CHAPTER 4

268 8 0
                                    

╭───────────────────────.★..─╮
CHAPTER 4 : THE LITTLE VILLAINESS IS ACTING STRANGE
"Believe in sudden positive shifts. Things can change for you at anytime. Trust that."
- Idil Ahmed
╰─..★.───────────────────────╯


YLIDIYA

LADY MIRRI IS ACTING STRANGE. From the way she speaks to the way she acts, everything about her changed since she woke up after losing consciousness that day, well, with the exception of her face, of course.

Parang bigla nalang siyang naging ibang tao. Kung hindi mukha ni Lady Mirri ang nakikita ko, aakalain ko talaga na ibang tao na ang kaharap ko araw-araw.

Is that the side effect of having an amnesia?

Kung ganoon nga, pwede na ba akong umasa na magbabago na talaga si Lady Mirri?

"Ylidiya, ang lalim naman ng iniisip mo. Sa sobrang lalim hindi ko na masisid." Napatingin ako sa babaeng nagsalita, ang kaniyang atensyon ay nakatuon na sa akin at hindi sa kaniyang hawak na libro. Nakaupo siya sa bagong gawang duyan dito sa hardin at nakapatong sa ulo niya ang isang korona na gawa sa mga bulaklak.

Right now, she really looks so ethereal. She is glowing under the sunlight, looking like a garden fairy holding a book.

Kahit ilang beses ko na siyang nakitang ganito ay hindi ko pa rin maiwasang manibaguhan. The Lady Mirri from before detested books, especially books with thick pages. She hated books to the point that she ordered some servants to destroy the library inside her room.

And yet, who would have thought that the day would come when I would see Lady Mirri holding a book again, and not just holding it—she's been reading books almost every hour of the day.

Ang dating ayaw magbasa, ngayon kulang nalang ay magkapalit na ang mukha nila ng libro.

"It's nothing, my lady. I'm thinking of things that are not worthy of your attention," I answered after a short silence.

Unlike before, nagagawa ko na ngayon ang hindi mautal sa tuwing kaharap ko si Lady Mirri. Ewan ko ba, pero may kung ano sa kaniya na nagpapakalma sa akin. Iyon bang tuwing kausap ko siya ay para akong kino-comfort. And I find it weird kasi hindi naman ito ang nararamdaman ko sa mga pagkakataong malapit si Lady Mirri sa akin noon.

"Sus baka siya ang iniisip mo, yiehh," she said in a teasing tone. Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko.

Siya? Who is Lady Mirri referring to?

"Sinong siya, my lady?" I asked, confused about what she just said.

"Wala. Ang slow mo," then she continued reading.

I let out a deep sigh to let go of my frustrations. Hindi ko talaga alam kung ano o sino ang tinutukoy ni Lady Mirri. Siya lang naman at ang kaniyang kakaibang ikinikilos nitong nakaraang araw ang laman ng isip ko.

Nagbalik ako sa diwa ng muling nagsalita si Lady Mirri. "Ylidiya, I have a question."

"Ask anything you want to know, milady," I responded immediately.

"Well..." she mumbled, "what if... there's a girl who lived in the slums. Then one day, that girl suddenly became a daughter of a noble. What do you think would she do?" She asked, I took hint of the nervousness in her voice.

REINCARNATED AS THE GRAND DUKE'S DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon