Wow, supportive girlfriend ang peg mo diyan ah. Sige, mag-iingat ka diyan. Mwah!

Agad naman akong pinamulahan sa pagkakabasa ko sa reply niya sa akin. Iniling ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pag-gawa ng assignment. Naramdaman kong may kumuha ng water bottle sa tabi ko kaya agad kong inangat ang tingin ko. Nakita ko namang si Caspian ito na may sinasabi pero dahil naka-air pods nga ako ay hindi ko ito maintindihan kaya tinanggal ko muna ito para marinig muna siya.

"Sorry, ano 'yon? I have my Air pods on." paumanhin ko.

"Tapos na ang practice namin. I'll just take a shower then ihahatid na kita sa inyo. Jace will accompany you here habang naliligo ako." paalam niya.

"Kaya ko namang mag-isa dito. Kanina nga mag-isa ako dito." 

"That's different. Nakikita kita dito kanina, mabilis lang ako Corrine." napakunot naman ako ng noo habang pinagmamasdan siyang kunin ang gym bag niya.

"Hello, hindi mo pa ako naiinterview." bati sa akin ni Jace at nakita ko kung paano siya bigyan ng seryosong tingin ni Caspian kaya itinaas niya ang kamay niya na parang nag-susurrender.

"Do not do any funny business, Jace." banta niya.

"I won't. Huwag kang praning, pre." sagot naman ni Jace. 

Nang matapos si Caspian ay agad na akong nagligpit ng gamit at ganon din siya. Nagpaalam na siya sa mga teammates niya bago kami lumabas ng gym upang umuwi na. Tahimik kaming dalawa habang naglalakad kami papuntang parking lot upang puntahan ang sasakyan niya. 

"Hindi ka ba papagalitan na ginabi ka na?" basag niya sa katahimikan.

"Hindi naman. Nagsabi naman ako sa parents ko na may kailangan akong gawin para sa journ club. Hindi rin naman sila masyadong strikto." sambit ko at tumango naman siya.

Natahimik kaming muli hanggang sa marating namin ang nakaparada niyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at papasok na sana ako ng magsalita siya na ikinatigil ko.

"Hindi ka rin ba papagalitan kung dadaan muna tayo sa malapit na coffee shop sa inyo?" seryosong tanong niya.

"Okay lang naman." mahinang sagot ko at binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti.

"Tara na at baka mas lalo pa tayong gabihin." sabay marahang alalay niya sa akin papasok ng sasakyan niya.

Kinabukasan ay sinalubong ako ng nakakaintrigang tanong ni Janine dahil naikwento ko sa kanya kagabi na nag-coffee shop muna kami ni Caspian bago niya ako ihatid sa bahay. I tried to not mind her but she keeps asking the same question over and over again.

"Sure ka bang walang namamagitan sa inyo?" ilang beses na tanong niya.

"Hinaan mo ang boses mo and stop asking me stupid questions, Janine. Walang namamagitan sa amin okay." naiirita na sagot ko habang kinakain ang binili kong salad sa canteen.

"Bakit ka inaya mag-coffee shop?" 

"Maybe he feels bad because I have to wait for hours. I don't know." siningkitan naman niya ako ng tingin.

"You should be careful. Ayaw kong makita muli ang Corrine na nakita ko noon. Masasaktan ako para sayo." payo niya at tumango naman ako.

"Kaya nga hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang ganong gestures niya eh. It's okay to not think about it too much to avoid disappointments." 

"Kaibigan nga kita at naturuan kita ng tama. As long as you are my friend, hindi ko hahayaan na abusuhin ka muli ng isang lalake." proud nitong saad kaya napangiti naman ako.

I tried to forget what happen last night pero paulit-ulit na parang sirang plaka ang pagplay nito sa utak ko. It feels like I discovered something new to him because he showed me something that he only shows to the people that he knows and felt safe with. I felt safe with him at that moment. 

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now