Chapter 32

499 5 0
                                    

Kira's pov

Pakiramdam ko sa parang isang impyerno sa loob ng office nya. Ang sama ng tinginan nilang mag kakapatid kahit ang nanay nya masama ang tingin sa akin at sa anak nya.

"Di ko inaasahan na makikita ko pala ang SISTER-IN-LAW ko" madiin na sambit nito. Para naman akong natakot nang bahagya itong ngumisi sa akin.

"Don't scared her, Devion" madiin na banta ni Sean sa kanya. "Why kuya? She's scaring me?" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Why you to doing here?" Tanong muli ni Sean sa kanya. "Bawal ka ba namin makita? Oh come on Demon! Katulad na katulad mo talaga ang pangalan mo parehas na demonyo!" Singhal nito sa kanya.

Ramdam ko na gusto nang sapakin ni Sean ang kapatid nya pero pinigilan ko ito dahil ayaw ko na mag kagulo silang dalawa. "Bakit ba hanggang ngayon ako pa rin sinisisi nyo? Di ba kayo nakontento na tinakwil nyo na ako!" Galit na sabi ni Sean. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nag mumula sa puso nya.

Masakit para sa kanya na ganito ang trato ng pamilya nya sa kanya. Parang isang hayop na tinataboy palayo sa kanila.

"Ikaw naman ang may kasalanan diba? Kung sana pinigilan mo sya at nakinig sa akin edi sana di mangyayari sa kanya iyon!" Dagdag pa nitong sabi. Nakikita ko na ang irita sa muhka ng kapatid nyang si Devion.

Akmang mag sasalita ito nang bumukas ang pintuan at nagulat ako nang makita si kuya kasama ang mga bata?

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ni kuya Akito sa amin. "And who the h*ll you are?" Baling ni Devion kay kuya. Masama ang tingin ni kuya sa kanya.

"Kapatid ako ni Akira ang babaeng nasa tabi nya" turo ni kuya kay Sean. "Tito inaaway po nila sila papa at mama" sumbong ni Sofia sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ni kuya sa pamangkin nya na nakasimangot ngayon. "Binato po ng pangit na babaeng yon si mama" napatanga kaming lahat sa sinagot ni Sofia sabay turo sa mommy ni Sean.

"Oh my! I'm not ugly!" Galit na sabi nito. "Di po ba? Di po kasi halata na pangit ka po eh" inosenteng sagot ni Sofia. Rinig ko ang pag pipigil ng tawa nila Ace sa sinabi ni Sofia.

"Ganito mo ba tratuhin ang apo ko, babae?" Baling nito sa akin na masama ang tingin sa akin. "Apo? Kung apo nyo kami di nyo kami iinsultuhin lalo na ang mama namin. Dahil ayaw ko pa naman sa lahat ang may nanglalait sa mga babaeng mahalaga sa akin at kay papa" natahimik kami dahil sa seryoso at malamig na sagot ni Drake habang blangko ang tingin nya sa ginang.

"Kumalma ka lang Drake, di naman hahayaan ni daddy at tito mo na bastusin ang mommy nyo" pag papakalma ni Wade sa kanya. "Sa susunod po kung gusto nyong galangin namin kayo bilang ina ng papa namin at bilang lola namin ayusin nyo ang trato nyo sa mga magulang po namin" paalala ni Drake bago nilagpasan ang ginang at tito nya papunta sa amin.

Natahimik ang mga tao sa loob miski si Sean na ngayon ay buhat na si Drake na nakahilig na sa leeg nya ang ulo ng anak nya. Parang lutang ang ginang na lumabas sa office ni Sean pero bago iyon ay lumingon muna si Devion sa amin at may sinabi.

"Nakakamangha ang anak mo Demon. Katulad na katulad mo sya kung paano mo pinotektahan si mom at si Denise noon. Na sana ay kasama pa natin" Ayan lang ang sinabi nya bago lumabas ng office kasunod ang mommy nya.

"Ohhh! Di ko aakalain na sayo mag mamana yang anak mo" di makapaniwalang sabi ni Neil kay Sean. "Nagulat din ako doon sa ginawa ng anak mo." Gatong ni Wade habang nakaakbay kay Warren na busy sa cellphone.

"Hayaan mo na si tita ganon talaga iyon" nakangiting sambit ni Warren sa amin. "That's enough, btw why you all doing here? May sinabi ba ako na mag punta kayo dito?" Masungit na tanong ni Sean sa kanila. "Wala kaming magagawa ang munting prinsesa ang nag request eh" napatingin kami kay Sofia na buhat ngayon ni kuya.

"Bored daw sa mansion, kaya pumunta nalang kami dito. At isa pa may ginawa ang mga girls dito kaya pumunta nalang kami" sagot ni Patrick sa kanya.

"Kaya pala nandito kayo" saad nito. Nag peace nalang ang mga kaibigan nito. "Sige na, tapusin ko na muna ito at pag katapos ay uuwi na din kami" tumango ang mga ito sa sinabi nya.

Fast forward

Pag uwi nila ay mabilis na nakatulog ang mag kapatid. At sa wakas ay makakapag pahinga na rin ang mga ito.

"Nga pala, gusto ko na dalawin sila papa. Namimiss ko na kasi sila" paalam ko sa kanya. "Sure, why not?" Nag ningning ang mata ko sa sinabi nya. "Talaga?" Tuwang tanong ko sa kanya, tumango ito at nahiga ganon din ako.

"Yeahh, but....." Nag taka ako kasi may pabitin pa eh!!! "Kasama dapat ako doon" napanganga ako sa dinagdag nya.

"Bakit ka sasama?" Takang tanong ko. Tumingin naman sya sa akin. "Sempre gusto ko rin makita sila mama eh" namula ako sa sinabi nya.

"M-mama ko lang yon!" Utal na saad ko. Tumawa naman sya na mas ikinapula ng muhka ko. "You are my wife, right?" Tumango ako. "Dahil asawa na kita, parent-in-laws ko na sila" dagdag nya. Napasimangot ako dahil doon, tama sya son-in-law na pala ito nila papa.

"Ang daya!" Maktol ko. Mas lumakas ang halakhak nya kaya binato ko sya ng unan. "Tigilan mo yan!" Saway ko pero tinawanan nya pa rin ako. At dahil ako ay dakilang pikunin itinulak ko sya kaya nahulog sya sa higaan.

"Oh crap!!" Daing nya, sinamaan nya ako ng tingin na ikinairap ko sa kanya at kasabay ng pag talikod ko sa kanya. "Are you moodly?" Tanong nya sa akin. "Hwag mo akong kausapin, letse ka!" Singhal ko sa kanya. Narinig ko na naman na tumawa sya kaya inis ko syang tinignan na sana di ko nalang ginawa kasi ang lapit ng muhka nya.

"You so cute, wifey?" Oh goshhh!!! Ang lambing ng boses nya. Umiwas ako ng tingin kasi ramdam ko na naman ang pamumula ng muhka ko. "Matulog ka na nga!" Inis na sambit ko bago muli tumalikod.

Naramdaman ko ang yakap nya sa likod ko na sinawalang bahala ko nalang. "Goodnight my Mrs. Selvania" bulong nito sa akin at hinalikan ang ulo ko na ikinangiti ko nalang hanggang sa makatulog na ako.

Continue

(Ohh!!! Madalang na talaga ako mag update, di na katulad ng dati huhuhu)

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDWhere stories live. Discover now