65.

4 1 0
                                    

Dear Diary,

Parang tanga si Kiefron kanina. He looks so nervous and agitated. Maybe what he did finally dawned to him. Kawawa naman.

Wala namang masyadong nangyari ngayong araw bukod sa kay Kiefron.

Nilibre niya rin ako ng milktea at cookies na binili niya rin mismo sa café as an apology sa istorbo kagabi. Lol! Nag-effort pa talaga eh ok lang naman sa akin. It's no big deal but he is making a big deal about it.

Sising-sisi talaga sa ginawa.

Tapos ang Boss ko rin na Mama ni Kiefron ay sumusulyap-sulyap pa sa pwesto naming kanina. Syempre ang awkward! Pero hindi ko pinahalata na hindi ako mapirme. Iniisip ko rin kasi kung ano ang iisipin ng mama niya, baka isispin niya na may something eh wala naman.

Balik tayo kay Kiefron. May isa pa pala siya'ng ginawa. Kita ko pa sa mukha niya may gusto siya'ng itanong sa akin pero halata rin sa mukha niya nagdadalawang isip siya'ng sabihin.

As a good soul, edi inudyok ko siya na sabihin sa akin at iluwa na ang tanong niya.

Tinanong niya kung ano ang pinagsasabi niya sa call kagabi. He looks so worried again.

Syempre, I assured him first na kung ano man ang sinabi niya ay sa akin lang. Wala akong pagsasabihan ganon. Pero dahil sa sinabi ko mukhang mas kinabahan siya.

Mukhang natatae siya, I can't. HAHAH!

Sinabi ko sakaniya na kinuwento niya sa akin ang babaeng nagustuhan niya for 10 years. Basta lahat sinabi ko. Tapos tinanong niya kung nasabi ba niya kung sino ang babae, nung sinagot ko na hindi, doon siya nakahinga ng maluwag.

HAHAHAHAH!

Pero ayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit nagaalala talaga siya.

Confused,
Kryiella

✅ Claveria Series #1: Little Notes on Post-its Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon