Kabanata 3: Lungaw

5 1 0
                                    

LUNGAW[Crater]

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

LUNGAW
[Crater]

⬢⬡⬢⬡⬢
 
 

MAKIKITA ang nag-aalalang mga mata ni Paqui na natali na lamang sa lupa. Napagtanto niyang wala nang makapipigil pa sa kaniyang anak-anakan sa mga pinaplano nito. Para bang siya'y nakiusap sa isang bata na isuko ang paborito niyang manika, o 'di kaya'y sa isang nagdadalang-tao na huwag nang isilang ang sanggol sa sinapupunan niya. Imposibleng mahikayat pa ang binata.

Maya-maya'y nasa loob na ng SALIBAPA si Aakil at si Faron, maging ang robotikang si Kasper na hindi hinayaang maiwan ng binata. Hindi nagtagal, umangat na ito mula sa lupa at tanging ang mga mata na lamang ni Aakil ang nagpahayag ng kaniyang pagpapaalam sa gobernador.

Gaya ng napag-usapan sa nakalipas na salu-salo, magtutungo si Aakil sa Rehiyong Kunig o Yellow Region upang bumili ng mga gulay at prutas na kanyang dadalhin sa Lungaw upang iregalo kay Mahlon. Hindi man maganda ang kaniyang timpla sa kasalukuyang Pinuno, ang pagbibigay ng regalo ay isa pa ring magandang asta para sa Moradoeño na gaya niya.

Tumagal nang tatlumpung minuto ang kanilang paglipad patungo sa tahanan ng Citrine--ang batong-hiyas na sumisimbulo sa Rehiyong Kunig.

Hindi tulad sa Rehiyong Morado, hindi gaanong mahigpit ang pamamalakad sa Kunig. Kaya, nang makalapag ang SALIBAPA, agad silang nakapaglakad patungo sa merkado kung saan makabibili ng sariwang prutas at gulay. Kilala ang Kunig bilang pangunahing pinagmumulan ng produktong agrikultural sa buong Malatala.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, sinalubong sila ng kumpol ng mga taong may suot-suot na ngiti sa kanilang mga labi. Ikinatuwa ito ni Aakil at ng dalawa niyang kasama, maging si Kasper na nagpapagulong-gulong sa daan. Ramdam na ramdam nila ang mainit na pagtanggap ng mga Kunigueño sa kanilang pagdating lalo pa't isa-isa silang sinabitan ng bulaklak ng mga bata sa kalye.

Sa dulo ng kumpol, natagpuan nila ang isang dilag na nag-aabang sa kanila. "Halik ng Malatala", pagbati nito. "Maligayang pagdating sa Kunig. Alam kong nagtataka kayo, ganito lang talaga ang pagtanggap ng mga Kunigueño sa mga bisita."

"Hindi. Sa katunayan, nakakatuwa sila," ani Aakil.

"Siya nga pala, ako si Sopiya Vanguardia. Hindi ko na muna masyadong ipakikilala ang sarili ko kasi baka maubusan na ako ng ikukuwento sa'yo 'pag nagkasama na tayo sa Lungaw."

"Lungaw? Ibig sabihin--"

"Oo, Aakil. Ako ang magiging kinatawan ng Rehiyong Kunig," lahad ni Sopiya.

Mababatid ang pagkasorpresa sa mukha ng binata sa kaniyang narinig. "Paano mo ako nakilala?" pagtataka niya.

"Mahilig akong magbasa ng mga libro at artikulo, pati na ang mga balita. Inisa-isa kong hinalungkat ang pagkakakilanlan ng mga hihiranging kinatawan ng bawat rehiyon at ikaw ang pinakatumatak sa akin."

MalatalàWo Geschichten leben. Entdecke jetzt