"Hindi pa rin tama na nag-assume ako. Anyways, aside from basketball, any things na pinagkakaabalahan mo?" pag-iiba ko ng topic.

"I thought we were done with the interviews?" he smirked and I rolled my eyes at him.

"Alangan namang magtitigan tayong dalawa dito. Small talks are not interviews, Caspian." sarkastiko kong saad sa kanya.

"Guns." simpleng saad niya. 

"Guns?" ulit ko.

"Nag-enroll kami nila Glen at Jace sa isang firing range nung isang araw. It's just a random thing but it can be useful in the future or maybe not." sagot niya sa akin at tumango naman ako.

"I always want to do that." amin ko. "Hindi lang ako pinapayagan ng parents ko since it is quite dangerous."

"It is. Listen to your parents." sinimangutan ko naman siya dahil kung pagalitan niya ako ay para akong bata.

Bago pa ako umangal ay dumating na ang mga order namin. In fairness naman na lahat ng dumating ay mukhang masarap. Ibinalik na rin sa akin ng waiter ang credit card ko kasama ang resibo. Pinauna ko siyang kumuha ng pagkain para i-observe ko rin kung paano ba kinakain ang mga inorder niya. Ayaw ko namang mag-mukhang naninibago talaga sa harapan niya.

"You can try it now. Masarap yan." puna niya ng mapansing hindi pa ako kumukuha.

"It looks appetizing, I know. Hinihintay ko lang na mauna ka so I can see how to eat it." sagot ko sa kanya na ikinangiti naman niya.

Mas lalong sumingkit ang mga mata niya sa pag-ngiti niyang iyon. Mas lalo din siyang gumwapo na kinailangan ko pang umiwas ng tingin upang itago ang namumula kong mga pisngi. Bakit naman kasi gising na gising ito nung nag-paulan ng kagwapuhan sa mundong ibabaw? Hindi man lang ito nagtira sa ibang mga kapwa niyang lalaki.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain at agad namang tinikman ito. Tumango tango ako ng masarapan ako dito at saglit kong sinulyapan si Caspian na napangiti dahil nasatisfied ako sa inorder niya. Nagpatuloy lang kami sa pagkain with some occassional small talks in between. 

"Susunduin ka ba ng driver niyo?" tanong niya sa akin habang papunta kami sa parking lot ng mall na ito.

"Hindi pa nag-rereply ang kapatid ko eh." sagot ko naman habang nakatingin ako sa cellphone ko.

"I can drop you off." offer niya at umiling naman ako.

"Okay lang. I can stay here naman to wait for our driver. Pwede ka ng mauna." utos ko sa kanya at dinial na ang number ni Gio.

Mukhang busy na naman ito sa paglalaro ng League of Legends o di kaya'y natutulog ito. He really is being an angsty teenager right now. Kahit sila mommy at daddy ay hindi na maintindihan kung ano ang gagawin sa kanya. Hinahayaan nalang siya dahil kapag pinupuna ay mas lalo siyang nagrerebelde.

"Why aren't you answering?" frustrated na bulong ko at sinubukan ko muli siyang tawagan.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na hinihintay niya ang pagsagot ng tawag ng kapatid ko pero nakailang pindot na yata ako sa numero nito ay hindi parin nito sinasagot ang tawag ko. Isinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng pants niya bago bumuntong hininga.

"I will drop you off, Corrine. Hindi kita pwedeng iwan mag-isa dito. Come on." aya niya sa akin. 

"Hindi ba out of the way sayo?"

"Sa kabilang subdivision lang naman kayo. It's fine. Tara na at baka gabihin ka pa at mag-alala pa sayo ang parents mo." 

"Thank you." mahinang pasasalamat ko at tumango naman siya.

Perfect (Montenegro Series #7)Where stories live. Discover now