Kabanata 1_REUNION

40 3 0
                                    

ZAINY POV

Sa haba-haba ng flight ko mula Spain pauwing pilipinas ay 'di nyo ako masisisi kung may jet lag parin ako. Inabot na nga ako ng tirik ng araw bago nagising kinabukasan, nawala sa isipan na kailangan ko pa palang mag handa para sa reunion ng batch namin ngayong gabi. Kaya nang aking maalala ay agad akong nagpasama sa pinsan kong si Nicole sa mall.

Tutol man ito sa aydeyang mag mall kami upang mamili ng aking masusuot, sapagkat marami naman daw akong mga magagandang damit na dala mula Spain, matapos nang makailang beses na panunuyo sa kanya ay pumayag narin ito. Iyon nga lang, hanggang ngayon ay bukambibig parin niya ang mga outfit na aking dala kasama ng ibang mga bagahe, anito ay pabunggahan daw madalas na nagaganap sa mga reunion, lalo na at dating highschool classmates ang lahat ng pupunta.

Naguguluhan at naiirita ito sa akin at the same time, sapagkat sa ukay-ukay ang bagsak namin. Alam ninyo kase, dito ay marami kang mabibiling maayos at magagandang damit sa murang halaga. Chillax, 'di porque may pera ay kailangan ng mag-aksaya. Mayroon namang affordable at may mababang halaga, so why not?

"Bilisan mo ng mamili, besh. Ang daming tao, Geez. Dito na lang ako sa labas." Napapairap na lamang ito at aakma na akong tatalikuran nang hawakan ko ang kanyang kamay upang siya ay pigilan kaya napalingon siya sa akin na may nababagot na ekspresyon sa mukha. "Whaaaaat is it?"

"Stay put, will you? Hindi mo ikakamatay kung mananatili ka. So, stay by my side, okay?" Hinawakan ko ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok. Nagkibit balikat naman ito bago bumuntong-hininga, wala ng ibang nagawa kun'di tulungan na lamang ako sa pag-pili.

"Jollibee tayo matapos nito ah." Paniguradong aniya kaya marahan na lamang akong natawa.

"Pero, libre mo." Pang-iinis ko dahilan ng pag-nguso ng kanyang labi.

"Nakakainis talaga 'to!" Mahina niyang hinampas ang aking braso. Malapad ko lang siyang nginitian. 'Di parin talaga nagbabago ang isang 'to, nagpapalibre parin.

Matapos nga naming mamili ay dumiritsu na kami sa Jollibee at kumain na muna habang pinaguusapan kung ano na kaya ang hitsura ng aming mga kaklase sa highschool. Parehas kaming tawang-tawa habang iniisip kung gaano kami ka-dugyot dati kahit na highschool na.

"Maitanong ko nga pala, besh. Still in contact parin ba kayo ni Ryle?" Bigla niyang tanong sa 'di ko malamang dahilan. Iyon ang pangalan ng high school crush ko na ngayon ko lang muling narinig.

"No." Maikli kong sagot.

"Atin-atin lang 'to ah." Aniya habang sinisinyasan akong lumapit sa kanya, hayan na naman siya, ang mga linyahan talaga na iyan eh 'no, linyahan ng mga chismosa sa kanto. Ako naman itong walang magawa kaya inilapit na lamang din ang mukha sa kanya, saka naman ito bumulong. "I just meet him the other day."

Nasasabik ang tuno ng kanyang boses kaya napatingin ako sa kanya. "Oh, tapos?"

"You won't believe it, besh. He's damn hot!" Kinikilig niyang pahayag na may pahampas-hampas pa sa mesang nalalaman. Napa-ayos na lamang din ako ng upo habang napangiti na. May topak na talaga ang isang 'to.

"Huwag kang masyadong kiligin." Aniko nang mapansing sumubro na ang ingay na kanyang ginagawa, baka maka disturbo kami sa ibang mga nandito at kami pa ay paalisin.

"Hays, pero nakakalungkot lang." Ang kaninang masigla niyang ngiti sa labi at sabik na ekspresyon sa mukha, ngayon ay tila pinagsakluban ng langit at lupa.

Dear Territorial HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon