"Ahhh!" Napahiyaw ako sa sakit. Unti unting tumutulo ang luha ko. "Alam mo ba kung bakit galit na galit sayo si mommy? Bukod sa mamamatay tao ka na. Bunga ka pa ng pagkakamali. Anak ka lang naman ng isang rapist na gumahasa kay mommy" Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi nya. Alam kong hindi ito totoo. Hindi nga ba?


"H-hindi totoo yan!" Binigay ko ang buong lakas ko at tinulak ito. Humalakhak ito at tinignan ako ng kaawa awa. "Aww, bakit naman hindi? Do you think she really love you? No. Kaya lang naman hindi ka nya ipinalaglag noon ay dahil hindi sya pinayagan ni daddy."


Tuluyan ng bumuhos ang luha ko. H-hindi. "Bakit? B-bakit mo ako ginaganito? Bakit hindi mo ako magawang mapatawad sa kasalanang hindi ko naman ginawa! I was a child when that thing happened! I'm still innocent!"


"No. No you're not. You're a killer. You killed him! Maybe. Maybe I'll forgive you if you will kill yourself" Sigaw nito. "Kuya, bakit kinalumutan mo na ako? You told me I'm your princess. You told me you'll protect me? Bakit? Bakit ikaw mismo ang nananakit sa akin?" Iyak ko dito. I miss my partner in crime. I miss my kuya Gael who treats me like a real princess.


Hindi ko alam kung nagmamalik mata lang ba ako pero nakita kong lumambot ang tingin ni kuya Gael ngunit agad rin itong bumalik sa matang puno ng galit. "I told you stop calling me 'kuya'! Wala akong kapatid na mamamatay tao!" Sigaw nito at agad na umalis.


Halos hindi ko maramdaman ang kaliwang braso ko dahil sa hapdi. Paniguradong magiiwan ito ng peklat. Ngunit nananaig parin ang sakit ng nararamdaman ko. Mas lalo na namang nadurog ang puso ko sa nalaman at sa mga sinabi nito. He want me dead. He hates me. He wishes na sana si Ella na lang ang kapatid nya at hindi ako. All his words go through my mind and heart. It keeps repeating in my mind.


Bumalik ako sa kwarto pag katapos mag luto kahit na mahapdi ang kaliwa kong braso. Binuksan ko ang drawer at uminom ng pain killer.


Wala akong halos ginawa sa buong magdamag. Nagkulong lang ako sa kwarto.


Gabi na at hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga. Nagsuot ako ng jacket. Balak kong pumunta ulit sa dalampasigan. Tinignan ko muna kung tulog na ba sila ngunit hindi pa. Rinig ko ang ingay at tawanan nila na nanggagaling sa dating kwarto ko. Lumakad ako papalapit at sumilip sa nakaawang na pinto.


Doon ay nag tatawanang sila mommy at mga kapatid ko ang makikita. Tuwang tuwa sila sa kung ano mang ikwinekwento ni Ella. Ako dapat yun eh. Ako dapat yung nag papangiti sa inyo. Ako dapat yung itinuturing nyong prinsesa. Aminin ko man o hindi malaki ang inggit ko kay Ella. Ngunit kahit kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit dito.


Hindi ko kinaya ang inggit kaya naisipan kong umalis na. Ginamit ko ulit ang sasakyan ko at nag drive sa paboritong dalampasigan ko.


Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang karagatan. Nag mumuni muni at dinidibdib ang sinabi kanina ni kuya Gael na hindi na naalis sa utak ko.


"Pwede bang maki upo?" Nagulat ako ng biglang may nag salita sa gilid ko. Isang lalaki. Malaki ang ngiti nito dahilan para lumabas ang malalim nitong dimple. Tumango ako at ibinalik ang tingin sa dalampasigan.


"Gabi na ah? Bakit nandito ka pa? Babae ka pa naman baka mapagtripan ka." Tinignan ko ito at nginitian. Nakakahawa kasi ang ngiti nito eh.


"Wala lang nagmumuni muni lang ganon. Ikaw? Bakit nandito ka pa?" Sagot ko. "Lumayas ako sa bahay. Nagkasagutan kami ng parents ko eh. Hindi kasi ganoon kaganda ang pagsasama namin. They always fight. They always pressure me. Oy, pasensya na ayos lang ba? Naparant ako bigla eh."


"It's ok. Same problem but not situation."


"Mag kwento ka rin para hindi lang ako. My ears are all yours. Promise! You know mas nakakagingawa daw sa pakiramdam kapag nag sasabi ng problema sa ibang tao." Napatawa ako dahil sa kadaldalan nito.


"Well, they hate me."


"Grabe naman yun! Anak ka nila bakit naman ayaw nila sayo! Ang ganda mo kaya" ulit ay mahina akong napatawa.


"Bunga ako ng rape. That's why they hate me. They whishes me gone. And i hope na mawala nalang talaga ako. I'm really tired of the pain they're giving me."


Napatahimik ito saglit. Nagulat ako ng yakapin ako nito. I don't know why but i feel safe. Umiinit ang sulok ng mata ko. No one ever hugged me. At wala ni isang nakinig sa akin, tanging sya lang. Taong hindi ko kilala.


"It's not your fault. Hindi mo naman ginustong maging bunga ng rape. You're innocent. They shouldn't blame you. And you shouldn't blame yourself. Gaya nga ng sabi mo bunga ka. Wala kang alam. Hindi naman ikaw ang gumawa nun. And i know that you really don't want to be gone. Instead you want to be found."


Tuluyan na akong napahagulgol. Maybe i just really want to be found. To be seen. And to be loved.


That night was the best. We talked and rant to each other. It feels good to be accompanied by someone. A complete strager. It's just funny.


Two young damaged people, trying to heal and accompany each other.



A/N: PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND FOLLOW ME! HAPPY READING!

The Girl Who Lost Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon