Z.Z CHAPTER 7 🟦

Start from the beginning
                                    

Sisimulan na sana niyang ihakbang ang mga paa para sa pag report kay Zheorem ng schedule nito subalit may nakita siyang dalawang pares na pulang sandal na nakaharang sa kaniya.

"Aespa…"

Her eyes then slowly traced up the owner of the sandals until she found Vera's eyes who's stiff-standing in front of her.

"Ano?" Walang modo niyang tugon lang rito. Napalagay ang mga kamay niya sa likod at humigpit ang hawak sa tablet. Hinay-hinay na umuusbong pabalik ang nanunuot niyang galit kay Vera.

"Aalis na ako rito," mahinang sambit ni Vera sa kaniya. Nakatungo na ngayon ang ulo nito na parang walang maihaharap na mukha sa kaniya.

She doesn't know if the smile written on her face was a happy or a sad one, but she still replies though. "Dapat lang," matigas niyang pagkabigkas.

Bumagsak ang balikat ni Vera sa sinabi niya pero wala soyang pakialam at dinugtungan lamang 'yon. "Akala ko iba ka sa mga babaeng tinutuhog ni Zheorem, isa ka rin pala sa kanila, hindi naiiba."

Bigla na lang lumukob ang mga tunog ng paghikbi nang umiyak ito sa harapan niya.  "Hindi ko sinasadya, Aespa. I'm sorry."

"Hindi…" napaiwas siya ng direksyon ng tingin, pinipigilan rin ang sariling hindi maluha. "Sinadya mo 'yon. Sarap na sarap ka pa nga sa mga ungol mo e at parang walang planong tumigil kung hindi ko kayo naabutan at nakita."

"N-Natakot lang kasi ako na baka agawin mo si Zheorem sa akin, lalo na't sa mga nagdaang araw ay sobrang close ninyo. Pakiramdam ko ikaw lang palagi ang binibigyan niya ng pansin… P-Pano naman ako? Parang hangin l-lang ako sa kaniya," hagulgol na amin ni Vera.

Huli niya nang natukoy na lumipad na pala ang palad niya sa pagmumukha ni Vera. Nanginginig pa 'yon at ramdam na ramdam niya 'yon. "Malamang Vera! Sa apat na taong pagsasama natin dito, ikaw mismo, alam mong sekretarya ako ni Sir Zheorem, dapat lang na mas malapit ako sa kan-"

Hindi pa siya natapos ay pinutol na siya nito, "Selos na selos ako, okay? Hindi ko pa nasasabi sa'yo pero matagal ko nang natitipuhan si Sir Zheorem kaya sobrang selos ako noong araw na binuhat ka niya papasok sa opisina niya. Bakit sobrang caring niya pagdating sa'yo?"

Ang kaninang umiiyak na mata ni Vera ay napalitan ng galit at muhi na para sa kaniya.

"Wow! So, kasalanan ko na ngayon ito, Vera?" She can't keep her mouth shut. "Kaibigan ang turing ko sa'yo tapos pinagseselosan mo lang pala ako?" Alam niyang sa puntong 'yon, sa mga rebelasyon ni Vera sa kaniya, pinapatay ang puso niya. "My god, Vera! Ang liit ng utak mo. Hindi ko na alam kung ano ang masasabi ko sa'yo."

Her mouth becomes dry but her eyes become watery. She wiped the corner of it. She can feel all her systems trembling.

"Sa 4 years natin na magkatrabaho… Kinaibigan lang talaga kita para mapalapit ako kay Zheorem at para magustuhan niya ako. However, I suffered in that 4 years because you always got the spotlight, you always received his praises insetead na ako dapat."

Tumigil na yata sa pagtibok ang puso niya, hindi na rin mapigilan ng mga mata niya na ikulong ang luha. "G-Grabe ka sa'kin, Vera… Tinatraydor mo pala ako habang tinuturing kitang totoong kaibigan… ikaw na itong  may kasalanan, ako pa ang dinidiin mo."

Nang makita ni Vera na lumuluha na siya ay nag-iba ang ekspresyon nito. Klarong dumaan ang pagsisisi sa mapagpanggap nitong mukha.

"A-Aespa..." Subok na tawag nito sa kaniya ngunit siya na ang umiling.

"Sige na, Vera…" Pinolido niya ang boses niya. "Umalis ka na. Okay lang ako. Tatanggapin ko lahat ng sinabi mo. Sorry ha kung hindi ko napansin na gusto mo pala si Sir Zheorem."

XXL VILLAGE SERIES #2: Zheorem Z'Montemayor (+18)Where stories live. Discover now