22

6K 32 0
                                    

"Ilang buwan na ba iyang anak mo?" tanong niya ng maabutan akong katatapos lamang sumuka sa lababo.

Oo, may lababo na rito sa loob ng bahay na tinutuluyan namin dahil kahapon rin ay inayos na namin ni Loida ang bahay. Walang electric fan at ilaw ngunit may pamaypay naman. May bubong na rin na lona, hindi ko alam kung saan galing ni Loida. Hindi naman bago kaya baka diyan sa tabi-tabi niya lang nakuha.

"Aalis na ako ha?" Paalam ni Loida saka ako inabutan ng dyaryo. "Dyaryo nalang muna ang paglibangan mo. Mamayang tanghali ako babalik, may pagkain na tayo no'n."

"Sa mabuti sana galing 'yung.. kakainin natin, no?"

"Aba, demanding pa ang beshy ko na preggy na 'yan!" biro nito kaya natawa ako.

Tuluyan na ngang umalis si Loida kaya nagsimula ako sa pag-aayos ng naturang bahay namin. Marami-rami na kaming gamit pero hindi lahat bago dahil ang iba ay galing lang sa kung saan-saan. Kahapon kasi ay inayos na namin itong munting tahanan namin.

May papag na kami na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at may sira-sira pero malinis na rin kwming sapin. May iilang damit na rin ako galing kay Loida sa iilang mga tropa nito. Wala pa kaming lutuan pero siguro pagtagal-tagal, mag-uuling na kami o hindi kaya ay magkakahoy para kung magluluto man kami sa umaga, pwedeng hanggang hapunan na namin. Mas makakatipid kasi talaga kami nagluluto.

Nang matapos sa paglilipat sa masikit na tahanan, naupo na ako sa upuang gawa sa kahoy na hindi ko alam kung ginawa ba ni Loida o ninakaw sa kung saan.

Magbabasa nalang muna ako ng dyaryo.

Sa pinaka cover pa lamang ng dyaryo ay ako na ang bumungad. Headline ako. Mukhang hindi ito binili ni Loida dahil hindi nito nakita ang mukha ko. Baka kinuha niya lang sa kung saan.

MR. SOLIER, HANDANG MAGBAYAD NG MALAKING HALAGA SA MAKAPAGTUTURO SA ASAWA NIYA

O bakit ngayon, ipinahahanap niya ako? Gusto pa rin ba niya ako ngunit dapat kong ipalaglag itong anak namin? O baka naman napag-isip-isip na niya ang mga nangyari?

At saka asawa? Masyado na niyang ginanapan ha. Aala naman akong natatandaan na pinakasalan niya ako. at saka hindi pa siya handa na makipag asawa. Masyado niyang iniisip lamang ang sarili niya? Bakit hindi niya asawahin 'yung babaeng nakasex niya?

Pagkauwi ni Loida, may dala na itong isang supot na lugaw.

"Oh, kumain ka na." aniya. "Hindi galing sa nakaw iyan kaya magpakabusog ka."

"Ikaw?" tanong ko pa.

"Kumain na ako kanina bago umuwi."

"Ano nga pa lang ginawa mo't nagkapera ka?"

"Nagbenta ako sampaguita at mga lobo sa labas ng simbahan kaninang umaga kaya maaga akong umalis. pagkatapos naman ng third mass, inarkila ko a may-ari ng junkshop ang pinapaarkila nitong bike na pangkalakal kaya 'yon, nakapangalakal pa ako bago umuwi."

"Sipag ah..."

Kumain na nga ako. Hawak ngayon ni Loida ang dyaryo at nasaksihan ko kung paanong nanluki ang mata niya sa cover pa lang ng dyaryo.

"Ikaw 'to ah! Litrato mo 'to e!" aniya.

"Sinabi ko bang hindi?"

"Taknaydo!" sabi niya kaya natawa ako. "Ganito kayaman ang asawa mo? Pinapahanao ka oh. E kung ituro kaya kita? Kaya ba no'n ang isang milyon?"

"Kahit bilyon pa, Loida." tugon ko naman at saka tipon na ngumiti.

"Gago? Gano'n kayaman 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya sunod-sunod akong tumango. "Kaso tarantado e no? Sayang naman ang hayop na ito."

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now