasi ang phone sa kanyang tainga.

Dear Territorial HubbyWhere stories live. Discover now