MYSTERY SOLVED! (Finale Part 2)

Start from the beginning
                                    



Namamalik-mata lang ba ako o parang nag-iwas ng tingin sa amin si Zac?



"Can we come in?" parang may nahimigin pa akong inis sa tono ng pagtatanong nya.



Pinaupo ko muna sila sa sofa. Babalik sana ako sa kwarto para pagmadaliin na si Kristina pero pinigilan ako ni Rye at niyaya muna ako sa kitchen para ihanda daw ang breakfast na dinala nya.



"Teacher Kaye naman, why didn't you tell me? Niyaya pala ng date ni baby boy mo si my lab ko? Paano na ang love story namin? May umeeksena nang superstar. Anong laban ko?" reklamo nya sa akin.



"Heh! Tantanan mo ako sa mga drama mo Teacher Rye, mainit ang ulo ko."



"Ang sungit naman nito." komento nya.



Matapos naming ilipat sa plato ang dala nyang breakfast magkasabay na kaming bumalik sa salas. Tila natuklaw kami ng ahas sa inabutan naming eksena. Iniabot ni Zac ang isang bouquet ng pink roses kay Kristina pagkatapos ay buong ingat itong hinalikan sa pisngi. Halatang halata ang pamumula sa pisngi ni Kristina. At dahil sa nararamdaman nyang kilig napayakap sya ng mahigpit dito. Kahit sinong makakakita sa kanila, iisipin na magboyfriend at girlfriend sila.



Nakadama ako ng matinding selos. Ako dapat ang kayakap ni Zac, ako dapat ang nasa lugar ni Kristina, paulit-ulit na sinasabi ng isip, maging ng puso ko. Huminga ako ng malalim at iniangat ang ulo ko para mapigilan ang pagtulo ng mga luhang nagsimula nang mamuo sa mga mata ko.



"No." ang bulong na yun na nagmula kay Rye ang nagpabalik sa akin sa katinuan.



He marched towards the two at hinila papalabas ng bahay si Kristina. Wala kaming nagawa parehas ni Zac kundi sundan na lamang sila ng tingin.



Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wala nang iba pang mga boarders sa bahay, nasa gimikan na. Naiwan na lamang kaming magkasama.



"I think I should..."



"Nagbreakfast ka na ba?" putol ko sa anumang sasabihin nya.



Umiling sya.



"Sabayan mo na ako oh." lakas loob kong pagyaya sa kanya.



My Mystery GirlWhere stories live. Discover now