CHAPTER 3

298 11 0
                                    

╭────────────────────────.★..─╮
CHAPTER 3 :  LUXURIOUS LIFE
"The saddest thing I can imagine
is to get used to luxury."
- Charlie Chaplin
╰─..★.────────────────────────╯

YVANAH / MIRRI

NAGING IBANG TAO AKO. Mula sa katawan hanggang sa estado ng buhay. Hindi ko alam na possible palang mag travel ng kaluluwa at pumasok sa ibang katawan.
 
Hindi pa naman ako patay para mangyari 'yon.

Sana in-inform naman ako para naman hindi ako ma shock ng bongang-bonga.

Iyong makikita mo nalang sa salamin na nag-iba na pala ang hitsura mo, from dyosa to very dyosa. Naging bata nga lang ako. Sinong hindi mahihimatay nun.

Anyway, tatlong araw na ang nakalipas simula nong mangyari yun kaya naman medyo naka get-over narin ako kahit papaano. May mga times parin na naninibago ako, I'm still adapting to the new life here. Lalo na at ibang-iba ang buhay na mayroon ako rito sa dati kong buhay.

"L-lady..."

"Lady Mirri..."

"M-my L-lady!"

Mula sa kisame ay nalipat ang tingin ko kay Ylidiya na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Kanina pa siguro siya rito ngunit hindi ko man lang napansin ang presensiya niya.

"Ano nga ulit ang sinabi mo, Ylidiya?" Kalmado kong tanong sa kaniya at palihim na napabuntong hininga dahil nahuli na naman niya akong tulala.

"M-my Lady, it's time for y-your bath," she said

Tinanguan ko siya at bumangon na mula sa pagkakahiga. Agad niya naman akong inalalayan sa pagpunta sa paliguan kahit hindi naman kailangan.

Noong sinabi ko sa kaniya ang aking pagtutol patungkol dito noong nakaraan, mariin niyang sinabi na ginagawa niya lang ang trabaho niya at natural lang na tulungan niya ako. Sa huli, wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. Kaya heto, kahit simpleng pagpunta sa paliguan ay nakaalalay sa akin si Ylidiya.

Naunang pumasok si Ylidiya sa loob at ilang sandali pa ay sumunod naman ako. Tinulungan niya ako sa pagtanggal ng aking suot at tanging panloob na lang ang natira.

Kung dati ay ilang minuto lang umaabot ang pagligo ko, ngayon naman ay mahigit dalawang oras na ata ako sa loob. Marami pa kasing pinaggagawa si Ylidiya sa akin, mula sa paglalagay ng pabango sa bathtub kung saan ako nakababad hanggang sa pag-aasikaso ng buhok ko.

Nang matapos na ako sa pagligo, sunod niya naman akong tinulungan sa pagbibihis. Nakahanda na rin ang aking susuotin sa araw na ito, isang berdeng dress na abot lang hanggang tuhod ko, at isang pares ng puting flat sandals na may iilang maliliit na diyamante pa bilang disenyo.

Mind you, the diamonds in this sandals are real and authentic. With the wealth of this family, it's impossible for the diamonds on the sandals to be fake. Ang kuripot naman ata nila kung ganon. Isa pa, si Ylidiya na mismo ang nagsabi sa akin na totoo talaga ang mga diyamanteng ito.

Naaalala ko pa noong nagising ako mula sa pagkakahimatay ko.

[ FLASHBACK ]

Sino ako?

Hindi ko na alam.

Hindi ko alam kung ako pa ba si Yvanah Majal Sanchez, ang dating naninirahan lang sa iskwater, o si Mirri Vannah Altheira De Goldleif, ang anak ng isang Grand Duke.

Nakakapanibago sa totoo lang. Iyong tipong makikita mo nalang ang sarili mo sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto at napapaligiran ka ng mga mukhang bago lang sa paningin mo.

REINCARNATED AS THE GRAND DUKE'S DAUGHTER Where stories live. Discover now