CHAPTER 5

244 6 2
                                    

╭──────────────────────.★..─╮
CHAPTER 5 : THE BOY IN THE CAVE
"Only you can turn your dreams into reality."
╰─..★.──────────────────────╯

HINDI KO ALAM KUNG NASAAN AKO. Wala akong kaide-ideya kung papaano ako napunta sa lugar na ito. Walang ni katiting na liwanag at purong kadiliman ang nakapaligid sa akin.

Panaginip ba ito?

Kase kung oo, papaano ba ako magigising mula sa masamang panaginip na ito?

Ayoko rito.

I shouted. But no one answered my desperate call. My voice just echoed in this dark place. I am alone... and scared. Unti-unting nilamon ng takot sa sistema ko.

Gayunpaman, nagpatuloy pa rin ako. Tinahak ko ang daan na walang kasiguraduhan, hinakbang ko ang aking mga paa kahit na hindi ko alam ang aking destinasyon.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang maaninag ko ang kung ano sa hindi kalayuan. Sa pagnanais na makaalis sa lugar na ito ay binilisan ko pa ang aking paglalakad.

"Bata?"

Sa halip na daan palabas, isang batang lalaki ang bumungad sa akin. Tiningnan ko nang maigi ang batang nasa aking harapan. Una kong napansin ang kanyang katawan na puno ng sugat at napakapayat niya pa. Hindi ko makita nang maayos ang kanyang mukha lalo na at nakatabon dito ang kanyang buhok.

"Hey, naririnig mo ba ako?"

Wala akong natanggap na sagot.

Humakbang ako papalapit sa kanya, akmang yuyugyugin siya upang malaman kung natutulog lang ba siya o ano, nang bigla ay lumiwanag ang paligid. Doon ko lang napag-alamang nasa loob ako ng isang kweba kasama ang batang lalaki.

Papaano na naman ako napunta rito?

No, that is not important right now. Kailangan naming makaalis ng bata rito. Baka ay may sumulpot bigla na mabangis na hayop at kainin pa kami.

"Gising ka ba? Kung oo, pakiusap sumagot ka naman!"

Na iistress na ang bangs ko sa iyo.

Teka, baka ay mahina ang katawan niya kaya hindi siya makatayo. Shunga talaga, bakit hindi ko naisip ang posibilidad na ito.

"Bubuhatin kita, okay?"

Hindi siya sumagot. Silence means yes, di ba?

Wala akong nagawa kundi ang buhatin ang batang lalaki... na hindi ko alam na napakahirap pala.

Kahit na ang payat-payat niya ay mas matangkad pa pala siya sa akin. Ngayon lang pumasok sa isip ko na naging nine years old nga pala ako. Which means na pareho lang kaming bata.

Bubuhatin ko na sana siya ulit ng mapansin ko ang paggalaw ng kanyang mga daliri, hanggang sa dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata.

Sa pagtatagpo ng aming mga mata, may kung anong pwersa ang humila sa akin at muling naging itim ang paligid...

"MY LADY, thank goodness you're awake!"

Nagulat ako sa yakap ni Ylidiya na siyang sumalubong sa akin, pagdilat na pagdilat ko ng aking mga mata. Hindi pa nga ako nakakabawi sa gulat ay nagsalita naman ang isang lalaki, na sa pagkakaalala ko ay tinawag ni Ylidiya na Dr. Whitestone.

Pero bakit siya nandito?

"Good morning, my lady. How's your sleep? Are you feeling any discomfort?" sunod-sunod pa niyang tanong.

Napailing-iling naman ako. "Maayos naman po ang tulog ko." Actually, I just woke up from a nightmare.

Hindi ko na isinatinig ang nasa isip ko at baka ay madagdagan na naman ang stress ni Ylidiya. Madali pa naman siyang mag-alala.

REINCARNATED AS THE GRAND DUKE'S DAUGHTER Where stories live. Discover now